Friday, August 10, 2012

GMA 7 Ipinakita na ang Top 10 male Contender of protege

Sa first gala night ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break ng GMA-7 noong Linggo, August 5, ay ipinakilala na ang Top 20 contenders.

Ang mga ito ang napili ng limang mentors mula sa auditions sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa online auditions.

Ang mentors ay sina Phillip Salvador (Mindanao), Jolina Magdangal (Visayas), Ricky Davao (North and Central Luzon), Gina Alajar (South Luzon), at Roderick Paulate (Mega Manila).

Ang judges naman ngayong ikalawang season ng Protégé ay sina Joey de Leon, Bert de Leon, Annette Gozon-Abrogar, at Cherie Gil.

Pagkatapos ng live presentation, hosted by Dingdong Dantes and Carla Abellana, ay isa-isang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Top 20 protégés—sampung lalaki at sampung babae.

Narito ang mga lalaking contender:

Mindanao

DAVID JOHN LLANAS, 19, Cagayan de Oro

Nag-audition si David noong Season 1 pa lang ng Protégé, pero hindi siya pinalad na makuha noon.

RURU MADRID, 14, Zamboanga

Si Ruru ang pinakabata o bunso sa Protégé contenders. Pero kahit daw siya ang pinakabata, malaki ang tiwala niya na kaya niya ang competition at maipagmamalaki siya ng kanyang pamilya.

Visayas

BRYAN BENEDICT, 21, Cebu

Ang experience daw ni Bryan ang maituturing niyang edge sa ibang contestants. May background daw siya sa pagkanta, naging part-time model at nagkaroon din ng ilang acting stints sa TV.

MIKOY MORALES, 18, Roxas City

Bukod sa marunong tumugtog ng musical instruments, si Mikoy ay isa ring singer at miyembro ng Kundirana sa La Salle.

North and Central Luzon

JAPS DE LUNA, 20, Nueva Ecija

“Kung gusto mong matupad ang pangarap mo, kailangan mong sumugal. May tiwala ako sa talento ko kaya nandito ako," sabi ni Japs, isa sa protégés ni Ricky Davao.

GLENN ROY, 18, Tarlac

Pagdating sa pag-arte, sa palagay ni Glenn Roy ay sa drama ang talagang forte niya.

South Luzon

JERIC GONZALES, 19, Laguna

Bukod sa talent, mayroon daw looks si Jeric. Taglay daw niya ang katangian na hinahanap sa isang artista figure… na hinahanap dito sa Protégé.

MYKEL ONG, 20, Batangas

Hindi raw madali ang naging karanasan ni Mykel sa pag-o-audition kaya sisiguraduhin daw niyang hindi ito masasayang ngayong nakapasok siya sa Top 20 ng Protégé.

Mega Manila

VIEN ALEN KING, 19, Quezon Province

Naniniwala si Vien na ang ibinigay raw sa kanyang talento ng Diyos ay dapat niyang gamitin para maibahagi sa iba. Singing daw ang pinaka-forte niya.

ANDRES VASQUEZ, 21, Taguig

Kung ang karamihan sa contestants ay singing ang edge, si Andres naman daw ay sa pag-arte. Theater actor ng Villa Teatro si Andres na nagtatanghal sa mga SM Cinema

No comments:

Post a Comment