Friday, August 10, 2012

Benjamin Alves nag condo sa kasagsagan ng Ulan

Ang bagong Kapuso leading man na si Benjamin Alves ay nasa loob lang ng condominium unit niya sa may Shaw Boulevard, Mandaluyong, noong kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.

Safe daw si Benjamin sa condo, lalo pa’t nasa 18th floor ang unit niya. Pero mula raw sa kanyang bintana ay nakita niya ang napakalalas na hampas ng ulan at ang pagbaha sa mga lugar na malapit sa kanya.

Sabi niya, “Nakikita ko po yung ulan na talagang tuluy-tuloy ang lakas. I had to make sure that my relatives are okay.

“But I think, this coming weekend, kapag okay na po ang road, I think I’m gonna help.”

Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang media si Benjamin sa press conference ng horror movie na Guni-Guni, kahapon, August 9, sa Imperial Palace Suites.

FIRST TIME. Sa Guam nagtapos ng pag-aaral si Benjamin, at nandoon din ang immediate family niya.

Madalas din daw magkaroon ng bagyo sa Guam, pero ngayon lang niya naranasan ang tuluy-tuloy na pag-ulan.

“First time ko pong naranasan yung ganitong ulan. Yung talagang nagpi-pray ka kay God na, 'Sana po, matapos na.'

“Kasi, you’re seeing it at napapanood sa news. Thankfully, GMA[7] was able to keep us up-to-date.

“Nakakaawa na po ang nangyayari,” saad ni Benjamin.

Gusto raw niyang tumulong, pero wala raw siyang magawa.

“You feel helpless, because at the same time you can’t do anything, because of the rain.

“You look at the west, it’s flooded. You look to the right, it’s flooded.

“I guess, it’s the faith, it’s strength. Kasi, nakikita po natin ang pagsasama ng mga Pinoy.

“Nai-tweet ko nga po na ulan lang ‘to, pero Filipino tayo.

“I think, nakikita po talaga natin ang tunay na ugali ng Filipino kapag kinakailangan tayo sa disaster na ganito.”

Nang makausap namin si Benjamin, nabanggit nitong pupunta siya sa Marikina. May mga kaibigan daw kasi siya sa naturang lugar na nangangailangan ng tulong.

LOVI POE. Ang leading lady ni Benjamin sa Guni-Guni na si Lovi Poe ay taga-Mandaluyong din at sa condominium din nakatira.

Pero habang kasagsagan ng malakas na ulan, kinukumusta pa rin daw ni Benjamin ang kapareha.

“I made sure that I texted her. Especially now that we met, ang una kong tanong, ‘Kumusta na kayo?’

“Lovi lives near me.

“I was worried. Thankfully, wala namang nangyari sa kanila.

“And I was asking kung yung mga family members nila, may naapektuhan, wala naman daw.

“So, thankfully, we’re all safe.”

Patuloy ni Benjamin, “Kinumusta niya rin ako and it’s nice to have a friend like that—they worry about you sincerely.

“I think it’s good to help everyone, but for me, it’s also heroic to help people that are close to you.”

Malaking bagay rin kay Benjamin na makatrabaho ang isang award-winning actress tulad ni Lovi.

Sabi niya, “It’s great! First day is intimidating, especially kasama ko rin sina Tito Jaime Fabregas at Tita Gina Alajar in this movie.

“So, intimidating in a way, but I think they became successful because they were able to help their co-actors, and they were able to develop a really good atmosphere to work with.

“So, nawala na rin po agad ang kaba.

“And I’m very lucky to work with Lovi.”

STILL A NEWCOMER? Sa poster ng Guni-Guni ay may nakalagay na “introducing” sa pangalan ni Benjamin.

Pero sa pagkakaalam namin, bago nito ay nakagawa na siya ng ilang pelikula para sa Viva Films, kunsaan nakakontrata siya noon.

Gamit pa niya noon ang screen name na Vince SaldaƱa.

Paliwanag ni Benjamin, “Whatever happened before, I’m really thankful, I’m really blessed.

“Pero ano na po, new beginning. I think GMA has given me rebirth.

“I think I will consider everything that I am getting now—first show, first project—as first.”

Parang binura na niya ang mga una niyang taon sa showbiz?

“Hindi naman po ini-erase, pero pinagdaanan na po and I appreciate it.

“And I think, that made me appreciate what I have now, more.

“Parang yung pinagdaanan ko po dati was a very difficult time. It made me appreciate what I have now.

“So, okay naman po siya.

“I don’t erase it from my life. I appreciate it. And I’m able to appreciate what I have now, more, because of it.”

TITO PIOLO. Nagkita na ba silang muli ng uncle niyang si Piolo Pascual? Alam ba nitong isa na siyang Kapuso?

Sabi ni Benjamin, “Since I’m a Bench endorser na po, I was in Benchingko, and nagkita po kami do’n.

“And the last time I saw him since I signed in GMA was in States.

“Kaya noong nakita niya ako, ‘Bro, nandito ka na pala?’ We got the chance to talk backstage.”

“Kuya” raw ang tawag niya kay Piolo kahit na tiyuhin niya ito.

Kuwento pa ni Benjamin sa pagkikita nilang muli ni Piolo: “Siyempre, natuwa ako when I went backstage since ng mga kilala ko lang po, ilang taga-GMA… sina Enchong Dee rin.

“But he [Piolo] was able to introduce me to everyone, nakakatuwa naman po.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Piolo na bukod sa pelikula ay ilulunsad na rin siya sa isang teleserye ng GMA-7?

“He’s really happy for me, really excited.

“Hopefully, he’ll be able to watch, and I know he’ll watch when he get the chance, di ba?

“I know he’ll be happy with what I’m able to deliver.”

PRIMETIME SOAP. Tinanong ng PEP si Benjamin kung anong soap ang gagawin niya sa GMA-7, pero hindi pa raw niya puwedeng idetalye ito.

Natatawang sabi niya, “Alam ko na po pero hindi ko pa po puwedeng sabihin. Alam ko po, this quarter of August.

“Na-announce na po siya, yung mga bagong shows po. Pero hindi ko pa po puwedeng sabihin, baka po makagalitan ako.”

Bida ba siya rito?

“Opo, lead po ako, thankfully po. Primetime po siya.”

Samantala, may nakarating sa PEP na ang unang drama series na gagawin ni Benjamin para sa GMA-7 ay ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Coffee Prince, na tatampukan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

No comments:

Post a Comment