Sa ikatlo at huling segment ng panayam ng PEP Talk kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay sinagot na ng young actor ang tanong kung paano siya manligaw.
Daniel: “Simple lang. Kung old school na ligaw, ganun po ako.”
PEP: Ano ang ibig niyang sabihin sa “old school”? Love letters... uso pa ba?
Daniel: “Hindi po ako maganda magsulat kaya hindi ko po ‘yon ginawa.”
PEP: Nagpapadala ka ba ng mga bulaklak?
Daniel: “Hindi po nagpapadala, ako po ang nagdadala. At ano po… ‘yan, ako po ang nagdadala, ganyan, tapos talagang inaasikaso. Alam n’yo naman po ‘yang mga ganyan kaya next question, pelase…”
PEP: May nagturo ba sa ‘yo ng ganyang strategy ng panliligaw?
Daniel: “A… ano po, palabas! Yung mga luma, ganyan. Yung ano po… hindi naman itinuturo yun, e. Talagang malalaman mo na habang pagtanda mo, e."
PEP: Kumusta naman, Kat, umeepekto ba?
Kathryn: “Umeepekto naman. Kasi, nakita naman yung effort niya. So pag naman babae, pag may nanliligaw sa ‘yo, parang, ‘Wow, may nakaka-appreciate pala sa akin!’ So, ‘yon po.”
DANIEL’S SINGING CAREER. Pagkatapos nito ay napadako naman ang usapan sa singing career ni Daniel.
PEP: Daniel, bago ka pumasok sa showbiz, Parking 5 yung banda mo. Siyempre banda, cool, ang daming babae… paano mo hina-handle ‘yon?
Daniel: “Bahala na po ang mga kabanda ko do’n. Sila na po ang bahala sa mga babaeng ‘yan. Basta ako pagkatapos, uuwi na ako!” (laughs)
PEP: Ang daming kinikilig sa pagkanta mo, e—“Hinahanap-hanap Kita,” “Prinsesa…” Yung hagod ng pagkanta mo, sino ang influence mo?
Daniel: "Wala naman po akong balak kumanta talaga, e. Bigla lang po akong napakanta sa GGV [Gandang Gabi Vice] tapos ‘eto na po ngayon, e, yung nangyayari.”
PEP: Ganun lang, bigla na lang pumutok na ganun?
Daniel: “Opo.”
PEP: Madalas ikinukumpara ang boses mo sa tiyuhin mong si Naldy Padilla ng Orient Pearl…
Daniel: “Hindi po, i-compare n’yo po yung boses ng kapatid ko na anak ni Naldy Padilla. ‘Yan po yung magaling na kapatid no’n. Talagang kaboses niya po yung tatay niya.”
(Bukod sa tiyuhin ni Daniel si Naldy ay stepfather din niya ito. Si Naldy ay pinsan ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla. Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay may anak din kay Naldy.)
PEP: Pero naimpluwensiyahan ka ba ni Naldy noon?
Daniel: “Oo naman po. Si Daddy, kapag nando’n ka sa bahay niya, parang High School Musical yun, e. Boses talaga, e. Hindi… talagang meron siyang wall na John Lennon, mga music ng Scorpions, Queen… Tumatanda po ako ng ano, e… talagang influence po ako sa music. Talagang luma, hindi po ako masyadong ano sa bago, e. Mas luma pong kanta.”
PEP: Ikaw Kath, may balak ka bang pumasok sa pagkanta?
Kathryn: “Sinubukan ko po, pero pinigilan ako nila!” (laughs)
(Habang nagsasalita si Kathryn ay napapikit naman si Daniel.)
Kathryn: “Hindi, hindi naman ako magaling kumanta, parang pinilit lang din nila akong kumanta dito sa album ng Princess And I. So ayun, napakanta ako, in-edit na lang nila. Pero hindi ako yung super singer talaga. Ano lang ako, pang-banyo lang po ako. Hindi magaling kumanta.”
PEP: May hidden talent ba kayo?
Daniel: “Hidden talent ko po dati yung kumanta, e, lumabas na.”
Kathryn: “Ako, nagha-hide pa din! Wala akong hidden talent.”
Daniel: “Wala, wala po… medyo boring po ako.”
PEP: Pero hindi boring yung dating mo sa kanila… misteryoso, tahimik…
Daniel: “Parang hindi na ako misteryoso ngayon, e. Mukhang malalaman nila na makulit talaga ako! Hindi naman po ako misteryoso. (To Kathryn) Misteryoso ba ako? Mukha ba akong misteryoso?"
FROM TV TO THE BIG SCREEN: Kailan naman kaya mapapanood ng mga fans ang tambalan ninyo sa big screen?
Kathryn: “Sa MMFF po, together with Vice Ganda and Miss Kris Aquino.”
PEP: Sure na ‘to?
Daniel: “Sinasabi na po ni Miss Kris, e, siguro po.”
PEP: Totoo bang ang role ni Kathryn dito ay anak ni Vice?
Kathryn: “Yun lang ang sinabi sa amin nung tinext pero di ko alam kung may binago po sila ngayon. Kasi hindi pa rin kami nag-aano, e, storycon. Hindi pa kami mini-meeting regarding sa movie.”
PEP: Ito na yung hinihintay ng mga fans ninyo na pagpunta ng KathNiel mula sa TV papuntang big screen?
Kathryn: “Opo, yun na, hinihintay nila. Tapos suwerte pa kasi, of course, kasama si Miss Kris Aquino pa tapos si Vice Ganda. So, for family talaga.”
Daniel: “Saya!”
PEP: Paano pag idi-dissolve ang loveteam ninyo at ipares kayo sa iba?
Daniel: “Huwag n’yong sabihin ‘yan. Masyado pang maaga para pag-usapan ‘yan.”
PEP: Pag na-dissolve ba yung loveteam, itutuloy mo pa rin ba yung panunuyo kay Kathyrn?
Daniel: “Depende po sa kanya, malay n’yo magustuhan niya yung ka-loveteam niya. Depende, kapag nagustuhan niya ‘yon, papatayin ko yung ka-loveteam niya! Hindi, loko lang! Kaya mag-ingat kayo na papalit sa akin, ha. Hindi, loko lang! Depende po ‘yon. Hindi pa naman po natin alam mangyayari sa future, e, bahala na po ang Diyos na naman sa akin.”
PEP: Ano ang expectations ninyo sa movie, epekto ng movie sa career ninyo?
Kathryn: “Ako kasi, ayaw kong nag-e-expect kasi feeling ko, pag nag-expect ako, hindi siya mangyayari. So bahala na kung ano ang magiging reaction nila after the movie… Tingnan na lang natin.”
Daniel: “Mas maganda po yung wala kang expectations… magulat ka na lang.”
DANIEL’S HAIRSTYLE. Napansin naman ng special guest co-host ng PEP Talk na si Anna Pingol ng YES! ang madalas na pag-ayos ng buhok ni Daniel during the interview, kaya tinanong niya si Kathryn kung ganun ba talaga ang kapareha niya.
Kathryn: “Opo!”
Na-anticipate naman ni Daniel ang tanong ni Rommel Llanes na ikinukumpara ang hairstyle niya sa Canadian pop singer na si Justin Bieber.
Daniel: “Sabi ko na nga, e.”
Kathryn: “Yun po peg niya!”
Daniel: “Peg ko po si John Lennon, pati si Paul McCartney, si Ringo Starr, si George Harrison, pati ang Oasis. Diyan ko po nakuha ang buhok ko, hindi po kay Justin Bieber.”
PEP: Hindi siya “Belieber” (tawag sa fans ni Justin Bieber)?
Daniel: “Si Kathryn po, Belieber… may album po siya. Lahat po ng album ni Justin Bieber, meron po siya sa bahay.”
Kathryn: “Hoy, hindi ha! Hindi na ako masyadong Bieber ngayon. Ano na, One Direction na ako! Hindi, joke lang.”
Daniel: “Wow, ha, nag-level up! Pero nakikinig na siya ng mga rock ngayon.”
PEP: Kung hilingin ba ni Kathryn na mag-One Direction ka sa isang production number, pagbibigyan mo ba siya?
Daniel: “Pasensiya na, pero hindi ko yata kayang gawin yun… hindi, nagawa ko na nga yun, e. Siyempre alam n’yo naman po pag sinabi na ng mga boss, hindi ka puwedeng humindi. So, ‘yon, napakanta ako ng ‘What Makes You Beautiful.’ Nasaktan po ako nung nangyari yung araw na ‘yon. Nawala po yung kilig sa buhay ko!”
PEP: Bukod sa “Hinahanap-hanap Kita,” ano pa yung song na idine-dedicate mo kay Kathryn?
Daniel: “Siguro yung ‘Grow Old With You' kasi gusto po niya yun, e. Yun po ang dahilan kung bakit ko kinanta yun, e. Kasi paborito po ni Kath yun.”
PEP: Siya yung inspirasyon mo do’n?
Daniel: “Yes… English yun, ha!”
DANIEL’S STARE. Isa sa kinakikiligan, lalo ng mga female fans ninyo, yung pagtitig sa iyo ni Daniel. Talagang ganyan ba siya kahit off-cam kayo?
Daniel: “Oo nga, ganito ba ako tumitig?”
Kathryn: “Kahit kanino, akala lang nila sa akin kasi…”
Daniel: “Hoy, huwag ka nga. Iba po yung titig ko kay Kathryn kaysa sa ibang tao.”
Kathryn: “Hindi, puwedeng mag-explain? Hindi, kasi kahit yung mas matatanda na ganyan, pag tumingin, parang… hindi niya alam ha, unconsciously, ginagawa niya yung mga tingin na ‘yon. Na parang, magme-melt ka, parang gano’n yung sinasabi nila. So, pag naman tumingin siya, makikita mo na parang ikaw lang ang tinitingnan niya, wala nang iba. So, mao-awkward ka.”
Daniel: “Hindi, sa ‘yo lang ‘yan. Kaya mo lang nasasabi ‘yan kasi nakikita mo.”
PEP: Parang ang lakas niyang mang-asar. Naaasar ka ba niya?
Kathryn: “Opo, parati po.”
Daniel: “Hindi ha, sinusuportahan kita sa lahat ng gusto mong gawin. And that I am your number one fan.”
Kathryn: “Hindi, mapang-asar siya, pero alam naman niya yung limitations niya. Pag sumobra dun, wala, sapak yung aabutin niya!”
PEP: Alam mo kung kailan siya, ‘Uy, teka, hindi na puwede’?
Daniel: “Opo, alam ko po ‘yon.”
PEP: Ano yung signal?
Daniel: “Pag ganito yung tawa niya, ‘Hehe…’ ganun lang. 'Tama na. Oops, oops, bawi na ng mas magagandang bagay,' yung ganun… Tapos yung tingin niya, parang nandidiri na siya, ganun. ‘Tama na, tama na. Bigyan mo ng pagkain…'”
PEP: Ano ang paborito niya na dinadala mo sa kanya?
Daniel: “Favorite niya, Oreos, pizza… salad, kasi nagpapapayat po siya… Ay, hindi, hindi siya nagpapapayat, para balance lang, yun po ang sinasabi niya sa akin. Tsaka ice cream…”
Pep: Mensahe ninyo sa mga fans…
Daniel: “Gusto muna po naming magpasalamat sa mga PEPsters na nag-request po sa amin dito, maraming-maraming salamat po. At gusto po naming pasalamatan kayo, mga sir, ma’am, na nag-interview po sa amin, napakasaya po, maraming-maraming salamat po.”
Sa pagtatapos ng interview ay hiningan ng PEP Talk hosts si Daniel ng sample ng kanyang pagkanta. Pinagbigyan naman niya kami at inawit niya ang ilang linya mula sa kanta niyang “Ako’y Sa 'Yo At Ika’y Akin Lamang.”

No comments:
Post a Comment