Saturday, August 4, 2012

Barbie Forteza sinaving si Derrick Monasterio ang unang boy na nagbigay sa kanya ng Flowers


Espesyal para sa Kapuso young actress na si Barbie Forteza ang selebrasyon ng kanyang ika-15 kaarawan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-celebrate siya kasama ang 75 na batang maysakit sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City. Karamihan sa mga ito ay may sakit na cancer.

Ang party at outreach program, na ginanap sa compound ng PCMC kahapon, Agosto 2, ay inorganisa mismo ni Barbie sa tulong ng GMA Artist Center (GMAAC) at ng kanyang ine-endorsong clothing brand.

“First time ko pong mag-birthday sa ganito.

“Kasi nag-meeting kami ng BNY Jeans at saka ng Artist Center at napag-usapan nga namin kung ano yung [gagawin]…

“Kasi sa totoo lang po talaga, hindi ako mahilig sa mga party. Pero naisip ko na kung talagang ise-celebrate ko yung birthday ko, sa mga ganito na lang, at least makakatulong pa.

“At saka actually, sa birthday ko, gusto ko hindi lang ako yung masaya, gusto ko marami akong iba pang napasaya sa birthday ko,” sabi ni Barbie nang makausap siya ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang press bago magsimula ang party.

Bukod sa pamimigay ng giveaways sa mga bata ng PCMC, nag-provide din ng entertainment si Barbie, kasama ang dalawang clown-hosts, sa pamamagitan ng games, kuwentuhan, at balloon twisting.

Present sa naturang party ang representatives ng BNY, gayundin ang staff ng GMAAC sa pangunguna ng officers na sina Simon Ferrer at Jenny Donato.

Pagkatapos ng naiibang selebrasyon niya sa PCMC, sa tingin ba niya masusundan pa ulit ang ganitong charity event?

“Actually, hindi naman kailangang birthday mo para gumawa ng ganito, e. Basta pag may free time, why not?”

LOVE FOR SHOES. Noong Martes, Hulyo 31, talaga ang mismong birthday ni Barbie. Naitanong ng PEP sa kanya kung ano ang ginawa niya sa araw na iyon.

“Una, pumunta po ako kina Sir Joey Abacan [GMA Films executive], nakitsika ako. Tapos kumain kami sa labas.

“First time ko pong pumunta doon sa mall ng Rockwell [sa Makati]. Kaming pamilya, pumunta kami. Doon ako bumili ng mga damit.

“Kasi yung mga sapatos na mamahalin, hindi ko pa kayang bumili, so mga damit na lang muna, yung magagamit ko na pang-events.

“Ang saya-saya namin. Tapos ang dami naming nakainan.”

Ano naman ang kanyang birthday wish?

“Ang dami, e… pero ang pinaka-birthday wish ko sana… yung katulad pa rin ng dati, more projects—at saka sana marami pa akong mabili.”

Ano ba ang gusto niyang bilhin?

“Gusto ko kasi marami akong sapatos, e.”

Anong brand ba ang gusto niyang mabili?

“Kahit ano, basta sapatos. Kahit anong sapatos, actually, kahit Chucks [Chuck Taylor All Stars] o high-heels. Basta gusto ko, sapatos.

“Pangarap ko kahit isang signature na sapatos. Kasi parang mas hilig ko ay sapatos talaga kaysa sa mga bag.”

Nakaisip tuloy si Barbie ng isa pa niyang wish: ang maging endorser ng sapatos.

GREETINGS AND GIFTS. Sino sa mga kaibigan niya sa showbiz ang nakaalalang bumati sa kanyang kaarawan?

“Ang mga bumati… actually, lahat ng tweens, bumati sa birthday ko."

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang nga kasamahan niyang teen stars sa bakuran ng Kapuso network.

“Tapos yung mga fans… kasi Tuesday po yung birthday ko, e, karamihan ng mga bata may pasok. Pero hinintay pa rin po nila yung 12 o’clock para lang batiin ako kahit mapuyat sila.

“Nakakatuwa yung mga fans.”

Pati raw ang dati niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio ay bumati sa kanya.

Pero bati lang ba ang ginawa ni Joshua? Hindi ba siya binigyan ng regalo nito?

“E, hindi naman po kasi kami nagkikita. Kung sakaling may regalo, hindi maibibigay, di ba?” sabi ni Barbie.

DERRICK MONASTERIO. Si Derrick Monasterio ang bagong ka-loveteam ni Barbie sa GMA-7 primetime teleserye na Luna Blanca. Binigyan ba siya ng birthday gift ni Derrick?

“Si Derrick, nagulat ako kasi yun nga, pagkagaling namin sa Rockwell… hindi ko alam kinausap niya pala si Mama na ang gusto niya palang mangyari, hindi ko alam na pumunta pala siya sa bahay, tapos doon niya ibibigay yung gift sa may pintuan namin.

“Kailangan wala na siya, e, ang bilis namin, kaya nagsaktong nagpang-abot kami doon sa bahay.

“Nakakatuwa kasi, ayun, nakabisita pa siya sa bahay for the first time.

“At saka first time kong naka-receive ng flowers from a guy. At saka may kasama pang jacket na Gap.”

Dapat pala ay iiwan lang ni Derrick sa pintuan nila ang regalo niya, pero dahil nga nagpang-abot na sila ni Barbie ay personal na itong iniabot ng binata.

Kuwento ni Barbie, “Hiyang-hiya nga siya, e, dapat surprise, e.

“Nakakatuwa lang na sa kanya ko pa na-receive yung first bulaklak ko, na siya yung huling guy na naisip ko na magbibigay nun.

“Kasi talagang si Derrick, pilyo talaga, hindi ko akalain na meron siyang serious side.”

Feeling niya ba, maaga na siyang nagdadalaga sa kabila ng 15 pa lang siya, dahil nga may nagbigay na sa kanya ng bulaklak?

“Actually, hindi ko iniisip yun… basta birthday gift. Wala akong iniisip tungkol doon sa flower. Birthday gift lang talaga,” sagot niya.

DERRICK VS. JOSHUA. So, ibig sabihin ba nito, mas close na si Derrick sa kanya kaysa kay Joshua?

Sagot ni Barbie, “Iba naman kasi yung closeness namin ni Derrick sa closeness namin ni Joshua.

“Kung sakali man na hindi kami magkasama ngayon ni Joshua, hindi naman nawawala yung friendship namin. So, ganun pa rin naman.”

Si Derrick man ang unang lalaking nagbigay kay Barbie ng bulaklak— na isang blue rose—nabigyan na rin naman ni Joshua ang dating ka-loveteam ng pair of earrings.

Yung nakita ba niya kay Derrick ay hindi niya nakita noon kay Joshua?

“Kasi kami ni Joshua, close na kami kaagad.

“Well, kami ni Derrick, close na kami, pero hindi ko siya nakilala agad.

"Halos two years kaming magkasama sa Tween Hearts, pero as kolokoy yung nakilala ko sa kanya.

“Ngayon ko lang talaga siya mas nakikilala pa.

“E, si Joshua, bilang matagal na kaming magkasama sa maraming shows, nakilala ko na siya agad kung alin yung serious type niya, kung kailan siya makulit.

“Kilala ko na talaga siya, si Derrick ngayon pa lang.”

Mas marami ba siyang nagugustuhang qualities kay Derrick kaysa kay Joshua?

“Hindi naman sa mas maraming nagugustuhan.

“Marami lang akong nakakagulat na nalamang personality ni Derrick, na I never thought na magiging ganun siya.

“So, nakakatuwa lang kasi ang pagkakakilala ko kay Derrick dati, hindi pala siya ganun talaga.

“Hindi naman sa mas marami akong nagustuhan, mas marami lang akong nakakagulat na nalaman sa kanya.

Like yun, gentleman siya, sweet, at saka professional.

“Kasi kahapon, nag-taping kami, e, birthday niya, so wala, nandun siya.”


Ano ba ang first impression niya kay Derrick at parang gulat na gulat siya sa na-discover na ugali ng aktor?

“First impression talaga… launching pa lang po ng Tweens. Hindi pa Tween Hearts, grabe, sobrang yabáng na yabáng ako sa kanya, kasi parang ganyan siya tumingin.

“Tapos parang laging seryoso, parang hindi makabasag-pinggan.

“Tapos ngayon, hindi ko akalain na ganyan pala siya kakalog, kaya nakakatuwa.”

DERBIE LOVETEAM. Ano naman ang masasabi niya na marami ang nakakapansing maganda ang chemistry nila Derrick sa Luna Blanca?

“Nakakatuwa, kasi talagang nung The Road, di ba, parang may two seconds na tinginan kaming dalawa ni Derrick doon?

“Gumawa na kami nina Lexi [Fernandez] ng loveteam na DerBie [Derrick-Barbie]. Doon nabuo yung DerBie.

“E, hindi naman namin akalain na mabubuo pala talaga yung DerBie.

“Kaya nakakatuwa kasi marami naman nakagusto sa loveteam na DerBie.”

Diumano’y nakita sila ni Derrick sa Trinoma na magka-holding hands. Totoo ba ito?

“Wow, magka-holding hands agad?” nagulat na reaksiyon ni Barbie.

“Parang sa tuwing lalabas ako kasama ang mga lalaki kong kaibigan, laging may isyu ng holding hands.

“Kahit si Joshua noon, holding hands agad!”

Nag-birthday din si Derrick noong August 1. Binigyan niya rin ba ito ng regalo?

“Oo, meron din, watch para hindi siya ma-late. Charos!” biro niya.

“Hindi naman laging nale-late. Minsan-minsan lang naman.

“Pero kasi, ang napansin ko sa kanya, hindi siya mahilig magrelo.

“So, gusto ko ako yung first sana na magbigay sa kanya ng watch para… I don’t know, medyo memorable.”

Ano naman ang reaksiyon ni Derrick sa regalo niya?

“Ang nakakatuwa kasi kay Derrick, hindi siya maarte, e. Hindi siya ma-materyal na kaibigan.

“So, kahit anong ibigay mo talaga, kahit anong pagkain… Alam niyo po yung lugaw na dilaw? Binigyan ko siya at kinain naman niya.

“Yun nga lang, tinuturuan ko siyang magkamay.”

No comments:

Post a Comment