Wednesday, August 22, 2012

Zsa Zsa Padilla expresses concern for daughter Zia

Halos 40 araw mula nang mamatay ang Hari ng Komedya na si Dolphy, humaharap na naman sa isang dagok si Divine Diva Zsa Zsa Padilla, matapos na kumpirmahin ng mga doktor na mayroon nga siyang Stage I kidney cancer.

Pero maliban sa kanyang  sarili, mas inaalala ni Zsa Zsa ang kalagayan ng kanyang mga anak partikular ang anak nila ni Dolphy na si Zia.

"Now, after the diagnosis, kawawa si Zia kasi both sides na siya may cancer ang family. There is a test pala to see if you will get it. The test is called genetic testing and molecular biomarkers," ani Zsa Zsa sa kaibigang si Kris Aquino sa morning show na Kris TV.

Matatandaang ilan miyembro ng pamilya ni Dolphy ay namatay dahil din sa cancer.

"She is strong like me. She doesn't cry. She said she still feels kinda numb because of her Papa's death so she thinks it came at a right time pa rin kasi kaya niyang maging malakas para sa mama niya," dagdag ni Zsa Zsa.

Sa text ibinahagi din ni Zsa Zsa na nakatakda na nga sa susunod na linggo ang laparoscopic surgery niya sa Cedar Sinai Hospital sa Los Angeles.

"I was diagnosed with Cancer. Actually, first check up pa lang, when they saw my old films from Manila, Dr. Fuchs told me it's malignant. I had blood works and a CT scan yesterday with and without the dye and it still showed  the same thing. Almost 3 cm, tumor. He wants to take it out. After surgery, I was told I wouldn't need anything else - no Chemo or radition since Stage 1 pa lang. Thank God, naagapan!" ani Zsa Zsa.
  
"Laparoscopic surgery will be performed - four holes. Two days sa hospital then follow up. After a week I can fly out na. I can work after 4 weeks, faster recovery. At least I can go back to work. After 6 months follow up, unless the pathologist says otherwise - meaning if it isn't stage one after Biopsy. Then every year check-up na ako. What I have is T1A, it's a low form of Stage 1 Cancer, unless the pathologist says otherwise after surgery."

Ayon sa singer, ang kanyang doktor sa  Cedar Sinai ay ang mismong doktor din ng yumaong Hari ng Komedya kaya't tiwala siya dito.

Sa huli, muling nagpasalamat si Zsa Zsa sa lahat ng mga taong nagdarasal para sa kanya at sa kanyang pamilya.

"I'm happy people are praying for me. I really need it. When I get home, I  no longer want to say I have cancer. After surgery, I want to be able to say I am a cancer survivor. Thanks for being strong for me."

Matatandaang nagbigay din ng lakas ng loob kay Zsa Zsa at pamilya Quizon ang mga panaalanging ibinigay ng mga Filipino noong maratay sa sakit si Dolphy at hanggang sa pumanaw ang aktor.

No comments:

Post a Comment