Wednesday, September 26, 2012

Aljur Abrenica digs deep into himself to portray someone with an identity crisis

Kita sa mukha ni Aljur Abrenica ang excitement hinggil sa balik-tambalan nila ni Kris Bernal sa Pinoy remake ng Korean romantic-comedy series na Coffee Prince.

Last Sunday, September 23, masiglang nagkuwento ang Kapuso young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagsisimula ng kanilang taping para rito.

Aniya, “Nakatatlong taping days na kami.

“Maraming nangyari… maraming mga balakid na nangyari.

“Pero so far, maganda yung naging takbo ng taping. Nagkita-kita na kaming mga nasa cast.

“And hanggang ngayon, kinakapa pa rin namin yung mga characters namin.

"Masaya naman sa set. Pero may nangyari kasi na si Kris, biglang naospital. Sumakit yung tiyan sa kalagitnaan ng tapings.

“Pero so far, okey naman yung health niya.”

Ano ang naging dahilan ng pagkaka-ospital ni Kris? May nakain ba nakasama sa tiyan nito?

“Well, hindi ko alam exactly kung ano yung nangyari talaga, pero nag-alala kami lahat.

“Kasi nasa gitna kami ng taping, tapos dinala siya sa ospital. E, paalis ako kaya hindi ko siya nasamahan.

“Pero sa ngayon, okey na siya. Okey na okey siya.

“Kinahapunan ng araw din na ‘yon, nakabalik na siya sa set, tapos nakapag-taping na ulit siya.”



CHARACTER RESEARCH. Si Kris, bukod sa kinabisa nang husto nito ang sarili sa pagsasalita at pagkikilos-lalake, balitang nag-aral din itong magmaneho ng tricycle.

Ito’y bilang preparasyon sa role ng young actress bilang si Andie, na nagpanggap na lalaki matanggap lang na magtrabaho sa coffee shop na pag-aari ng character na ginagampanan ni Aljur bilang si Arthur.

Si Aljur din daw ay may paghahanda ring ginagawa para sa kanyang role. Partikular na ang character research na kailangan daw niyang gawin.

Saad ng Kapuso hunk, “Meron lang akong kakausapin tungkol do’n.

“Dahil kung tutuusin po, ito ang pinakamahirap na role na tinanggap ko sa GMA.

“Kasi may part dito na kukuwestyunin ko ang pagkalalaki ko. Kasi ang buong akala ko kasi, nagkakagusto ako sa isang lalaki.

“So, parang pakiramdam ko ay may identity crisis ako dahil do’n.

“E, hindi ko naman naranasan yung ganun. So question sa akin ‘yon.

“Kaya maghahanap ako ng taong nakaranas nun.”



PEG FOR KRIS’S CHARACTER. Si Aljur daw ang sinasabing peg ni Kris sa pagpapakalalaki ng character nito. Si Aljur din daw ang tumutulong na mapulido ang kilos-lalaki ni Kris.

Sabi ng young actor, “Well, kayang-kaya naman talaga ni Kris. Meron siyang sarili niyang style.

“Pero ako, nandiyan ako lagi para sa kanya.

“Kapag napupuna ko na medyo feminine yung kilos o upo niya, tinuturuan ko siya na, ‘Ganito dapat.’

“Magaling si Kris. Magaling.

“Pati yung pananalita niya… actually, unti-unti niyang nakukuha yung character.”

Convincing ba talaga na lalaki si Kris sa pagganap nito bilang si Andie?

“Yeah!” sabay ngiti ni Aljur.

“Ako, personally, kapag nakakasama ko siya, napapaniwala ako na lalaki siya.”

Gamay na rin ba niya ang kanyang character?

   

Sabi ni Aljur, “Konti pa lang.

“Siguro sa ngayon, oo. Medyo gamay ko na.

“Pero yung mga darating pang mga eksena kasi, iyon po ang gusto kong kapain, e. Iyon ang gusto ko pang ma-absorb.

“Yung part na parang feeling ko may identity crisis ako. Na tinatanong mo ang sarili mo kung bakit nagkakagusto ka sa lalaki.

“Ang hirap nun!” bulalas ni Aljur.

“Wala pa naman ako natatanong tungkol do’n. Pero may gusto akong tanungin na isang tao na hindi naman exactly masasabi na nakaranas ng identity crisis, pero alam ko na siya ang makakatulong sa akin.”



PRESSURE. Sa October 1 na ang airing ng Coffee Prince sa GMA-7.

May pressure ba dahil yung orihinal na Korean version nito ay sobrang sikat na sikat, pinag-usapan, at pumatok nang husto sa Korea at sa iba pang bansa, kabilang na ang Pilipinas?

“Oo!” natawang pag-amin ni Aljur.

“Lalo na nung napanood ko na nang buo yung series.

“Kasi nung time na ‘yon, busy kami, e. Pero may ibinigay sa amin na CD para mapanood namin.

“Sobrang pressure kasi ang ganda ng story. Ang galing ng cast at ng director… lahat. Ang ganda ng pagkakagawa.

“Napi-pressure lang kami kasi... sana kung hindi man namin mahigitan, sana matapatan namin.

“Sana matapatan namin,” asam pa ni Aljur.

No comments:

Post a Comment