Biniro kahapon ng The Buzz host na si Charlene Gonzales si Richard Gomez na kahit after 21 years ay sobrang dami pa rin ng mga sumusubaybay sa team-up nila ng dating girlfriend niyang si Dawn Zulueta sa teleseryeng Walang Hanggan. Mataas ang ratings ngayon ng primetime teleserye at sinusubaybayan dito ang love angle ng mga karakter nina Richard at Dawn.
Ikakasal nga ang kanilang mga karakter, at tanong ng marami, payag ba ang dalawa na magkaroon ng kissing scene? Nauna na kasing sinabi ni Dawn na nahihiya raw siyang magkaroon ng kissing scene with Richard. “You have to respect Dawn’s situation, siyempre babae siya,” simula ni Goma. “May asawa na siya. Actually pareho kami ng sitwasyon ni Dawn, Lucy (Torres, asawa ni Richard) and Anton (Lagdameo, asawa ni Dawn). Kaya lang she opted not to do that (kissing scene) yet.” Nang mag-komento si Charlene na marami ang umaasa na may halikan sila ni Dawn, ang mabilis na sagot ni Richard, “Everybody’s hoping.”
Paliwanag ni Richard, hindi raw nagseselos si Lucy sa team-up ni Richard kay Dawn. “Lucy kasi is a fan. She likes love stories, she loves watching my movies, kahit may kissing scenes and love scenes, she watches. Lucy’s very secured in her position and siguro ‘yun ang swerte ko sa buhay dahil natatanggap ng asawa ko ang trabahong ginagawa ko. Tayo kasi naiintindihan natin ang trabaho natin and I’m very lucky ganun din si Lucy sa akin.”
Almost 12 years old na ang panganay nina Richard na si Juliana kaya naman naitanong din ni Charlene sa aktor kung nagpaplano pa sila ni Lucy na masundan ang kanilang anak. “We’ve been working on that for the longest time. Pinagdarasal namin na sana naman magkaroon ng kapatid si Juliana kasi ang laki na niya, she’s 11 years old already, and then in the next two months she’ll be 12 na, so dapat meron nang kapatid.”
Sa susunod na taon ay balak tumakbo ni Richard bilang mayor ng Ormoc City at aniya ay long-time dream niya ito. Aniya, handa na niyang isantabi muna ang showbiz kapag pinalad siyang manalo. “Showbiz has to take a backseat dahil bago po ako magpahinga sa show business may isang magandang hit tayong iniwan, ang Walang Hanggan. Siguro ang gagawin ko you have to make sacrifices when you do other things so this time susubukan ko ang mundo ng pulitika.” Aniya isa raw itong paraan niya upang magbigay serbisyo sa mga tao.

No comments:
Post a Comment