Masasabing isa nga si Erik Santos sa mga pinakamatagumpay na naging produkto ng isang talent search at ang kanyang pagkapanalo sa Star in a Million ang naging susi para matupad niya ang kanyang mga pangarap hindi lang para sa kanya kungdi para sa kanyang pamilya. Nagbalik-tanaw din ang Prince of Pop sa mga alaala niya sa pagsali sa Star in a Million. “It was a great experience siyempre. It was my 1st time na sumali sa isang singing contest na napakalaki sa TV and nabigyan ako ng pagkakataon to share my talent. Napakalaking chance nun para maishare yung singing talent.”
Inamin din naman ni Erik na nakaranas din siya ng maraming pagkatalo bago niya natuntun ang tagumpay na meron siya ngayon. “Before Star in a Million hindi naman kasi ako mahilig sumali ng singing contest lagi lang akong pinapasali ng pamilya ko e ako bilang masunuring anak, bilang masunuring kaibigan sumasali naman ako, may mga pagkakataon namang nananalo pero mas madalas natatalo.”
At sa kung naging inspirasyon niya ba ang mga pagkatalong ito para mas lalong magpursigi lalo na noong nasa Star in a Million siya. “For Star in a Million parang sa akin wala akong masyadong expectation kasi ang gagaling ng mga kalaban kung babalikan natin si Sheryn (Regis) sobrang galing niya at consistent talaga siya at dati ok na akong mapasali sa sampu at nung natira kaming tatlo ok na ako maging runner-up kaya nung inannounce yung pangalan ko bilang winner sobra akong nasurprise.”
Ngayong halos sampung taon na siya sa industriya, binahagi niya ang sikreto kung paano napapanatili kung ano ang meron siya sa kasalukuyan. “Siguro keep reinventing your self, your music, yung ginagawa mo sa bawat concerts and right attitude towards your co-workers. Kailangan lang talaga magandang pakikisama at disiplina at pagmamahal sa trabaho.”
At ngayon ngang may upcoming concert si Erik Santos sa Meralco Theater sa August 30 and 31 na pinamagatang “Greatest Theme Songs”, nagbahagi din siya sa mga preparasyong kanyang ginagawa. “Dito meron kaming ibat ibang approach in every number na gagawin namin so as much as possible gusto naming gawing cinematic and creative.”
At sa kung may aasahan bang special guest ang kanyang mga supporters at fans sa kanyang upcoming concert ang makatotohanang sagot ng Prince of Pop ay, “Wala naman ganun pa rin kasi wala naman akong love life boring yung love life ko so ok lang.”

No comments:
Post a Comment