Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz si Angelica Panganiban sa taping ng gag show ng ABS-CBN na Banana Split Extra Scoop noong Martes ng gabi, October 16, sa Music Museum.
Ito ay para sa fourth anniversary special ng show na mapapanood bukas ng gabi, October 20, Sabado.
Ang Banana Split ay itinuturing ni Angelica na “sobrang love” niyang show.
Aniya, “Ito ang sobrang love ko… hindi pinaka-love, sobrang love ko.
“Ano ‘to, e, pamilya ko na.
“May kumpetisyon na siya sa first family ko at sobrang mahal na mahal ko ang grupong ito.”
Naikuwento na minsan ni Angelica na noong akala raw niya ay mawawala na ang Banana Split ay umiyak siya agad.
Iiyak pa rin kaya siya kung sakaling mangyari nga iyon?
“Kapag nawala ‘to, wala na ako sa ABS. Ganun ko siya kamahal!” natatawang sabi niya.
Dapat pala kasama sa kontrata niya na hindi puwedeng mawala ang Banana Split?
“I wish, I wish part yun,” sakay naman ni Angelica.
“Pero masayang-masaya ako dahil hindi siya nangyayari out of contract or anything.
“Nangyayari ang katagalan ng show dahil sa pagmamahal sa amin ng mga tao.”
PIONEER. Si Angelica ang isa sa dalawang original cast ng show na hanggang ngayon ay nasa Banana Split pa rin; ang isa ay si Bodjie Mortiz.
Ano ang meron kay Angelica at tumagal siya sa Banana Split sa loob ng apat na taon?
“Well, kung iisipin ko naman, proud ko namang sabihin na, siguro, kung may pinakamagandang weapon ako, yung pakikisama.
“Na bakit simula noon, hanggang ngayon, nakasundo ko naman ang mga part ng Banana Split.
“Sana ma-maintain ko yun, yung ugali na yun para lang humaba pa.”
Naniniwala rin si Angelica na ang Banana Split ang naging daan sa pagiging komedyante niya.
“Oo, oo naman,” sambit niya.
“Kaya sa kahit anong natatanggap kong achievement, palagi kong pinapasalamatan ang Banana Split at si Direk Bobot [Edgar Mortiz].
“Lalung-lalo na pagdating sa comedy dahil si Direk Bobot yung unang-unang naniwala sa akin.”
BLIND ITEM. Ang Banana Split Extra Scoop ay may blind-item portion na isa sa inaabangan ng mga manonood nila.
Tinanong ng PEP si Angelica kung hindi ba siya natatakot kapag nagbibitiw na siya ng mga blind item.
“Natatakot, siyempre natatakot,” pag-amin ng Kapamilya actress.
“Kinakabahan kami.
“Minsan, kapag masyadong matapang, baka may magalit sa amin. Baka maubusan kami ng kaibigan.
“Pero ano naman, kapag nagba-blind item naman kami, alam naman yun ng mga kaibigan namin hanggang ngayon, outside sa Banana Split, na kaya nila kaming pagkatiwalaan.
“Dahil kapag alam naming personal, hindi namin… pag personal, e, personal.
“Kapag katuwaan, e, di go.”
IN LOVE. Sa isang banda, naitanong din ng PEP kay Angelica ang aspeto ng personal na buhay niya.
Hindi naman ikinakaila ng aktres na masaya siya ngayon.
Kapag in love ba siya, siya ba yung kinikilig o tapos na siya sa stage na yun?
Nangiti ito saka sinabing, “Inspired? Inspired nang sobra.
“Palagi namang inspired, pero siyempre, may dagdag na factor yung kilig na nadadala sa ‘yo every day.
“Mas ginaganahan kang gumising.
“Mas nae-excite ka na baka may mabasa kang text—very high school, very bagets.”
Ano na ang mga lesson na natutunan niya sa pakikipagrelasyon?
“Natutunan ko? Sinabi ko naman ito noon, pero tamang i-appreciate mo yung sarili mo muna para alam mo kung ano yung tamang happiness, tamang pagmamahal na deserve mo.
“Kasi, baka mamaya, hindi ka pala deserve ng pagmamahal na yun, hindi rin kayo magkakaintindihan.
“Baka mamaya, kulang yung naibibigay sa ‘yo, pero ipinagpipilitan mo, di ba?
“So, ngayon, mas na-appreciate ko ang sarili ko. Mas kinilala ko siya.
“Mas na-gets ko kung ano yung mga deserve ko.
“Parang nakukuha ko lang kung ano ang deserve ko and I’m so happy to say na nasa akin ang lahat.
“Naniniwala ako na deserve ko.”
Ayaw gamitin ni Angelica ang salitang “wiser” nang tanungin siya kung sa palagay niya ay mas wise na siya pagdating sa pagmamahal.
Aniya, “Hindi ko puwedeng sabihin yun. Hindi ko puwedeng paniwalaan na mas matalino ako.
“Nakakatakot ang term na yun, baka mamaya, one of these days, magsalita ako then failure na naman.
“Ang masasabi ko lang, hope ang meron ako at positivity.”
OPEN. Open na ba sila ni John Lloyd Cruz sa kung anuman ang meron sila ngayon?
“Oo,” sagot ni Angelica.
“Oo, open naman kami.
“Pero siguro, what you see is what you get.
“Hindi na ako magde-detalye pa. Kasi, mas gusto kong tahimik.”
Sinabi ni John Lloyd sa isang interview na sobrang saya nito ngayon.
Ganun din ba si Angelica?
“Ako rin,” nakangiting sagot niya.

No comments:
Post a Comment