Masaya si Gerald Anderson sa estado ng samahan nila ni Sarah Geronimo ngayon.
Hindi nagdamot si Gerald na sagutin ang pangungumusta namin sa kanilang dalawa ni Sarah nang ma-corner namin siya pagkatapos ng presscon ng FHM September issue para sa kanila ni Melissa Ricks.
Hindi nagdetalye si Gerald sa kung paano sila nagkaayos ulit ni Sarah, pero ayon sa kanya ay maganda na raw ngayon ang samahan nila.
“I’m just happy. ‘Yun ang maganda at okey na, at kumbaga kung may nangyari…nangyari for a reason. So, sana tanggapin na natin ‘yun,” sabi ni Gerald.
Ayon pa kay Gerald ay marami raw silang natutunan ni Sarah.
“Ang dami talaga naming natutunan for sure.”
Ano ‘yung natutunan mo?
“Kung ano ‘yung priorities namin at kung ano ‘yung.. Siguro kung ano ang pinakaimportante sa amin ngayon,” sagot ni Gerald.
Ayaw na ring maglinaw pa ni Gerald sa kung ano ang meron sila ni Sarah sa kasalukuyan.
Ang mahalaga raw ay maayos na ang kanilang samahan ngayon.
‘Yun nga lang, sinasabi na ni Gerald na magiging madamot na siya sa pagsi-share ng mga details sa kung anuman ang mga kaganapan sa susunod niyang relasyon.
Hindi niya tinukoy kung ang sinasabi niyang susunod na relasyon ay kay Sarah, pero esplika niya, sa anim na taon na rin niya sa showbiz at 22 years old na siya, gusto na rin niyang maging private ang kanyang susunod na lovelife.
Nais daw ni Gerald na pag-ingatan at protektahan nang husto ang next relationship niya bilang respeto, hindi lang sa magiging girlfriend kundi sa kanilang privacy.
Nangako naman si Gerald na hindi siya magdadamot na magsalita tungkol sa kanyang relasyon, pero unawain na lang daw siya ng press kung hindi siya magdidetalye tungkol doon.
Itinanggi ni Gerald na nagtampo siya sa press sa panghihimasok sa kanyang personal life.
Naniniwala raw kasi siyang hindi maitatago ang mga sikreto sa media. Wala naman daw siyang pinagsisihan sa pagiging bukas sa personal life niya dahil marami rin siyang natutunan sa mga naging karanasan niya.
Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Gerald na kahilera na niya ang mga malalaking aktor bilang cover model ng FHM collection na sina Cesar Montano, Derek Ramsay at Robin Padilla.
Hindi itinanggi ni Gerald na na-pressure siya matapos niyang tanggapin ang offer na mag-pose sa male supplement ng FHM.
Feeling daw kasi niya ay malaki ang expectations sa kanya ng mga fans ng magazine.
Kakaibang side naman daw ni Gerald Anderson ang gustong ipalabas sa FHM collection kaya naka-formal attire ang actor sa inside pages ng magazine.
***
Hindi lang ang success ng kanilang show sa Hong Kong ang natikman ng mga scholars sa Artista Academy, kundi ang generosity ng President ng TV5 na si Manny V. Pangilinan.
Natuwa si MVP sa natunghayang success ng AA scholars sa show na ginawa ng grupo sa HK.
Libu-libong Pinoy ang sumaksi sa show ng scholars at bumilib naman ang mga OFW sa husay ng mga ito sa pagkanta at pagsayaw.
Hindi nga makapaniwala ang mga OFW na baguhan pa lang ang mga ito sa showbiz at ang nasabing show ang una nilang performance sa harap ng maraming manonood. Maging si MVP ay pumalakpak sa husay ng mga scholars sa ipinakita nilang talent.
Halos maiyak sa tuwa ang mga scholars sa ibinigay nilang effort at nakita nilang sumaya naman ang mga kababayan nilang mga OFW.
Panay ang congratulations ni MVP sa mga scholars at sa katuwaan nito, dalawang beses niyang inimbitahan sa dinner ang mga ito.
Bilang reward ni MVP sa husay ng mga bagets, binigyan ng tour sa Disneyland ang mga ito.
Wala sa itinerary ng AA ang Disneyland pero dahil nga napabilib si MVP ng mga scholars, ito na mismo ang nagsabing pumunta sila roon.

No comments:
Post a Comment