Saturday, September 22, 2012

Kc Conception ni reveal niya na isang French ang kanyang manliligaw

Nagkaroon na rin ng mukha at pangalan ang sinasabing masugid na manliligaw ngayon ni KC Concepcion.

Ilang beses na kasi silang nakitang magkasama, tulad ng isang kuha nila sa Boracay.

Sa talent show naman na hinu-host ni KC sa ABS-CBN, ang X Factor Philippines, nakuhanan din ang misteryosong lalaki na nakaupo sa audience sa loob ng Pagcor sa may ParaƱaque City.

Sa The Buzz kahapon, September 9, hindi na nakatanggi si KC nang tanungin at usisain tungkol sa non-showbiz guy na ito.

Ang lalaking ito raw ang bagong nagpapasaya sa actress-TV host pagkatapos ng breakup nila ni Piolo Pascual last year.

Ang pangalan ng lalaki ay Pierre Emmanuel Plassart, isang 29-year-old French photographer at filmmaker.

Nanggaling daw si Pierre sa isang mabuting pamilya na may pag-aari dating isang supermarket empire.

Nakalibot na raw si Pierre sa iba’t ibang film international festivals abroad, at nagkakilala raw sila ni KC sa isang international event.

Ayon kay KC tungkol kay Pierre, “He’s a visitor from France and yun!”

Matatandaang tumira ng ilang taon si KC sa Paris, France, kunsaan siya nagtapos ng kolehiyo.



SPECIAL SOMEONE. Gaano ka-special si Pierre para kay KC?

“Espesyal talaga?” balik-tanong ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

“Espesyal naman at itinuturing niya akong special.

"Siyempre, I appreciate naman.

“Malaking bagay sa akin na nagpunta siya sa bansa natin para bisitahin ako... para puntahan ako kahit na ang layo-layo ng pinanggalingan niya.”



UNIQUE GIFT. Inamin din ni KC na may kakaibang regalo sa kanya si Pierre.

Hindi raw ito diyamante o anumang uri ng alahas, pero siguradong makinang itoIsang totoong star o bituin daw ang niregalo ni Pierre kay KC.

Pagkumpirma ng Kapamilya actress-TV host, “Oo nga, nagbigay siya ng star.

"E, nasa Boracay kami, we were looking at the star.

“Sabi niya, first time daw niyang makita ang star sa sky, dito sa beach, sa Philippines.

"Sabi niya, ‘One of those is yours.’

“Ako, ‘What?’ Hindi ko naintindihan... parang binili niya yung star for me.

“So, may isang star diyan na nakapangalan sa akin daw.

"Tapos, may certificate doon... constellation kunsaan yung star.

“First time… first time pa lang akong nabigyan ng star.”

Ang tinutukoy ni KC ay ang sorpresang pagbili raw ni Pierre ng star para sa kanya.

Ang pagbili ng star o pagpangalan dito ay puwedeng gawin sa pamamagitan ng International Astronomical Union.

Sa biniling star ni Pierre kay KC, ang nag-issue ng certificate ay ang Sydney Observatory.

Kadalasan ay nasa $200 pataas ang proseso ng pagbili at pagpapangalan ng isang star.

INSPIRATION. Pag-amin ni KC, mahirap daw na hindi magustuhan ang kanyang manliligaw.He’s very sweet. Totoong tao siya.

"Let’s see, let’s see na lang,” matamis na ngiti niya.

Dagdag ni KC,“Hindi naman ako nagmamadali.

"Ito ang time na gusto kong magpaka-busy sa work.

"Kasi, marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong i-achieve dito sa trabaho.”

Isa ba sa inspirasyon ni KC ngayon si Pierre?

“Oo, oo naman siyempre,” sagot niya.

Ibig bang sabihin ay buhay na buhay ang lovelife niya ngayon?

“Kumikinang-kinang!” ang natatawang sagot ni KC.

No comments:

Post a Comment