Masuwerte si Xian Lim dahil sunud-sunod ang mga proyektong dumarating sa kanya ngayon. Kasama siya sa isa sa pinakamalaking teleserye ngayon ng ABS-CBN, ang Ina, Kapatid, Anak. Makikipagtagisan siya sa acting kina Maja Salvador, Enchong Dee at Kim Chiu.
Kumusta naman sila ni Kim Chiu?
“Siyempre mas okay. Kasi nu’ng My Binondo Girl, first time namin magsama sa isang soap. Sinasabi ko nga na nu’ng first few time na magka-eksena kami, nakakakaba, nakakanerbyos kasi siyempre parang ang hirap, kinabahan talaga ako at pinagpawisan du’n sa mga moments na nanliligaw ako on-screen.
Ngayon, mas komportable na kami at kumbaga mas nalalaro na namin ‘yung eksena,” sey ni Xian.
Meron na ba silang aaminin tungkol sa kanilang relasyon?
“Wala naman. We’re friends and we enjoy each other’s company. Mas marami na kaming alam nga- yon sa isa’t isa.”
Pinaghihintay ka pa rin ba niya? O naghihintay ka? Ano nga bang status nila?
“Basta we’re enjoying every moment we share. Enjoying our work together.”
So are you saying that you and Kim are more than friends, pero walang commitment?
“I cannot comment on that. Basta naging mas malalim ang friendship namin ni Kim ngayon habang tumatagal. As well as with my friendship with Enchong and Maja kasi mas nakikilala na namin ngayon ang isa’t isa.”
So ‘yung sa inyo ni Kim, hindi lang friendship ‘yun?
“I admire Kim. Kasi siyempre Kim is special, so to make her feel special, I give her flowers. For me ganu’n. I’m that type of guy.”
Ano naman ang sabi ng mother mo about Kim?
“Nababaitan siya kay Kim.”
Gusto niya ba kayo to end up together?
“Para kay Mom, whatever makes me happy, makes her happy na rin.”
Eh ano pa bang hinihintay mo? Everyone on Kim’s side likes you. So ano pang hinihintay mo? Or may usapan na ba kayo ni Kim?
“Hindi pa kasi namin masyado napapag-usapan ‘yung about d’yan eh. Mas maganda ‘yung focus muna kami sa trabaho namin.”
Ano’ng mga advice ang ibinibigay sa ‘yo ni Kim tungkol sa career?
“Binibigyan niya ako ng advice sa pag-arte, sa pagiging relaxed. May mga tendencies kasi ako na minsan kumukunot ‘yung noo ko kapag magkaeksena kami kaya binibigyan niya ako ng instructions.”
Nagbibigay din ba siya ng advice kay Kim?
“Oo, nagsasabi rin naman ako. Pero hindi naman ‘yung tipo ng tao na tuturuan ko siya kung paanong acting ba gagawin niya. At saka, magaling naman si Kim.”
Compared sa My Binondo Girl, mas matured ba ang love team nila ni Kim dito? Magkakaroon ba sila ng mga love scenes?
“So far sa mga love scenes and kissing scenes hindi ko pa siyempre alam dahil wala pa naman doon sa script. Pero for my character, siguro mas mature kasi mas maraming pinanggalingan si Liam, mas marami siyang tatahakin na trials sa buhay niya dito.”
Mas close na ba sila ni Kim ngayon?
“Oo naman, especially kapag lagi magkakasama ang dalawang tao, mas nagkakakilala kayo. Same rin with Enchong and Maja. Actually, doon sa The Reunion talaga kami naging close ni Enchong. Si Maja naman, nakasama ko na din sa My Cactus Heart. Habang tumatagal, mas nakikilala ko sila at lumalalim ‘yung friendship naming lahat.”

No comments:
Post a Comment