Sa exclusive interview ni Zsa Zsa Padilla na ipinalabas sa The Buzz kahapon, ibinahagi ng Divine Diva na hanggang ngayon ay bahagi pa rin ang yumaong partner niya na si Dolphy sa kanyang araw-araw na gawain. Kinakausap pa rin umano niya ang Comedy King at mabilis umano siyang nakakakuha ng pagpaparamdam at talaga raw kinikilabutan siya.
Samantala, idinetalye rin ng actress-singer ang pinagdaanan niya nang madiskubre ang polyp sa kanyang left kidney. Kaya naman talagang ikinagulat niya nang ipatanggal niya ito sa US at sinabihan siyang benign o hindi delikado ang natagpuang polyp sa kanya. “Nakanganga akong ganyan, 'di ako makapaniwala. Tama ba ‘yung naririnig kong benign?” pagbabahagi ni Zsa Zsa. “Ang tagal ko bago napangiti kasi talagang I was trying to absorb it, nananaginip ba ako? Tama ba ‘tong naririnig ko?” Kailangan lang daw niya ngayon na taon-taon ay pumunta siya sa US para makapagpa-check up.
Sa mga pagsubok na hinarap ni ZsaZsa, ibinahagi niya kung kailan niya natagpuan ang lakas ng loob. “It started when Dolphy really got sick and I had to protect my family. Siguro ‘yung mga nanay ng tahanan we’re really a lot stronger than men. Parang kailangan itaguyod ko ‘yung pamilya ko.”
Kamakailan din ay ginanap ang tribute concert para kay Mang Dolphy ang Alay Tawa kung saan nagkaisa ang tatlong malalaking networks para sa pagbibigay-pugay sa Comedy King through a grand concert. Ani ZsaZsa, nakita raw kasi ni Eric Quizon, anak ni Pidol, nagkakaisa na ang mga networks sa coverage ng nasa ospital hanggang sa libing ng comedy icon kaya naisipan nilang pag-isa-isahin muli sila sa isang grand concert. “Masaya ‘yung gabing ‘yon,” sambit ng Divine Diva.
Sa lahat ng kanyang pinagdaanan ang natutunan daw ni ZsaZsa, “Magpakatatag talaga. Take good care of yourself, kahit ano pa ‘yung pinagdadaanan mo sa buhay.” Sa ngayon ang tanging dasal lang ni ZsaZsa ay para sa kanyang pamilya at mga anak. “I can’t think of anything else but for Lord Jesus to guide my girls for their safety, ‘yun lang. For myself, that I would have the stamina for all the work that’s ahead but I’m so blessed and grateful.”

No comments:
Post a Comment