Sa ginanap na birthday celebration ng Showbiz Inside Report para kay Carmina Villaroel, nagkaraoon ng pagkakataong mas maintindihan pa ang relasyon nila ni Zoren Legazpi. Isang sorpresang interview ang ginawa ni Janice de Belen sa magkarelasyon at dito maraming naibunyag na mga kwento tungkol sa kanilang relasyon.
Sinimulan ito sa unang nilang pagkikita bilang mga teen stars nung ‘80s hanggang sa nagkaroon muli sila ng pagkakataon na magkatrabaho sa isang pelikula. Nang lumipat si Carmina ng tinitirhan dahil sa naging hiwalayan nila ng dating asawang si Rustom Padilla, naging magkapitbahay sila nina Zoren hanggang sa naging magkaibigan, kalauna’y naging magkasintahan.
Lahad niya sa pangyayaring ito, “I left when I was five months pregnant. Siya (Zoren) he had to work kasi ako wala akong income.” Dagdag pa ni Zoren, “Kasi nung time na yun wala akong visa, may gamble doon whether makarating ako or not kaya nag-ipon ako ng nag-ipon. Alam ko nung time na yun kailangan siyang magtago kasi nung time na yun…” “Hindi pa ako annulled,” ang pagtatapos ni Mina. Delikado pa din ang mga legalities noon ayon kay Zoren kaya kinailangan ni Carmina maging low profile.
Naging mahirap man ang pinagdaanan ni Carmina sa kanyang pagbubuntis, walang kapalit na saya ang hatid ng kambal sa kanilang dalawa ni Zoren. Ayon kay Zoren, “Pleasant agad ang dating ng kambal. Parang doon naramdaman ko na aalagaan ko ‘to ng mabuti.”
Sa 14 years nilang pagsasama sa hirap, ginhawa at gitna ng intriga, natanong si Carmina kung ano ang pinakamagandang bagay kay Zoren bilang katuwang. “Dati kasi sabi ko sa Daddy ko if I am going to settle down, gusto ko parang Daddy ko. Looking back nung sinabi ko yun at ngayon, para siyang Daddy ko, relax lang. Ako kasi ma-panic akong tao, masigaw. Siya petiks-petiks, laidback, so nahahawa ako sa kanya.” At para naman kay Zoren, the best thing about Carmina is, “She lets me handle the house although meron siyang mga side comments. Kapag nalilimutan niya, binibring-up ko, isa lang ang hari dito.”
Sa tagal na rin ng kanilang naging pagsasama, marami na rin ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi pa sila nagpapakasal. Isa bang rason nito ay ang takot ni Carmina sa nangyari sa kanyang unang kasal? “No! Now? No. Kasi masyado akong na-overwhelm sa kambal na feeling ko okay naman e, wala kaming problema.” Dagdag pa ni Zoren dito, “Paghiwalay niya, nakita ko yung pain na dinaanan niya, hinayaan ko muna siya. Nung nag-decide na ako na it’s time to formalize everything, meron palang legalities, yung papers so nahadlangan na naman. Ngayon taon lang talaga na-finalize na talagang fully 100% annulled siya.”
Dagdag ni Carmina, “Pero siguro naman yung kalagayan nung isa at nung akin…siguro naman papayagan niyo na ako ikasal dahil alangan naman dalawang babae ang kasal ‘di ba? Kaya yun sinasabi kong legalities na lang talaga kasi ‘di ba pag namatay na wala ka nang asawa?” Kaya naman pareho silang umaasa din na maayos na ang lahat para maganap na ang matagal na nilang gusto na makasal.
At sa pagtatapos ng panayam sa dalawa, ang hiling ni Carmina sa kanilang dalawa, “Gusto ko kasi talaga hanggang sa pagtanda na talaga, yung bickering lang kami.”
Pabirong sagot ni Zoren, “Na-envision ko kakargahin ko siya.” Pero ang nakatutuwang sambit dito ni Carmina, “May energy ka pa ha! May lakas ka pa! E mas matanda ka nga sa akin. Nakakatawa pa, di ba ang theme song ng Lorenzo’s Time ‘Kahit maputi na ang buhok ko?’ Before mag-start ang Lorenzo’s Time madalas niya yan nababanggit sa akin. May one time, ‘Honey masahihin mo naman ako kasi masakit yung kasu-kasuan ko. Kinuha ko yung laptop, pinatugtug yung ‘Kahit maputi na’ habang minamasahe ko, nacute-an ako!”

No comments:
Post a Comment