Isang taon na rin ang nakakaraan nang ipalabas ang blockbuster hit niyang Praybeyt Benjamin at isang taon bago nito naman ang kanyang launching movie na Petrang Kabayo. Bilang ngayong Oktubre din ipapalabas ang pelikulang This Guy’s In Love With You Mare, idinedeklara na niyang Vice Ganda movie month ang buwan. Aniya, “Sabi nga ni Direk Wenn (Deramas) parang naging tradisyon na kaya gawin na nating tradisyon na kailangan pag October merong Vice Ganda-Wenn Deramas movie sabi niya.”
Hindi maitatangging ang Praybeyt Benjamin ang naging pinakamalaking pelikula hindi lang ng nakaraang taon kungdi sa kasaysayan din ng pelikulang Pilipino kaya naman mas nararamdaman ba ni Vice ang pressure na matapatan o mahigitan man lang ang kanyang nakaraang pelĂcula? “Di na ako nappressure e kasi pag napressure pa ako at inentertain ko ang kaba madidiscaril yung diskarte ko. Ang laking pressure nung No Other Woman nung sinundan yun ng Praybeyt Benjamin pero hindi naman. Enjoy lang, happy-happy lang. Ginagawa naman natin ito para enjoy lang, happy lang. Ayoko lang ng pressure, I am an entertainer, I entertain but I don’t entertain pressure.”
Natanong si Vice kung paano siya napapayag sa proyektong ito at makasama ang mga kaibigang sina Toni Gonzaga at Luis Manzano. “Hihindi ka ba kung Luis at Toni ang kasama mo? Nung nagmeeting nga kami sa Star (Cinema) at tinanong kung sinong gusto kong makasama ang sabi ko si Toni talaga ang gusto kong makasama talaga. Si Luis pang-third siya sa last. (laughs) Saka si Luis din nag-uusap kami na halos lahat ng bonggang movies kasama ko siya, In My Life tapos Hating Kapatid, Petrang Kabayo, puro kasama ko si Luis so parang lucky charm siya.”
May nadiskubre pa ba silang bago sa isa’t isa? “Wala akong nadiskubreng bago pero marami akong na-miss lalo na kay Toni. Hindi na kasi kami nabibigyan ng maraming pagkakataong magkasama hindi tulad nung dati na talagang lagi. E si Toni ang closest ko dati e ang dami niyang trabaho tapos ako marami na ring ganap bihira na lang, text na lang. ‘Uy nanonood ako ng GGV, nakakatawa.’ ‘Ay, hindi mo ba alam?’ Ganun.”
Bilang mga indibidwal, malalaki na ang kanilang mga pangalan at may napatunayan sa kani-kanilang mga larangan. Kaya naman sa tanong na kung may nangyaring sapawan sa kanilang tatlo, “Hindi naman with Direk Wenn’s guidance naman, marami na rin naman nagawa... Kunwari sa eksenang ito para mag-shine naman ng ganito sa amin naman wala nang sapawan factor, wala nang bilangan ng eksena.”
Kahit na malalaki silang artista, alam niyang nahahwakan sila ng kanilang direktor ng tama at hindi ito nahirapan sa proyekto nilang ito. Aniya, “Magkakaibigan kasi kaming lahat pati si Direk Wenn kaibigan namin, yung shooting ay isang malaking harutan.”

No comments:
Post a Comment