Friday, September 14, 2012

Gerald Anderson nakapag Move on na nga ba

MOVING ON. Bagamat hindi nagbunga nang maganda ang panliligaw niya, sinabi naman ni Gerald, “Basta masaya po ako sa nangyari sa amin. Mayroon po kaming moments na para sa amin lang."

Pero sa kabila ng pag-amin niyang huminto na siya sa panliligaw, may ilan pa ring nang-iintriga at sinasabing hindi naman totoong naghiwalay na sila ni Sarah.

Nagtatakang sambit ni Gerald, “Mahirap naman ding maghiwalay nang hindi naging kayo.

“Kumbaga, like I said, I’m very blessed to have an opportunity to share beautiful moments na kasama ko siya.”

May komunikasyon pa rin ba sila ngayon ni Sarah?

Sagot ni Gerald, “Wala na ho. Wala na ho talaga.

"Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on.

“Basta moving on na po ako.”

Kung sakali, magkakaroon kaya ng pagkakataong matuloy pa rin ang naumpisahan na niyang panliligaw sa singer-actress?

“Hindi ko ho kayang basahin ang future. Basta, sabay-sabay ho nating malalaman ‘yan,” sagot ni Gerald.



“GIVE HER FAMILY A PRIVACY.” Dahil sa pag-amin ni Gerald na huminto na siya ng panliligaw kay Sarah, marami na naman ang nagpahayag na kani-kanilang opinyon tungkol sa ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

May ilan kasi na pinupuna ang pagiging mahigpit kay Sarah ng kanyang ina.

Nang sabihin ng media kay Gerald ang tungkol dito, nakiusap siya na itigil na ng publiko ito.

Katuwiran niya, “Bigyan naman po natin ng respeto at privacy ang pamilya ni Sarah, ang mommy niya, kasi no one deserves that.

“Kumbaga, wala ho tayong karapatan para mag-comment o magbigay ng ating pananaw lalo na kung masama.

“Sabay-sabay na lang tayong mag-move on and just give everybody some privacy.”

Sa isang bahagi ng panayam ng ito, kinuha na rin ni Gerald ang pagkakataong pasalamatan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila ni Sarah sa kabila ng mga naging pag-amin niya.

Sabi ni Gerald, “Ang gusto ko lang hong sabihin ay sobrang thank you.

"Thank you for all the support, hanggang ngayon, sumusuporta pa rin.”

No comments:

Post a Comment