Nagsisimula na ang showbiz career ng latest Pinoy Big Brother Big Winner na si Myrtle Sarrosa ng PBB Teen Edition 4. “Sobrang saya ng life after PBB, sobrang daming blessings na dumarating sa akin, I have a project now po. I’ll be at Kahit Puso’y Masugatan,” kuwento ng dalaga. Kasama rin niya sa nasabing teleserye ang kanyang former housemates na sina Kit Thompson at Yves Flores. Coincidentally, ang tatlo ay naging kontrobersyal sa loob ng PBB dahil parehong na-link ang dalawang binata sa dalaga.
Hindi raw madali ang adjustment ni Myrtle pero tila game ang dalaga sa mga pagbabago sa kanyang buhay. “Naninibago pero I’m adjusting and I’m really having fun po. Sobrang saya,” pagbida niya.
Recently rin ay nag-guest si Myrtle sa Toda Max, na kanya ring acting debut. “Sobrang saya and it was my first debut peformance for acting and I’m happy. So far good comments ang naririnig ko, so I’m very thankful.”
Kampante rin siya na sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ngayon ay nakaagapay ang kanyang pamilya. “Parati po nila akong pinapanood, tapos sinusuportahan po nila (ako) and they’re really supportive sa kagustuhan ko po.”
Paglabas ng PBB house ay sikat na si Myrtle kaya naman naga-adjust pa rin siya sa panibago niyang status. “’Yun po it’s very new na may nagpapa-picture sa akin pero of course, we always try to be humble. Kung di ka naman nagmamadali, magpapa-picture ka as a way to say thank you na rin.”
May mga responsibilidad si Myrtle dahil sa kanilang probinsya ay siya ay ang Sangguniang Kabataan Chair at siyempre pati ang kanyang pag-aaral, subalit hindi naman daw niya pababayaan ang mga responsibilidad niya. “Sa school I’m planning to transfer here in Manila either next sem or next year,” pagbubunyag niya. “I’m studying at the University of the Philippines sa Visayas so I’m going to transfer to a campus here in Manila. When it comes to SK po I’m coming back naman palagi sa probinsiya ko. Of course it’s my duty and pinapanindigan ko and gusto ko talagang mag-serve.”

No comments:
Post a Comment