Dahil kahuhupa pa lamang ang matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila at Luzon area nang ganapin ang press conference ng Guni-Guni kahapon, August 9, tungkol sa kalamidad ang naitanong sa cast members ng pelikula.
Isa sa nahingan ng pahayag ang lead star ng pelikula na si Lovi Poe.
Saad ng aktres, “Nakakalungkot na ang nangyayari.
“I think it’s time for us to open our eyes na kailangan na talaga na alagaan na ang kalikasan natin.
“I mean, it’s so much better to actually prevent it rather than doing these all the time.
“But it’s also nice na do’n mo makikita ang mga Filipino, everyone’s working, helping together.
“I think, when something bad really happens, something good really comes out for it—which is the love for one another.”
Ayaw nang i-elaborate ni Lovi kung paano siya tumutulong, bilang isang celebrity, sa mga naapektuhan ng baha.
Pero sabi niya, “It’s a nice feeling naman.”
Sila naman daw ng leading man niya sa Guni-Guni na si Benjamin Alves ay nagkumustahan nung kasagsagan ng ulan at baha.
Ayon kay Lovi, “Taga-Mandaluyong din siya.
“Actually kami, may shooting dapat kami, so nagkakausap kami through Twitter kung tuloy nga ang shooting.
“Nagtsi-check din kami kung kumusta na.”
THIRD WHEEL? Nagulat naman si Lovi na may lumalabas na isyung “third wheel” sa nababalitang relasyon nila ni Jake Cuenca si Benjamin.
Sabi ng Kapuso actress, “In the first place, wala naman akong… well, para magkaroon ng third wheel, kailangan may couple muna.
“But no, not at all.
“Benjamin is a good friend and he’s an amazing person.
“Masaya nga ako na nakatrabaho ko siya. I mean, to work with someone who is game with anything and super-talino pa.”
Yung matalino ba ang gusto niya sa lalaki?
“Ay, yes, importante na matalino. Smart and funny,” sabi niya.
May humirit na miyembro ng press na matalino naman daw ang ex-boyfriend niyang si Ronald Singson.
“That’s why nga, e… before,” nakangiting sabi ni Lovi.
Pagkatapos nito ay natawa siya sa sinabi.
“Talagang nilagay ang before! Why do I have to say that?”
READY FOR A NEW RELATIONSHIP? Sinasabi ni Lovi noon na hindi pa siya open na makipagrelasyon. Pero kung tatanungin siya ngayon, ready na ba siya?
“You know, if given the chance, why not?” sagot niya.
“Oo, it’s probably nice to have something na steady lang.
“But then, with my work din, mahirap din na mabigyan ng time.
“And wala, it’s basically hard to adjust naman. Wala lang.”
Pero masasabi niyang si Jake talaga ang pinakamalapit na lalaki sa kanya ngayon?
“Malapit siyang talaga sa akin. He’s my neighbor... My Neighbor’s Wife,” natatawang biro pa niya.
Magkasama kasi ang dalawa sa naturang pelikula ng Regal Entertainment.
Gaano na sila ka-close?
“We’re really close naman but, yun nga, sa ngayon, we’re both busy at saka, wala…
“Someone as passionate as him sa work, ganoon din naman sa akin, we wanna keep it that way.”
Nasa dating stage na ba sila?
“It’s not actually dating, kasi siya rin naman, dalawa ang soap niya.”
Nakilala na raw ni Lovi ang pamilya ni Jake.
“I’ve met na—yes, yes,” nakangiti niyang sabi.
“Hindi, not on a dinner, nakilala ko lang sila, walang ano.
“I have respect for them naman, they are amazing people.”
KEEPING IT PRIVATE. Kung sakaling magkaroon siya ng panibagong relasyon, mas gusto raw ni Lovi na gawin na lang itong pribado.
“Kaya nga palagi akong nasasabihan na nagde-deny, it’s because I want to keep it private na lang.
“But then, kasi yun nga, at this point kasi, I’ve been through a lot before, so rest muna ako.”
So yung sa kanila ni Jake, parang gusto niya rin munang gawing pribado?
“No, it’s not that naman din. We basically don’t have time, and we don’t go yet to that stage.”
Alam naman daw ni Lovi na patuloy pa rin lalabas ang mga isyu sa kanila, lalo pa nga’t may pelikula pa silang pagsasamahan kasama si Baron Geisler.
Ito ang Lihis ni Direk Joel Lamangan.
Sweet sa kanya si Jake sa Twitter. Naa-appreciate ba niya yun?
“Yes, yes, naa-appreciate ko yun, of course, of course,” nakangiti niyang sagot.
DOPPLEGANGER. Marami raw ang nagsasabi kay Lovi na ang pinagbibidahan niyang pelikula ngayon na Guni-Guni ay tila may pagkakahawig sa palabas pa ring The Healing, na pinagbibidahan naman ni Vilma Santos.
Ito ay dahil parehong may kinalaman sa doppelganger ang kuwento ng dalawang pelikula.
Ang doppelganger, ayon sa Merriam-Webster dictionary, ay “ghostly counterpart of a living person.”
Ngunit sabi ni Lovi, “A lot of people have comments like that, but I’m sure it’s gonna be different.
“I haven’t seen The Healing yet, but Guni-Guni is not just about doppelganger. It’s about someone who’s psychologically disturbed na person.”
Kinailangan daw ni Lovi na mag-isip ng sitwasyon sa pagiging “psychologically disturbed” niya sa pelikula.
“I had to write down some crazy things na iniisip ng character ko and thinking that was what she’s going through.
“So, habang ginagawa ko ang mga bagay-bagay, inuulit-ulit ko siya sa utak ko. Na kunwari, yun ang ginawa ko.”
May pagka-dark daw ang character na ginagampanan niya sa Guni-Guni.
“To explain the role of Mylene kasi, masyado siyang dark. Na I had to write down the things that she’s probably thinking of.
“And I’ve never thought of such bad things ever in my whole life 'til I played the role of Mylene, para lang lumabas yung crazy person.”
HORROR PRINCESS. Marami ang nagsasabi na ang title na ngayon ni Lovi ay “Horror Princess,” bilang si Kris Aquino ang may hawak ng titulong “Horror Queen.”
Sunud-sunod kasi ang horror movies na nilalabasan ni Lovi.
Nauna na ang Aswang noong 2011, at sunod na nga ang Guni-Guni na ipalalabas sa August 22.
Sa October naman ay ipalalabas na rin ang Tiktik: The Aswang Chronicles nila ni Dingdong Dantes.
Paano niya nagagawang iba-iba ang atake sa horror movies na ginagawa niya?
“I think, one of the things that I’ve learned from Direk Jerrold [Tarog], na nakatrabaho ko sa Aswang, for you to actually get into character of being an aswang, think that as if you’re an animal.
“So now, I am thinking that I am really a psycho person. I really have to get into character.”
FPJ’S DAUGHTER. Naitanong din kay Lovi ang napapabalitang pagtakbo sa Senado ng half-sister niyang si Mary Grace Poe-Llamanzares, kasalukuyang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board, sa susunod na eleksiyon.
Paano niya susuportahan ang kapatid sa ama?
“Of course, if she does that, nandito talaga ako para suportahan siya,” sagot ni Lovi.
Nakapag-usap na ba sila tungkol sa bagay na iyon?
“No, but the last time we talked, I saw her for a movie rin.”
Okay naman sila?
“Yes, yes… they’ve been nice to me naman, wala akong masabi.”
Kasabay nito ang balitang tinanggap na nina Susan Roces-Poe ang National Artist Award para sa yumaong ama ni Lovi, si Fernando Poe Jr.
Ano ang reaksiyon dito ni Lovi?
“Yes, yes… masaya ako. Pero it wasn’t necessarily needed, for me.
“As long as, yun nga, nabuhay siya sa puso ng mga Filipino o, yun nga, mga taong nakatrabaho niya, for him, siguro sapat na yun.
“But then, for him to be given this, it’s just great.”
Sa lahat ng mga anak ni FPJ ay si Lovi ang masasabing nagpatuloy ng legacy nito bilang artista.
Masasabi kaya ni Lovi na kung nabubuhay pa ang ama ay very proud ito sa kanya?
“I hope so,” nakangiting sagot ng award-winning actress.
“In such a way naman not to take that away. I may be taking a different path from my father, pero hindi ko naman tinatanggal sa puso ko o sa isipan ko na dala-dala ko pa rin yung pangalan ni Papa.
“Kaya kailangan ko talagang alagaan yun. Kaya kahit nagiging medyo daring o kakaiba yung mga ginagawa ko, I make sure na naiisip ko pa rin yung pangalan ng daddy ko.”
No comments:
Post a Comment