Pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang naunang dalawang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isinampa laban kay Richard Gutierrez.
Ang kaso ay isinampa ni Lorayne Pardo, biyuda ng dating personal assistant ni Richard na si Nomar Pardo, noong July 23, 2009, sa Office of the Provincial Prosecutor ng Imus, Cavite.
Nasawi si Nomar sa isang vehicular accident na nangyari noong Mayo 22, 2009, sa Tagaytay-Sta. Rosa Road, sa Silang, Cavite.
Si Richard ang nagmamaneho ng sports car nitong Nissan Skyline nang maganap ang aksidente.
Ayon sa ulat ng news program ng GMA-7 na 24 Oras kagabi, Agosto 2, nakalagay sa resolusyong inilabas ng Court of Appeals, na may petsang July 19, 2012, na “sufficient” ang basehan ng pagpa-file ng naturang kaso laban sa Kapuso actor.
“All told, we hold and so rule that probable cause sufficient to warrant the filing of a case for reckless imprudence resulting in homicide under Article 365 of the Revised Penal Code against private respondent, Richard Rama Gutierrez, has been established.”
Gayundin, “annulled” at “set aside” din daw ang mga unang resolusyon ng DOJ, na nagbabasura sa kasong isinampa ni Lorayne laban kay Richard.
NOT YET FINAL. Ayon naman sa abugado ni Richard na si Atty. Gener Asuncion, hindi pa pinal ang desisyong inilabas ng Court of Appeals.
Wika ni Atty. Asuncion, “‘Yong dismissal ng kaso filed against Richard Gutierrez, may probable cause daw. Therefore, sabi ng Court of Appeals, that should be re-filed.
“Within the fifteen day period, we may file for motion for reconsideration with the Court of Appeals or go direct to the Supreme Court.”
THE ACCIDENT. Ayon sa charge sheet, "overspeeding" ang itinuturong dahilan ng pagkakabangga ng sports car ni Richard sa isang poste ng PLDT at tatlong puno ng niyog sa Sta. Rosa-Tagaytay Road noong May 22, 2009.
Ayon pa rin sa datos na isinumite ni Lorrayne Pardo, sa lakas ng pagkakabangga ng Nissan Skyline sports car ni Richard, tumilapon mula sa likod na salamin ng kotse ang katawan ni Nomar, na nakaupo sa back seat.
Nakaligtas ang aktor, na siyang may hawak ng manibela, pati na rin ang katabi niyang bodyguard.
Ayon sa salaysay ng aktor sa media, lumabas daw siya agad ng sasakyan, kasama ang bodyguard, upang hanapin ang katawan ni Nomar, ngunit hindi nila ito nakita sa kadiliman ng lugar.
Ala-una ng madaling-araw naganap ang aksidente.
Pagdaan ng van ng GMA-7 ay dinala sina Richard at ang bodyguard nito sa pinakamalapit na ospital.
Matapos ang halos isang oras pa, saka nakita ang katawan ni Nomar.
Sampung metro ang layo nito mula sa kinaroroonan ng sports car ni Richard.
Dito pa lang nadala si Nomar sa ospital.
Dead on arrival si Nomar.
(CLICK HERE for related article.)
CASE HISTORY. Matapos isampa ni Lorayne ang kaso laban kay Richard noong July 23, 2009, dalawang beses itong ibinasura ng Department of Justice (DOJ).
Unang ibinasura ng DOJ ang kaso laban kay Richard nung Marso 1, 2010. Ang DOJ ay pinamumunuan noon ni Secretary Agnes VST Devanadera.
(CLICK HERE for related article.)
Noong Marso 22, 2010, nagsumite ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Lorayne sa DOJ, na pinamumunuan na ng pumalit kay Devanadera na si Secretary Alberto Agra.
Ngunit muli itong na-dismiss ng DOJ, sa ilalim ni Secretary Agra, noong Mayo 28, 2010.
Ayon sa desisyong inilabas ng DOJ noon, wala raw silang nakitang “cogent reason to alter or modify, much less reverse, our findings.”
Nang panahong iyon, sinabi ng kampo ni Lorayne na ang desisyong iyon ay na-anticipate na nila.
Matapos nito, muling inakyat ng mga abugado ni Lorayne ang kaso sa Court of Appeals.
At makalipas nga ng dalawang taon ay nagdesisyon na ang Court of Appeals na baguhin ang naging desisyon ng DOJ.
Sinusubukan ngayon ng Hot Pinoy Showbiz na hingan ng pahayag sina Lorayne at Richard tungkol sa desisyong ito ng Court of Appeals, ngunit wala pa kaming nakukuhang sagot.

No comments:
Post a Comment