Na-extend pa ng apat na linggo ang teleseryeng One True Love nina Louise delos Reyes at Alden Richards.
Masaya ang dalawa sa naging pagtanggap ng mga manonood dito. May ilan pa ngang nagsasabi na tila makatotohanan na raw ang mga eksena nila sa teleserye.
Sagot ni Louise, “Hindi ko alam. Pero kung [oo], siyempre, flattered ako.
"Kailangan siyempre makatotohanan. Kasi, hindi kami si Louise at si Alden, e.
"Kami si Elize at si Tisoy," banggit ni Louise sa pangalan ng characters nila ni Alden sa One True Love.
“Ang pangit naman kung sasabihin, 'Ay, parang hindi naman, ay parang hindi bagay…'
"So, hindi rin namin nabibigyan ng justice yung dapat naming ibigay sa characters namin.
“Effective kami. Parang yun yung pinakaimportante sa ‘min.
"Na kahit alam ng mga tao na hindi kami, naniniwala sila na may something,” dagdag pa ni Louise.
Sabay na nakapanayam ng Hot Pinoy Showbiz sina Alden at Louise sa Thanksgiving Party ng nasabing teleserye, noong August 16, sa dining hall ng Studio 7, GMA Network Studios.
MORE CLOSE NOW. Nang tanungin pa si Louise kung sa tingin niya ay nade-develop na ang ka-loveteam na si Alden sa kanya, sagot nito: “Basta kami ngayon, mas close kami sa isa’t isa.
"At masasabi ko, close kami in a way na sobrang concerned namin sa isa’t isa.
“'Tapos kapag… kasi dati in-between takes, hindi kami masyado nag-uusap, e. Although close talaga kami. Kapag work, work talaga.
“Hindi yung sobrang magkatabi kami.
"Pero ngayon, magkatabi kami, magkausap kami. Napapag-usapan namin yung hindi namin napapag-usapan before.
“So, nakakatuwa lang. Lalo kaming naging close since nag-ano rin kami…nagre-regional na magkasama.
“Every week lumalabas kami ng Maynila. Punta kami ng Visayas, Mindanao.”
NOT FAKE. Sabi naman ni Alden, “Ganun pa rin, ganun pa rin.
"Wala naman pong ano…Sa buong soap nga po, isang beses pa lang kami naghahalikan ni Elize, e. Ewan ko kung mauulit pa.
"Meron po kasi akong nakukuha sa kanya na 'pag gumawa po kami ng eksena, parang totoo na…
“Actually, hindi naman po ‘parang’ kasi hindi naman po talaga fake kung anuman yung relationship namin ni Louise off-cam, e.
“So, yung nagiging rapport lang namin while doing scenes, medyo mas genuine, 'tsaka mas totoo. Wala po kaming pinipilit,” sabi pa ng binata.
BLESSED ALDEN. Malaki naman ang pasasalamat ni Alden na nabigyan siya ng ganitong klaseng pagkakataon na magbida sa isang teleserye.
“Very blessed po ako talaga sa lahat ngayon, especially, sa nangyari sa show ko. Kasi para po sa ‘kin, big deal po ‘to, e.
“Kasi, first lead namin sa prime. 'Tapos yung naging fruit ng lahat ng labors namin, talagang worth it.
"Kaya, hindi lang po yung career namin yung naaapektuhan, kahit po yung personal life.
"Lahat, gumaganda po. Very positive po ‘tong 2012,” masayang pahayag pa niya.
NO LOVE FOR NOW. Pero sa ngayon ay ayaw munang pagtuunan ng pansin ni Alden ang isyu ng pag-ibig.
“Yung love po? Hindi na po muna. Ok na po muna ako sa loveteam. Kasi, ayoko pong makasira, e.
“Mas important po sa ‘kin yung work ngayon…
'Tsaka yung sa ‘min po ni Louise. Dun lang po una ako nagko-concentrate,” pagtukoy ni Alden sa kanilang love team.
NO COMPETITION WITH OTHER STARS. Wala naman daw kumpetisyon sina Louise at Alden sa iba pang tween stars tulad nina Barbie Forteza, Bea Binene, Derrick Monasterio, at Jake Vargas ngayong may kani-kanya na silang career.
"Happy kami kasi, di ba nag-start kami bilang grupo? 'Tapos may kanya-kanyang pinupuntahan yung career namin.
“Meron sa singing, meron sa acting, merong ibang genre ng acting. Kaya… Parang pare-parehas kaming blessed.
“Itong year na ‘to, feeling ko, year ng mga tweens.
"Nakakatuwa po kasi galing kami sa isang project na Tween Academy.”
Kung bakit naman nauna silang nagkaroon ng break sa primetime, ang paliwanag ni Alden, “Mas matanda po kami, e. Sila po, ano, 16, 14.”
Eighteen years old na si Louise, habang 19 years old naman si Alden.
Maaari raw na hindi pa handa ang mga mas bata nilang kasabay sa mature roles na tulad ng ginagampanan nila ni Louise.
Pero sa kabila ng paggawa na ng mature roles nina Louise at Alden, hindi naman mapigilan ng binata na mapahanga kina Bea at Barbie.
“Since nagwo-workshop kami ngayon, mas marami po akong ikinagugulat sa mga ipinapakita ng mas bata sa ‘min…especially, Bea and Barbie.
“Parang masyado pa po silang bata for that experience. Pero, ang galing, e. Mas may experience pa po sa ‘min, nagugulat po ako, e” patuloy pa ni Alden sa mga nakikita niyang kakayahan sa pag-arte nina Bea at Barbie.
CHALLENGING SCENES. Hanggang ngayon daw ay may kaba pa rin sina Alden at Louise sa kanilang mga eksena.
Ang kabang nararamdaman nila ay ang pag-aalalang ma-bore sa kanila ang mga manonood.
“Parang, panibagong eksena, panibagong io-offer na hindi lang… 'Ay nakita na namin 'yan sa My Beloved, ay nakita na namin yan sa Alakdana, e.'
“So, yun po, andun po yung kaba namin. To offer something new sa audience po,” sabi pa ni Alden.
Nakadagdag pa sa kaba nina Louise at Alden na kasama nila sa One True Love sina Jean Garcia at Agot Isidro.
Nai-intimidate ba silang kaeksena ang dalawa?
“Hindi naman po nai-intimidate, pero kailangan po naming tapatan yung ibibigay nila sa ‘min," sagot ni Louise.
“Kasi every take, nagbabago sila ng atake, e. May iniisip kayong atake na minsan, hindi yun ang ginagawa nila.
“Parang ano, nakakahiya din kung wala silang nahuhugot sa ‘min."
Namamangha nga raw si Louise sa batuhan ng linya nina Jean at Agot kapag magkaeksena ang mga ito.
“Nagiging dilemma ko rin na may sakit ako, na hindi ako puwedeng maging kasing-energetic na tulad nila.
"So, kailangan kong mapantayan, kahit may sakit ako,” sabi ni Louise.
Sa mga nakaraang episodes kasi ng One True Love ay nakaratay sa ospital si Elize dahil sa malubhang sakit nito.
Kaya ganun na lang ang panghihinayang ni Louise na bilang Elize ay hindi niya masabayan ang intense na performance nina Jean at Agot.
Si Alden naman, sana raw ay mapantayan niya ang acting ng dalawang aktres.
“Kung hindi man po mahigitan ay pantayan lang po yung performance, kasi kaya din po sila andun para suportahan din po kami, e.
Hangang-hanga si Alden sa isang eksena nila ni Jean kahit na nasaktan siya.
“Madalas po ako ano, e… Kagaya po ng mga nagawa kong scenes before kay Ms. Jean, nasampal po ako.
“Ang galing po…naalis po ako sa frame, e. Tumalsik po ako, e,” biro niya.
“Pero, kung hindi nyo po natatanong talaga, dream ko rin pong mangyari sa ‘kin yun, e. Yung masampal po ng mga bigating artista.
“Na-accomplish na po yung kay Ms. Jean.
"Siguro ang next po, dream ko naman makasampal sa ‘kin si Ms. Cherie Gil. Sana po,” umaasam na sabi pa ni Alden.

No comments:
Post a Comment