Monday, September 3, 2012

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla nireveal ang regalo nila sa isat isa

Sa ikatlong episode ng PEP Talk, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isa sa hottest loveteams sa showbiz ngayon, ang sumalang sa tanungan, kulitan, at seryosong usapan.

Mahigit isang buwan ding nag-antay ang PEP.ph (Phillipine Entertainment Portal) na maayos ng Star Magic ang iskedyul nina KathNiel, na siyang bansag ng fans sa dalawa.

At noong August 17, malapit na sa 9 n.g., natuloy din ang interbyu na isinagawa ng mga hosts na sina Rommel Llanes, isa sa associate editors ng PEP, at Demai Sunio-Granali, senior staffwriter ng PEP,  kasama ang special guest co-host na si Anna Pingol, managing editor ng YES! magazine.

Naging magiliw ang pagbati ni Daniel sa mga fans kahit na hinarap nito ang camera nang hindi pa naghahapunan.

Simula ng binata, “Hello po sa inyong lahat!"

Isang sweet greeting naman ang nagmula kay Kathryn, “Hello and good evening. And hello, PEPsters! And thank you sa mga nag-request sa ‘min."


SHOWBIZ ENTRY. Unang nagtanong si Anna: “Curious lang ako kung kailan niyo naramdaman na gusto niyo palang maging artista? Like yung sa case mo kasi, artista yung mga kamag-anak mo,” ang pagtukoy niya kay Daniel.

Si Daniel ay anak ni Rommel Padilla at Karla Estrada, na parehong artista; pamangkin ni Robin Padilla; pinsan nina Kylie, Queenie, Bela...

“Pero sa case mo naman, hindi, e,” baling naman ni Anna kay Kathryn. “So pa’no niyo naramdaman yun? Mga ilang taon kayo no’n?”


Kathryn: “Siguro po, uhm, no’ng mga seven ako. Matagal... kasi gusto ko naman talagang gustong mag-artista.

"Tapos parang after ko gawin yung… ano ba to... It Might Be You, siguro, do’n ko na-ano na gusto ko ituloy.

"Since sinuportahan naman ako ng family ko, so tinuluy-tuloy ko na po.”


Daniel:  “Ako naman, ano po, talagang no’ng una ayaw ko pong mag-artista, e.”


Anna: Pinilit ka lang ni Karla Ford?

Ang natatawang tinutukoy ni Anna ay ang ina ni Daniel, si Karla Estrada na Karla Ford ang pangalan sa totoong buhay.


Daniel: “Hindi naman. Parang wala naman po talaga sa plano ko’ng mag-artista. Tapos mukhang, e, hindi naman po ako magaling sa eskuwelahan.

“Tapos pinapasok na po ko ni Mama sa showbiz, na pinapa-try niya po sa kin. Ayun na po.

“No’ng una medyo ayaw ko pa, e. Pagkadating ko pa lang ng set gusto ko nang umuwi, e.

“Gano’n yung feeling ko palagi dati. Pero no’ng ngayon po… no’ng nagiging matured na po, yun na po, parang okay naman pala’ng mag-artsita.”


Anna: Sa tingin ko lang, ha, parang ang bilis niyong sumikat na dalawa. Parang ang babata niyo pa, tapos ang sikat niyo na. Pa'no niyo hina-handle yun? At such a young age, tapos mero’n kayong ganyan ka-successful na career?

Kathryn: “Of course kami, very blessed. Kasi bihira lang yung ka-age naming mabigyan agad ng break.

“Tapos makikita mo, nagiging inspirasyon kami sa mga bata. Yung mga batang fans namin. Kaya nakakatuwa.

“Pero of course, kailangang maganda yung image mo. Kailangan i-maintain mo yung image mo para i-idolize ka ng mga bata,” ang medyo seryosong saad niya.


Daniel: “Ayun.  Opo, siyempre ngayon po kasi yung image ko, medyo 'bad boy'.

“Hindi naman po ako 'bad boy'. Talagang character ko lang po yun na nagagampanan ko po. Tsaka mahilig lang po 'ko sa itim na damit,” ang natatawa namang sagot ni Daniel, na nagpapungay pa ng mata habang nakatingin sa kapareha.


Kathryn: ” Hmmhmm,” medyo nangingiting tingin niya sa ka-loveteam.


Demai: (Susog kay Daniel.) Parang iba yung reaksiyon ni Kathryn sa sinagot mo?


Daniel: “Hindi,” maagap niyang sagot. “Mukha daw po akong bad boy, ganyan, e. Mahirap naman pong gayahin ng mga bata.

“Kasi minsan, hindi… palagi na yung mga character ko na medyo nang-aano sa mga… sa TV po, nang-aapi, ganyan.

“Baka gayahin nila, huwag naman po sana kasi character ko lang po yun,” halos napakamot-ulo niyang saad.

“Sa totoong buhay ay napakabait ko pong tao. At hindi po ako nang-aapi,” sabay tawanan ng lahat, lalo na si Kathryn.

Pagpapatuloy ni Daniel, “A, ngayon po hindi… a, yung pag-handle mo, relax lang dapat.

“At laging magpapasalamat sa mga nangyayari ngayon at huwag pong lalaki yung ulo, gano'n. At lagi pong makikinig sa mga magulang.”


Demai: So on your part ba may conscious effort sa ‘yo,  na off-cam, maganda yung image na nakikita sa 'yo ng mga tao?


Daniel: “Hindi naman po kailangang magpanggap na mabait na mabait ka. Siyempre kung ano ka po, ipakita niyo.

“Kung ‘di maganda, huwag ka nang mag-artista kasi walang idinudulot na mabuti,” sabay tawa nila ni Kathryn.



INVESTMENTS AND PRESENTS.


Demai: Kayo ba may na-invest na kayo sa sarili niyo? Kasi narinig namin before na bibili ka yata ng car, supposedy today mo siya makukuha?


Kathryn: “Nasa baba na siya,” ang pambubuking ng dalaga sa ka-loveteam sa bagong bili nitong  2C Grand Starex na itim. Nagpalakpakan ang lahat.


Daniel: “Iyan,” medyo nahihiya niyang pag-amin.


Demai: So ano’ng feeling na ngayon, nakapagpundar ka na ng sarili mong sasakyan?


Daniel: “Masaya po dahil 'pinagyabang ko siya kay Kathryn. Yun daw, o,” tawa niya.

“Hindi, masaya naman siyempre nakita mo yung trabaho… na pinagpapaguran mo.

“Nakikita mo gumagalaw pa,” tawa niya ulit, 'saka nagpatuloy. “Yun po. Mas lalo pang magiging, yung feeling mo, mas lalo mo pang gagalingan, gano’n.”


Anna: Yung first ever na binili niyo sa unang-unang suweldo niyo, natatandaan niyo ba yun?


Kathryn: “Ako, aso. Kasi akala ko naman kung gaano kalaki kinita ko no’ng sumuweldo ko no’n," hagikgik niya.

“Kasi siyempre bata pa ko tapos sabi ko kay Mommy, yung kinita ko, pambibili ko lang ng aso.

“E, siyempre akala ko naman no’ng bata ko… yun pala sobrang abono pala si Mama kasi ang liit-liit lang naman siyempre ng talent fee pag bata ka.

“So, ayun. Binili ko yung aso ko na yun. Tapos do’n nag-start lalong… ayun, puro Shih Tzu na yung binili ko.

"Tapos ayun, marami na 'kong aso,” muli niyang hagikgik.


Rommel: Ilan ang aso mo?


Kathryn: “Ngayon? Sa Cabanatuan madami, pero dito sa Manila…” naputol niyang sagot.


Anna: Bigyan mo si Daniel ng isa.


Daniel: “Marami na rin po akong aso. Okay na ako.”


Kathryn: “Oo dami rin siya, e.”


Rommel: Puro Shih Tzu?


Kathryn: “Hindi po. Mero’n na po 'ko ngayong dalawang Toy Poodle.”


Rommel: Yung nabanggit mo, may aso ka din. Ano yung aso mo?


Daniel: “Beagle po. Isang Shih Tzu, tsaka Toy Poodle din po.”

Rommel: May nabasa kaming parang tanong ng fan, e. Ano ba yung binili niyo para sa isa’t isa. Nabigay mo yata sa kanya [Kathryn] G-shock daw na relo?


Daniel: “Ano ba ‘tong mga balita, sa'n ba nanggaling 'tong mga to?” kunot noo niyang balik-tanong.


Rommel: Hindi, sa mga fans, e. Alam mo naman sa mga forums, e, talagang sinusundan kayo.


Daniel: “G-shock na relo? Ako nagbigay? Hindi po 'ko nagbigay dahil panlalaki po yun, hindi ko po naibigay,” nailing na nangingiti niyang eksplanasyon.


Demai: So ano nga 'niregalo mo kay Kathryn?


Rommel: Ano bang niregalo mo kay Kathryn? (Halos sabay na tanong nila.)


Daniel: “Kathryn? Yung aso po. Yung dalawang aso na Poodle po.”


Rommel: A, yung toy Poodle.


Daniel: “Opo.”


Anna: Ano'ng pangalan?


Kathryn: “Nacho at saka Cola... Color Nachos, e,” pagtukoy niya sa isa niyang aso na hawig ang kulay sa nachos. Tapos, pagkain...

“Tapos yung Cola, para siyang Coca-Cola. Sofdrink, kasi black siya.

“So yun po, naisip ko lang. Tapos super habang ano ‘yan...ilang days na nag-iisip ako kung ano’ng ipapangalan.”


Daniel: “Ang dami po, ang gulo ng mga araw na yun,” sa dami raw ng pinagpiliang pangalan.


Kathryn: “Sobra. Na-hassle na 'ko, tapos yun na po yung final nilang naging pangalan."


Rommel: E, ikaw Kath, may binigay ka ba kay ano… kay DJ na ano? (Tanong niya gamit ang palayaw nina Kathryn at Daniel.)


Napaisip muna si Kathryn bago ito sumagot ng, “Prayers!”

Nagtawanan ang mga tao sa set.


Daniel: “Mukhang gumana naman sa ‘kin,” pagtukoy niya, na ang ibig sabihin ay bumabait siya dahil sa mga dasal para sa kanya ng ka-loveteam.



BACK TO SCHOOL.


Rommel: Sa kasikatan niyo ngayon, may panahon pa ba kayo para makaisip na mag-aral?


Daniel: “Si Kathryn po, nag-aaral po siya ngayon. Ako, hindi.”


Rommel: Pero, may balak ka ba?


Daniel: “Napansin niyo yun? 'Pag sinasabi kong ‘di ako nag-aaral, maraming tumatawa?”

“Hindi, ano lang po ngayon, kumbaga…” putol niyang sagot.


Rommel: Bakit nga kaya? Ba’t gano’n?


Daniel: "Nabanggit ko nga po kanina, hindi po ako magaling sa pag-aaral,” pabiro pero seryoso niyang sagot.

“Hindi. Mag-aaral na po ko ngayon,” bawi naman niya agad.


Rommel: Ano’ng kukunin mo?


Daniel: “Hindi, first year pa lang po ako,” na ang ibig sabihin niya ay sa high school.


Anna: Pero later, ano'ng iba mong pangarap? Bukod sa maging artista?


Daniel: “Magbanda po.”


Anna: Showbiz pa rin?


Daniel: “Banda, tsaka mag-ano po, maging businessman.”


Kathryn: “Wow!” sabay tawa na parang hindi naniniwala sa tinuran ni Daniel.


Daniel: “Hindi, joke lang, maging ano po, engineer.” (Sa ibang banda ng usap-usapan, naidetalye ni Daniel kay Rommel na gusto niya ng architectural engineering.)


Kathryn: “Ako, siguro yung kukunin kong course, Mass Com or more on Advertising siguro sa college. Pero, hindi pa. Wala pang final.”


Rommel: Sa tindi ng kasikatan ng loveteam niyo ngayon, ang tinatanong lagi ng mga fans, ano na ba’ng status talaga ng relationship niyo?


Daniel: “Hmm,” biting napaisip ang young actor.


Rommel:  Abangan niyo PEPsters yung magiging sagot ni Daniel sa pagbabalik ng PEP Talk!

No comments:

Post a Comment