Monday, September 24, 2012

Bea Alonzo on possible box-office queen and best actress awards For The Mistress


Masayang humarap si Bea Alonzo sa live interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, September 23.

Ito ay kaugnay ng malaking tagumpay sa takilya ng pelikula ni Bea, kasama si John Lloyd Cruz, ang The Mistress.

Kababalik lang din ni Bea mula sa France kung saan nagkaroon ng special screening doon ang pelikula nila ni John Lloyd.

Kinamusta ni Toni kay Bea kung ano ang naging pagtanggap ng ating mga kababayan sa France sa kanilang pelikula

“Masaya, masaya ako. Hindi ko… I’m sure, palagi ninyong naririnig ‘to—hindi ninyo ine-expect.

“Pero sa totoo lang, hindi talaga namin ine-expect ni Lloydie. Very adult, e.

“Akala namin siguro kikita, pero hindi ganyan kalaki. Although proud kami.”

Dugtong ni Bea, “Kung nandoon ka noong premiere night, hindi mo alam kung ano ang reaksiyon nila—tahimik lang sila.

“Hindi sila yung regular na premiere night na, 'Waaah!'

"Parang kami, ‘Anong nangyari? Nagustuhan ba nila? Parang hindi.’”

Pareho raw silang masaya ni John Lloyd sa naging resulta ng pelikula nila. Paano sila nag-celebrate?

Saad ni Bea, “Hinihintay pa namin si Inang [Direk Olivia Lamasan] at si Tita Malou [Santos] kasi kasalukuyan silang nasa L.A. [Los Angeles].”

TEN YEARS. Sampung taon na ang loveteam nina Bea at John Lloyd. Ano ang pakiramdam ng aktres sa mainit pa ring pagtanggap sa kanila ng publiko?

“We feel so blessed and loved by everybody, lalo na yung mga sumuporta sa akin from day one.

"Para bang nandiyan pa rin sila, hindi nag-e-expire yung suporta nila, yung pagmamahal nila.

"At parang nakakatuwa yung mga Filipino, talagang may hunger na rin sila sa mas matatapang na pelikula."

Ayon kay Toni, ang paborito niyang pelikula nina Bea at John Lloyd ay ang One More Chance [2007].

Sabi naman ni Bea, “Ang dami ngang nagku-compare, pero hindi talaga puwedeng i-compare kasi, unang-una, mas bata pa kami ni John Lloyd.

“Siguro, yun lang ang hinihinging experience—emotion. Ngayon, talagang masasabi ko na napaka-mature nito.”

BOX-OFFICE. Dahil sa tagumpay ng The Mistress sa takilya, malaki raw ang posibilidad na si Bea ang tanghaling Box-Office Queen at si John Lloyd naman ang Box-Office King next year.

Bukod dito, malakas din daw ang laban ni Bea sa best-actress race sa susunod na taon dahil sa ipinakita niyang husay sa pelikula.

Ine-expect na ba niya iyon?

“Wini-wish ko, pero hindi ako nag-e-expect,” nakangiting sabi ni Bea.

"Ang sarap na makakuha ka ng box-office at best actress awards. Pero mahirap umasa.

"Baka mamaya, expect ka nang expect, pero hindi naman pala ikaw.

“Pero siyempre, sobrang saya siguro at makukumpleto ang kaligayahan ko kung makakatanggap ako ng ganoong award.

“Nasa tenth anniversary pa ng loveteam, milestone sa amin ‘to."



WITH SIMILARITY. Pagkatapos ng The Mistress ay mapapanood uli ang tambalang Bea-John Lloyd sa teleseryeng A Beautiful Affair. Para bang The Mistress ito?

“You can say that,” sagot ni Bea.

“Pero yung The Mistress kasi is just one story. Pero yung A Beautiful Affair, another one. Another story.

"Ibang-iba siya—ibang-iba ang character, ibang-iba ang sitwasyon.

“Pero siguro, mahihilera mo siya sa infidelity. Pero, ibang-iba ang story niya... it’s another different story.”



FRIENDLY TALKS. Kinuha rin ni Toni ang reaksiyon ni Bea tungkol sa sitwasyon ng mga kaibigan na parang naiipit siya.

Best friend ni Bea si Shaina Magdayao, ang ex-boyfriend ni John Lloyd. Nali-link ngayon ang aktor kay Angelica Panganiban.

Napag-uusapan ba nila ni John Lloyd ang tungkol dito?

“Napag-uusapan… hindi mo naman puwedeng iwasan yun.

"Pero kung ano yung sa kanila... sa kanila, e.

“I mean, I talk to Shaina about it. Kung ano ang sinasabi niya sa akin, hindi ko naman sinasabi kay Lloydie.

“Si Lloydie rin naman, we talk about it—sometimes. Pero, hindi ko rin naman ipinaparating kay Shaina.

“Kumbaga, pareho ko silang nirerespeto as individuals, as my friends. So, hindi ako puwedeng pumagitna doon.

“Girl, ang saya-saya ng buhay ko ngayon, di ba? Baka mamaya, ano ang masabi ko rito.”

MESSAGE TO JOHN LLOYD. Ano ang mensahe niya para kay John Lloyd?

“Ay, sobrang pasasalamat ko sa kanya!

"Things could have been different. Kung hindi niya tinanggap ‘to, di ba? Kung sino ang gaganap?“Sobrang pasasalamat ko na tinanggap niya ‘to. Naging pasensiyoso na naman siya sa akin bilang katrabaho niya.

“Mahirap kasi yung character kaya paulit-ulit din naming ginagawa.

“Kaya maraming-maraming salamat. Nakatiis ka rin ng sampung taon sa akin.”

No comments:

Post a Comment