Sunday, August 5, 2012

Mikael Daez to star in Sana Ikaw Na Nga remake with Andrea Torres

Masayang-masaya ang commercial model-turned-actor na si Mikael Daez nang sorpresahin siya ng GMA-7.

Siya kasi ang napili ng Kapuso network na magbida sa remake ng 2002 primetime dramang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Gagampanan ni Mikael ang role na Carlos Miguel, na originally ay ginampanan ni Dingdong Dantes.

Ang makaka-partner ni Mikael sa naturang remake ay si Andrea Torres, na gaganap bilang si Cecilia, na originally ay ginampanan ni Tanya Garcia.

Kuwento ni Mikael nang makapanayam siya ng Hot Pinoy Showbiz nung August 3, Biyernes, sa Museum Room ng GMA Annex Building, na may nakarating na ngang balita na siya ang leading man sa bagong afternoon series.

Pero hindi pa raw siya muna nagsaya hanggang wala pa ang official announcement.

“I’ve been hearing about it. May mga nagsabi na sa akin, but I don’t want to assume muna. Baka hindi naman ako matuloy, made-depress lang ako,” sabi ni Mikael.

“So, I just waited kung kelan nila ito sasabihin sa akin. Hindi ko na lang siya iniisip.

“Until one day, sinabihan ako ng manager ko na pumunta ako rito sa GMA-7 at may meeting daw.

"Sabay pa nga kami ni Andrea na dumating at pareho kaming clueless about this meeting.

“Noong makaupo na kami, they handed us the script and they congratulated us.

“Kami na raw ang napili para maging lead stars ng Sana Ay Ikaw Na Nga!

“I was ecstatic! Halos tumalon na ako sa silya ko sa tuwa.

"Pero si Andrea, noong makita ko siya, she was crying. Hindi raw niya ini-expect iyon.

“So, we hugged each other sa sobrang tuwa namin.”

Hindi raw talaga inaasahan ni Mikael na magbibida siya agad sa isang drama series.

Last year (2011) lang pinasok ni Mikael ang showbiz matapos niyang makagawa ng ilang TV commercials at maging ramp model para sa mga designers at clothing brands.

FINALLY, LEADING MAN. Unang project ni Mikael sa Kapuso network ay ang Spooky Nights.


Nasundan ito agad ng epicserye na Amaya, kunsaan isa siya sa naging leading men ni Marian Rivera.

Nasundan naman ito ng pelikulang Temptation Island sa ilalim ng Regal Entertainment.

Huling napanood si Mikael sa My Beloved, kunsaan nakatrabaho niya ulit si Marian Rivera, at kasama na si Dingdong Dantes.

“I can say na malaking bagay ito for me kasi when I decided to go showbiz fulltime, isa sa wish ko ay ang maging leading man sa isang magandang series.

“But I know that I will have to wait kasi marami namang nauna pa sa akin. Hindi pa ako puwedeng sumabay sa mga established leading men na ng GMA-7.

“Pero yung mga nabigay naman nilang projects sa akin were all good.

“I was able to make a good start of my career in acting, lalo na sa Amaya. Then I did a villain-like role sa My Beloved.

“It was good exposure for me, kasi nga naging handa na ako sa iba’t ibang roles that may come my way in the future.

“Ngayon nga, with Sana Ay Ikaw Na Nga, natupad agad yung dream ko na maging leading man.

“I promise to give my best, at magtutulungan kami ni Andrea to make our team-up work,” nakangiti pang saad ni Mikael.

GETTING TO KNOW ANDREA. Inaamin ni Mikael na hindi niya masyadong kilala noon si Andrea, kahit na nagkatrabaho na sila sa My Beloved.

Nagkakakuwentuhan naman daw sila sa set at doon sila naging magkaibigan.

“Ako naman kasi, I try to get to know the people on the set. Lahat sila kinakausap ko.

“Si Andrea, doon ko lang sa set nakilala, at kapag wala kaming scenes na kinukunan, nagkakakuwentuhan kami.

“Doon na kami naging magkaibigan.

“Hindi namin talaga ini-expect na we will end up as partners sa Sana Ay Ikaw Na Nga. We are both very happy with it all.”

Si Andrea ay pumirma ng three-year exclusive contract sa GMA-7 nung nakaraang taon.

Isa siya sa mga dating hosts ng Kapuso teen show na Ka-Blog nung 2008 at napasama sa cast ng You To Me Are Everything nung 2010.

Huli niyang proyekto sa Siyete ang My Beloved na ipinalabas ng taong ito.

THE “ICEBREAKER.” Nagkaroon na nga raw sila ng workshop para mas makilala pa nila ang isa’t isa.

Unang ipinagawa sa kanila ng kanilang director ay ang maghalikan sila.

“Parang icebreaker daw iyon. Kasi, eventually, marami kaming magiging kissing scenes sa series.  So, simulan na raw namin ngayon para wala nang ilangan.

“Kami naman ni Andrea, hindi na kami nagkahiyaan. Hindi na kami nagtanong pa. We did what they asked us to do.

“After that, parang wala lang, nagtawanan pa kami ni Andrea.

“Doon daw mai-establish ang chemistry naming dalawa.

“Kapag wala na yung wall between us, madali na raw yung mga magiging intimate na scenes naming dalawa,” kuwento ng 24-year-old Kapuso artist.

GETTING TO KNOW EACH OTHER MORE. Hindi raw basta magpapaka-sweet si Mikael kay Andrea sa tunay na buhay.

Ayaw raw kasi niyang may magsabi na sweet lang siya sa kanyang leading lady dahil may show silang dalawa.

“We will let it flow naturally. Mahirap na yung ipipilit namin ang isa’t isa,” ani Mikael.

“We still need to know one another better.

“But sa ngayon, okey kami ni Andrea. We get along fine. Feeling ko nga, pareho ang mga interest namin.

“I want to get to know her more para mas easy and breezy ang work naming dalawa,” nakangiti pa niyang dagdag.



CERTIFIED SINGLE. Kung sakaling maging close na sila ni Andrea, wala raw magiging problema dahil wala naman daw commitment si Mikael sa kahit sino.

“Certified single and available ako!

“I’m not committed with anybody.

“Kung may balitang nali-link ako romantically with somebody, matagal na iyon. We’re living separate lives now.

“It’s better this way. More focus on work and less sa personal life ko,” pagtatapos pa ni Mikael Daez.

No comments:

Post a Comment