Eksklusibong nakapanayam ng Hot Pinoy Showbiz si Iza Calzado at masaya niyang ibinahagi ang kanyang damdamin sa mainit na pagtanggap sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan kung saan isa siya sa mga bida at ito rin ang kauna-unahan niya ring teleserye sa kapamilya network. “Masaya ako tuwing nakakatanggap ako ng tweets about it at meron pa ngang nagpapasimuno ng hashtag na earlier timeslot for the show and I really wish that we could come earlier but bahala na si Batman. But masayang-masaya ako dahil when I am doing a show I am really more concerned about my performance, like my rapport with my co-actors and director but you know when people appreciate my work, our work then yun talaga yung mas masarap ang feeling.”
Bilang ito ang una niyang teleserye simula nang lumipat siya mula sa kabilang istasyon, hindi rin maiiwasang may mga taong gustong malaman kung malaki ba ang kinailangan niyang adjustment sa bagong environment na kanyang kinabibilangan ngayon at kung ano ang pagkakaiba nito sa dati niyang home network at ang nakangiting sagot ni Iza, “Siyempre hindi ko pa rin memoryado lahat ng mga pangalan nila, tapos nung una binibigyan ko sila ng sarili nilang names pero bukod dun narealize ko na not so much a kapamilya versus other stations, its actually for growth and the chemistry of growth for show, and the production kasi iba-iba talaga at nasa tao talaga at the end of the day and iba lang siguro yung expectations ng network para sa show. Iba yung process ng network sa isang network.”
Kung dati ay marami ang nag-aabang sa kanyang bagong proyekto at kung ano ang makikita sa kanya, ngayon ngang kasalukuyang nang umeere ang kanilang programa, mas nakahinga na ba siya ngayon na pinapalabas na ito? “Siyempre to sustain it is mas nakakapressure, parang now na its actually airing and then nakakapressure na you are working at the same time that you are trying to deliver a show and yung concerns mo rin eh not just how it is, the script itself and how to execute it but the time like you also have considerations of that na kailangan mong magmadali na dapat by next week ganito ganyan, tomorrow kailangan yung scene na ito.”
Maliban sa kanyang serye, marami na rin ang naeexcite at nag-aabang bilang bagong host ng Pinoy Biggest Loser Doubles Edition. Kaya naman hindi na rin namin naiwasang matanong kung may pressure na maikumpara sa dating host nito na si Sharon Cuneta. “I don’t feel any pressure. Of course I understand that she is the Megastar and in terms of her magnitude as a star in the Philippines, I can never fill in those shoes but I also know where I stand in the health and fitness field and when it comes to this topic, when it comes to losing weight I know I can hold my own. It has nothing to do with anything but me and my journey kumbaga kampante ako sa kanya, na pinagdaanan ko yan.”
Ayon pa kay Iza very happy siya na napunta sa kanya ang project na ito. “Yes I am so excited to host this show, you have no idea.”

No comments:
Post a Comment