Sunday, September 23, 2012

Charice Pempengco manager questions Pinoys who rave about Jessica Sanchez

Pinag-uusapan ngayon sa social networking sites, partikular na sa Twitter, ang naging pahayag ng bagong manager ni Charice na si Courtney Blooding tungkol sa Filipino-Mexican American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Noong Miyerkules, Setyembre 19, nag-post si Blooding ng mga mensaheng ito sa kanyang personal Twitter account:

"why do the Philippines claim Jessica Sanchez? Jessica was born an raised in the US. I don't THINK she speaks tagalog.

"which, to me, makes her true American. How many people in the US come from mixed cultural backgrounds? We r a melting pot.

"AND I just read that this concert is her first ever trip to the Philippines....

"isn't a Filipino passport kind of a big indication of citizenship and a lack of one a big indication of no citizenship?"

Isang mainit na paksa para sa talakayan ang mga inihayag ni Blooding.

Subalit bago pa man siya makakuha ng iba't ibang sagot mula sa kanyang followers, pati na sa iba pang Twitter users, agad na niyang ipinaliwanag ang kanyang mga naunang posts.

Aniya, "If only the people of the Philippines would stop looking elsewhere and focus on local things, maybe they could see the value of many of of the great people and resources there. Many great things and people there. It's just a group mentality that it's not good enough

"It's kind of a turn off to a foreigner such as myself cuz it can come across as ungrateful for the talent and resources god gave."



DIFFERENT OPINIONS. Kaugnay nito, hati ang opinyon ng mga Internet users.

May ilang nagsasabi na walang mali sa pagke-claim ng mga Pinoy kay Jessica, may ilan namang pumapanig sa sinabi ni Blooding.

Bukod dito, ang mga pahayag ni Blooding ay naging dahilan din para magkaroon ng pagkukumpara sa pagitan nina Charice at Jessica.

Hindi naman ito ininda ng manager ni Charice.

Saad ni Blooding, "there is room for everyone an people will love or hate no matter what. But I just think it's kind of wrong to say Jessica is part of Filipino pride when she is American before anything else.

"And the more I think about it, I start to get insulted on many levels.

"Ph can't claim something that is made in USA. And they only wanted to claim Charice after people in the USA put value in her.

"It's wrong for both singers

"sorry, I'm just feeling a bit indignant about the situation..."



NO PROBLEM BETWEEN CHARICE AND JESSICA.  Bagamat may kanya-kanyang mga tagahanga, wala namang problema sa pagitan nina Charice at Jessica.

Matatandaan na sa isang panayam noong kay Charice ay todo-suporta siya kay Jessica noong lumalaban pa ang huli sa American Idol.

Samantala, nang makapanayam naman noon si Jessica ng ABS-CBN News, sinabi ni Jessica na gusto niya ang local singer na si Sarah Geronimo at international singing sensation na si Charice.

No comments:

Post a Comment