Mas ang pressure kay Kim Chiu sa bago niyang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak sa ABS-CBN. Opposite sa katauhan niya sa tunay na buhay ang gagampanan niya na mahirap, palengkera, at walang modo. Talagang masusukat ang kanyang kagalingan bilang artista. Parang mas mahihirapan pa nga siya na magpamalas ng ganitong ugali kesa sa kung magkakaroon sila ng mga love scene ni Xian Lim.
Good luck, Kim! Dapat galingan mo, matindi ang makakalaban mo, ang friend mong si Maja Salvador.
Indie at digital films
malaki na ang inunlad
Dapat bigyang-pansin ng pamahalaan ang panawagan hindi lamang ni Nora Aunor kundi maging ng lahat ng taga-pelikula na bigyan naman sila ng suporta. Maganda na ang resulta ng mga effort ng industriya na maiangat ang ating bansa sa madalas na pananalo ng ating mga pelikula sa abroad, lalo na nung mga pelikula na mas mapapaganda pa sana kung meron lang sapat na budget na magagamit pero umaasa na lamang sa halos libreng serbisyo ng mga artista at production people.
Nakakabawi lamang at nabibiyayaan ng halos honorarium lamang ang mga nagtatrabaho sa pelikula kapag naipapalabas ang mga pelikula sa mga commercial theater. Maraming pelikula natin, lalo na ’yung mga gawa ng independent filmmakers at ’yung mga digital film ay inaabot ng taon bago maipalabas sa mga sinehan. Salamat na lamang at tinatangkilik ito ng mga estudyante at film buffs kaya nabibigyan pa ng special showing at nakikita ng marami na malaki na ang inunlad ng indie films. At kung mabibigyan lamang ito ng suporta, hinding-hindi mamamatay ang industriya ng pelikula.
Dalawang anak nina Lian at Paolo
nangangailangan ng kalinga
Sana hindi mauwi sa tuluyang paghihiwalay sina Paolo Contis at Lian Paz. Ngayon pa ba nila hindi aayusin ang buhay nila eh may dalawang bagets na nangangailangan ng kanilang kalinga?
Hindi pa naman siguro huli para magkaayos sila. At sana kahit humantong sila sa hiwalayan ay suportahan ni Paolo ang mga bata.

No comments:
Post a Comment