Tuesday, September 4, 2012

Toni Gonzaga naghihintay lang daw ng tamang oras para sa pangarap na pamilya with Paul Soriano

Masaya si Toni Gonzaga sa bagong parangal na natanggap ng kanyang kasintahang si Direk Paul Soriano.

Nanalo si Paul ng Best Director at Best Screenplay (with co-writer Froilan Medina) awards sa katatapos lamang na Luna Awards para sa pelikula nitong Thelma, na pinagbidahan ni Maja Salvador, na itinanghal namang Best Actress.

(CLICK HERE to read related story.)

“Yes, we’re very proud of him!” bulalas ni Toni nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kahapon, Agosto 29, sa I Am Confidence event ng Tupperware, sa F1 Hotel, The Fort, Taguig City.

Banggit pa niya, “He’s actually in GenSan [General Santos] right now, mayro’n silang event doon ngayon.

"So, wala pang time talaga to celebrate and enjoy the victory.

“But like what I always tell him naman, 'Yung fruit ng labor mo talaga, kapag alam mong pinaghirapan mo talaga—with all your heart you do it—God will reward you with this beautiful gift.'

“So ayun, and he’s enjoying it right now.

“So, I’m very proud of him.”



ON-AND-OFF BUTTON. Hindi maipagkakaila na isa si Toni sa mga hinahangaang personalidad sa showbiz.

Bukod kasi sa paghu-host, marunong din siyang umawit, at ilang pelikulang pinagbidahan na rin niya ang pumatok sa takilya.

Ilan sa mga pelikulang ito ay You Got Me (2007), My Big Love (2008), at My Amnesia Girl (2010).

Ngunit kasabay nito ay ang intrigang lumalaki na raw ang ulo niya, isang intrigang hindi na bago kay Toni.

Simula pa lamang daw kasi ng kanyang career ay lagi nang iniisyu ito sa kanya.

Kabaligtaran kasi sa nakikita sa telebisyon, inamin ni Toni na tahimik talaga siyang tao sa personal, kaya madalas ay napagkakamalan siyang masungit o isnabera.

Pero masaya siya na ngayon ay nabawasan na ang mga ganoong klase ng balita tungkol sa kanya.

Pero paano nga ba niya nababalanse ang pribado at propesyunal na buhay?

Sagot ng Kapamilya star, “Siguro lahat ng mga artista, lahat ng mga nasa industriyang ito, actually kahit kayo, may on-and-off button tayo, di ba?

“May on button tayo and may off button, and not all the time we’re always on.

“May off button din tayo na mag-relax lang, have time for ourselves, na yun lang yung panahon na akin.

“So that’s why when I’m off stage, pini-feel ko na ito yung time na makapag-isip, makapagpahinga, mag-isip ng mga bagay-bagay or pag-isipan ko ang gagawin ko when I’m back on stage, yung mga spiels ko, mga sasabihin ko.

“So, yun, when I’m on stage, yun na yung on button.

“I think it also helps na my parents keep me grounded, na sila yung nagre-remind sa akin na yung trabaho ko, hiwalay sa personal kong buhay.

“When I’m home, I’m not a celebrity, I’m not an artista or whatever.

“I am a daughter, so puwede nila ako utusan… yung I live by their rules.”



LIVING SOLO. Kahit kaya na niyang sustentuhan ang sariling mga pangangailangan, ayaw pa rin ni Toni na bumukod sa kanyang pamilya.

Gusto niya raw kasi na sa tuwing uuwi siya, dadatnan niya ang kanyang pamilya sa bahay, na maaari niyang makausap o makaramay sa tuwing hindi naging maganda ang araw niya.

Gayundin, hindi niya makita ang sarili na bubukod matapos niyang maabot ang kanyang kinalalagyan ngayon sa industriya.

Karamay niya raw kasi ang pamilya noong mga panahong nagsisimula pa lamang siya.

Paliwanag pa niya, “Ngayon na nangyayari na lahat ng magagandang bagay, parang… parang my happiness is more felt when I share it with them.

"Parang mas masaya ako kapag nase-share ko sa kanila kung ano ang natatanggap ko ngayon.

“Kasi ako, I love going home to a family.

“I love going home to a house na may daddy, may mommy, may kapatid.

"Then you talk about the whole day, what happened sa work, and talk about real stuff, real-life problems happening to you.

“It keeps me grounded and it reminds me na my work is not my life.

"Parang isa lang siya sa aspeto ng buhay mo, it doesn’t define me.

“My family still defines who I am, where I am now.”



A FAMILY WITH PAUL. Nabanggit na rin lang ni Toni ang pamilya, napunta ang usapan sa pagkakaroon niya ng sariling pamilya kasama ang nobyong si Paul.

Limang taon na ang relasyon nina Toni at Paul, kaya madalas tanungin ng marami kung kailan nila binabalak magpakasal.

Gayunman, ayaw raw ni Toni na magmadali dahil pareho pa nilang pinalalago ang kani-kanilang mga career sa showbiz.

Inamin ni Toni na palaging sinasabi ni Paul sa kanya na handa na itong lumagay sa tahimik, pero ayaw naman ng TV host-actress na masayang ang mga oportunidad na dumarating sa kanilang dalawa ngayon.

“One of the things that I look forward ‘yan,” pagtukoy niya sa pagbuo ng pamilya kasama si Paul.

“Kasi sabi ko, it’s nice to have that kind of family na ako naman ang gagawa in the future. Yung ganyan, my own family na sarili ko rin.

“Pero so far, right now, like what I always say, because it took me so long to be in the business... it took me nine or ten years, struggling years, to get in.

"And now I’m enjoying it, naka-ten years na, with God’s grace.

“I’m looking forward na sana another ten or more years to come.

“Kaya yung personal ko na buhay, medyo nasa-sidelight pa, e, hindi ko pa masyado pina-prioritize.

“Kasi ang ganda-ganda pa ng mga nangyayari with Paul, the opportunities that he’s getting.

"Yun, parang we’re here to support each other, to grow together.

“I always say na konti na lang, konti na lang, tingnan ko na lang what God has in store for me pa.

“Then, when it’s the right time, na puwede na 'kong mag-asawa, na to make my own family, e, di 'yon—all in His time.”

No comments:

Post a Comment