Walang pagsidlan ng saya si Xian Lim nang tanggapin niya ang gold record award noong Linggo sa ASAP para sa kanyang debut album. Lubos naman ang kanyang pasasalamat sa mga tagahanga na talaga namang sumuporta sa kanya.
Hindi nga raw siya makapaniwala na dati ay napapanood lang niya ang mga singers na binibigyan ng awards pero ngayon ay isa na rin siya sa mga ito. “Siyempre hoping ako na maging platinum pa siya,” pagiging positibo ni Xian. “To be awarded is good. Ibig sabihin na-aapreciate nila ‘yung ginawa ko.”
Samantala, malapit na ring ipalabas ang susunod na teleserye ni Xian na Ina, Kapatid, Anak at ka-love team niya uli rito si Kim Chiu. Masaya nga raw siya na halos araw-araw silang nagkikita ni Kim dahil sa taping ng kanilang teleserye. “Lagi ko namang pinapasalamatan si Kim at congratulations din kay Kim dahil sobrang galing niya dito sa Ina, Kapatid, Anak,” papuri ni Xian.
Pagkatapos ng teleseryeng My Binondo Girl marami ang nag-isip na titigil na ang ingay ng team-up ng Kim-Xian dahil nagduda ang iba na for promo lang ito ng kanilang show. Subalit pinatunayan nina Xian at Kim na higit pa sa promo ang kanilang magandang pagtitinginan.
Pero lately daw ay hindi na nakakalabas ng dalawa dahil pareho silang abala sa kanilang mga trabaho. “Ngayon wala kasing time,” sagot ni Xian. “Hindi nagtutugma ‘yung schedule pero if there is time pwede naman.”
Nang kinumusta siya sa panliligaw niya kay Kim, ang sagot ng binata, “Okay naman kami ni Kim. Basta pakiramdam ko kay Kim special siyang tao all the time.”
Noong nakaraang Star Magic Ball ay magkasabay na dumating ang dalawa at marami ang nakapansin sa kanilang sweetness. Kaya naman marami ang nag-iisip na baka nga may relasyon na ang dalawa. “Let people think what they want to think, ‘yun lang ‘yon,” paliwanag ni Xian. “Wag nila sanang pangunahan. Kung anong nakikita nila, sila na bahala [mag-isip ng kung anong gusto nilang isipin]. Everyone is entitled to his own opinion.” Dagdag niya, basta ang usapan nila ni Kim ay naroon sila para sa isa’t isa para magtulungan.
Hindi naman umano siya napi-pressure kung gusto ng mga tao sa paligid na magkatuluyan sila ni Kim. “Maybe ‘yung pressure ‘yung being different [‘yung role ko sa upcoming teleserye] from Andy Woo (in My Binondo Girl). Showing different from what I did before [pero] in private life, no pressure.”
Hindi rin daw nila itatago ni Kim kung sakaling sila na. “Wala naman kailangang isikreto. If there is something to say, aaminin naman. Wala namang sikreto, ‘di naman kailangang isikreto. Wala namang kailangang itago.”

No comments:
Post a Comment