Tuesday, September 25, 2012

Kim Chiu Handa ng Magmahal Muli

Puwede na, kasi two years na rin naman,” sagot ni Kim bilang pagtukoy sa breakup nila noon ni Gerald Anderson.

Si Xian na ba ang lalaking susunod niyang mamahalin?

"Konting effort pa!” natatawang sagot ni Kim

Ano ba yung mga bagay na pinapakilig siya ni Xian?

"Siguro yung kapag nagbigay siya ng gift kahit wala namang okasyon.

“Gaya nung binigyan niya ako ng bag na pink na Prada. Sabi ko, 'Anong meron?’ 'Wala lang!"

May mga nagsasabi at nag-iisip na talagang may relasyon na sina Kim at Xian. Hindi lang daw sila basta magkaibigan.

Pero ayon kay Kim, "Oo nga, e, parang pinapangunahan kami ng ibang mga tao.

"Pero, siyempre, wala na rin kaming magagawa kung yun ang gusto nilang isipin.

"Pero wala, parang hayaan na lang natin.

"Basta sa aming dalawa, alam po namin kung ano po yung nangyayari at kung ano yung ginagawa namin.

"Masaya naman kami kung ano kami.

"And bahala na kung kelan maging kami o kung anuman. Tingnan na lang natin."

No comments:

Post a Comment