Friday, September 21, 2012

Chef Boy Logro declines offers to run for public office

Maituturing na pinakasikat na chef sa telebisyon ngayon si Chef Boy Logro, na host ng GMA-7 morning cooking show na Kusina Master.

Dahil dito, aminado si Chef Boy na marami ang humihikayat sa kanya na pasukin ang pulitika.

Aniya, “Marami po, even sa Davao.

"Pero sabi ko, ‘Mahirap po yun. Leave it to the experts.’

“Kung ang expertise mo ay maging politician, knowledgeable ka of being a politician, you have to do that.

“Pero kung sinasabi mo na ito ang natapos mo, nagkaroon ka ng konting pera, sumikat ka, pinasok mo ‘yan… parang nagbigti ka ng sarili mo.

        

“Kasi, hindi mo alam ang ginagawa mo, hindi mo maha-handle nang mabuti ‘yan hangga’t mapariwara ka.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chef Boy sa taping ng Kusina Master sa Studio 6 ng GMA-7 kahapon, September 20.



CHARITY WORK. Hindi ba siya makukumbinsi talaga na pasukin ang pulitika?

“Ay, hindi po, ang gagawin ko na lang, kung politics ang pag-uusapan is to help people. Iyon naman yun.”

On his own, marami na rin daw natutulungansni Chef Boy sa Compostela Valley sa Davao.

Kuwento ni Chef Boy, “Sa Davao po, sa aking bahay, sa farm ko, meron po akong cooperative.

“I gave two million [pesos] na hindi ko po sinisingil. Parang puhunan doon.

"Kasi, ten percent lang [tubo]. I built a church… Catholic church.

“Not only sa akin, kasi lahat ng tao, very religious doon.

“Ang bumibili po doon, mahihirap lang. May ten years na po yun.

"So, ten percent lang ang aking tubo.

"Yung tubo rin naman, sa kanila na rin.

"Ibig sabihin, hindi ko hinihingi kung ano ang inilagay ko doon, sa kanila na yun.

“Pero yung simbahan, ginagawa pa.

"Siyempre, mahirap lang naman po kami. Pero konkreto yung church.

“May ten years na rin po ang simbahan. Pero kapag natapos po ‘yan, napakagandang simbahan.”



SCHOLARSHIPS AND TRAININGS. Sa Cavite naman ay mayroon siyang culinary school na parang foundation na rin daw niya.

“May scholars po ako. Kapag walang pera, every six months… diploma.

“Meron akong apat na scholar. Yung mahihirap na, ‘O, sige, tagalinis ka.’

“After ng klase natin, sila yung tagalinis. Bago magsimula ang klase, linis ng CR [comfort room].

“Yung mga ginamit ng estudyante, linisin ninyo, proper place.

"And then, afterwards, on-the-job training sila automatically sa Manila Pavilion.

“After two months and a half, balik sila sa akin, sa restaurant naman for experience.

“So, after almost one-year experience, sa Amerika naman, then sa luxury ship.

"Maraming graduate sa akin na marunong na kaya pinag-aagawan.”

COMING HOME. Kahit busy na sa iba’t ibang schedules, buwan-buwan ay umuuwi pa rin daw si Chef Boy sa Davao.

“Eroplano lang, two to three days, kasama ang wife ko.

"So, we spent like twenty thousand. But you have to do that. Money is nothing.

“At saka, kapag gumastos ka ng ganoon para sa simbahan, lalo kang daragdagan.

“Parang talbos ng kamote. Habang tinatanggalan mo, dumarami.

"Ganoon na lang ang buhay, hindi mo panghihinayangan.

"Ipon ka nang ipon, wala rin naman. Hindi naman dadalhin sa langit—kung sa langit mapunta.”



EXTENDED SHOW. Ang cooking show niya na Kusina Master, na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes ng umaga, na dapat ay isang season lang ay nakaka-walong buwan na.

“Sino ba naman si Chef Boy para sumikat? E, sabi nila, sikat daw.

“Hindi ba naman sa panaginip lang nangyayari ang isang bagay na ganoon at hindi ko rin alam na magiging ganito rin?

“Pero mabait ang Panginoon na mabibigyan ka ng ganoon.

“Parang hindi totoo, di ba? Elementary graduate, paano ka mag-explain, paano ka mag-perform?

“At least, may workshop ka or skilled ka na marunong ka talaga sa ganitong anggulo.”

Sa October naman, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang magkakaroon ng sariling cooking show bago ang Eat Bulaga! tuwing Sabado.

Ayon kay Chef Boy, “Guest din ako sa kanya paminsan-minsan to support naman. Kasi hindi naman dapat araw-araw.

“Kasi nga, meron po akong school kaya hindi po ako puwede ng Sabado.

“Friday and Saturday, hindi ako pupuwede kaya hindi puwedeng pagsamahin lahat.

“Sa eskuwelahan ko, mas malaki naman po ang kinikita ko kesa rito,” pag-amin niya.



MORE SHOWS. Nakapag-sitcom na rin si Chef Boy, ang Tweets for My Sweet nila ni Marian Rivera noon.

Nami-miss din daw ni Chef Boy ang ginawang sitcom. Si Marian, nami-miss din ba niya?

“Oo naman! Tinatawagan ako, tinatawagan ko rin siya: ‘Chef Boy, Lolo, kamusta ka na?’ ‘Mabuti naman.’ ‘O, kumusta ka rin?’ ‘Eto, busy.’

“Parang ganoon na lang. Parang anak ko na rin si Marian, parang anak ko.”

Gusto ba niyang makagawa muli sila ng project ni Marian?

“Oo naman,” tugon niya.

Paano kung teleserye naman?

“Why not? Kung kaya ng time ko.”

May pelikula na rin si Chef Boy, ang The Fighting Chef, kunsaan kasama niya si Ronnie Ricketts under Viva Films.

“Yung movie, another experience. Parang, ‘Ano ba ‘tong nangyayari sa buhay ko?’

“Yung mga dati mong nakikita sa TV—sina Roi Vinzon, Jeffrey Santos na mga ganoon, lagi mong napapanood, kasama mo na.

“Tapos ako ang bida. Wow, parang panaginip!” natatawang sabi niya.

Hanggang ngayon naa-“amaze” pa rin daw siya sa mga nangyayari sa buhay niya.

“Sabi ko nga, kapag nagbibigay ako ng inspirational talks, sinasabi ko nga na my life is a full of mystery.

“Puro misteryo ang nangyayari sa buhay ko. Bigla na lang, boom!, ano ba yun? “Magugulat ka.

"Yun pala, magandang project, malaki pala. Bakit ganoon kalaki ang kinita ko?

“Pero para sa akin, malaki o maliit na kinikita, pareho rin. At saka, ini-invest ko rin.”



NEW LIFESTYLE. Kabibili lang ng bagong bahay ni Chef Boy na nagkakahalaga ng 6.5 million pesos sa Woodland, Carmona.

Kuwento pa niya, “Napakagandang bahay… may swimming pool.

“Ang feeling ko noon, parang nananaginip na, ‘Wow, ang ganda sigurong tumira sa mga ganyan!’

“Tapos, dream come true…  Maliligo sa swimming pool, parang ang sarap… exclusive. May club house.

"Magdya-jogging ka sa umaga, may peace of mind ka dahil walang tao masyado… kayo lang.

"Tapos yung katabi namin, mayayaman.”

Sabi namin, mayaman din naman siya.

“Hindi ko pa feel,” nakangiti niyang sabi.



MORE BLESSINGS. Ang mga anak ni Chef Boy ay sa kanya rin nagtatrabaho.

Kuwento rin niya, nang kumita raw siya, lahat din ng anak niya ay binilhan niya ng sasakyan.

“Lahat sila binilhan ko ng kotse, binilhan ko ng bahay.

"May suweldo sila buwan-buwan. May SSS, may Phil Health.

“Sabi ko naman, they follow naman my footstep as a chef. Lahat sila, chef din.

“So, sabi ko, ‘Kung ano ang nasimulan ko, ito yun. So, ituloy ninyo na lang. Use my name, Chef Boy Logro, Logro ka rin.

"'Ano ang mawawala? Nandiyan ang gamit, nandiyan ang libro, nandiyan ang sinimulan ko.’

‘So, continuity natin. Parang Henry Sy ‘yan.’ Tumanda si Henry Sy, mga anak ang nagpapatakbo, di ba?”

Mas dumami ba ang mga kaibigan niya ngayong sikat na siya?

Natatawang kuwento niya, “Mas lalong dumami ang mga kamag-anak ko! May tumatawag, nagpapakilala.

“Yung mga kaibigan ko naman dati na kumukutya sa akin, sinasabi na, ‘Bumibilib na ako sa ‘yo, taas-kamay na ‘ko. Iba na ang level mo ngayon.’

“E, ako naman, hindi ko naman ipinagmamalaki yun.

“Sabi ko nga, ‘Alam mo, Pare, kasama ka talaga sa aking tagumpay. Kung hindi mo ako ginaganoon, hindi ko rin ito mararating.'”

Kuwento pa niya, “E, di ba, na-promote akong executive chef sa Diamond Hotel?

“Sinasabi sa management ng taong yun, ‘Hey, why do you promote this guy? He’s not even high school graduate. How can he preside the meeting?’

“Minamaliit ako, below-the-belt naman yun.

"Pero sabi ko sa owner, ‘I’m not hungry for this kind of position. If it’s what God has given to me, it’s my luck. It’s not in my dream to be executive chef, that’s a tough job,’ sabi kong ganoon.

“Kaso, gusto ako ng owner na maging executive chef, so naganap ang naganap.”

Paano na nga ba ang buhay niya ngayon?

“Very difficult. Kasi, it’s not normal na. Kapag pumunta ka sa mall… ayun, dudumugin ka.

“May yayakap, may hahalik, may magpapa-autograph. May magpapa-picture.

“At hindi lang konti kung hindi lahat halos—from two years old hanggang sa lolo, lola.

“Nagpapasalamat naman po ako na ganoon ang pagtanggap.”    

No comments:

Post a Comment