Monday, October 8, 2012

Bea Alonzo and John Lloyd pleased with outcome of The Mistress

Abot-tenga ang ngiti nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo nang lumabas sa Cinema 10 ng SM Megamall kagabi, Setyembre 11, matapos panoorin ang unang screening ng The Mistress.

Sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan, ang The Mistress ay nagmamarka ng ika-sampung anibersaryo nina John Lloyd at Bea bilang isang loveteam.

Nakatrabaho ng dalawang Star Magic talents sa proyektong ito ang mga batikang aktor na sina Ronaldo Valdez, Hilda Koronel, Carmi Martin, at Anita Linda.

Paglabas ng sinehan, sinalubong ng mga katrabaho, fans, at ng media sina John Lloyd at Bea.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilang miyembro ng press, sinabi ng dalawang Kapamilya stars na masaya sila sa kinalabasan ng pelikula.

“Maniniwala ba kayo na sa pelikulang ito pinakamaganda si Bea?” panimulang sabi ni John Lloyd.

Nangingiti namang wika ni Bea, “Wow!” Sabay puri rin sa kapareha, “Napaka-hot lang ni John Lloyd!”

Nang banggitin ang isang eksena sa pelikula kung saan topless at naka-shorts lamang si John Lloyd, napabulalas si Bea ng: “Alam niyo ‘yan!”

Nagbiro naman si John Lloyd, “Akala ko nga daddy ko yun, e!”



MATURE SCENES. Mapapansin sa The Mistress ang ilang mature at sensual na eksena sa pagitan nina John Lloyd at Bea.

Wika ni Bea ukol dito, “Intense scenes!”

Bagamat hindi ganoon karami ang mga ito, sinabi ng aktres na naging importante ang mga ito sa takbo ng istorya.

“May mga sexual tension… yung mga intense scenes, wala kami yung mga scenes na sobrang kalma lang.

“Laging may ganun. Kailangan.”

Komento naman ni John Lloyd, “Kaya nga, e. Kaya mahirap , e.”

Parehong sumang-ayon sina John Lloyd at Bea na isa ito sa pinakamahirap na ginawa nilang proyekto.

Kumplikadong mga relasyon ang ipinapakita sa pelikula.

Ginagampanan ni John Lloyd ang karakter ni Eric o JD.

Si Bea naman ay si Rosario o Sari, ang “mistress” o kerida ng karakter ni Ronaldo Valdez.

Naka-relate ba sa kanilang mga karakter sina John Lloyd at Bea?

Ang nasabi lang ng aktor, “Ang hirap… sabi ko nga, talagang yung character na JD, it took me a while bago siya kumapit.

"Buti na lang matiyaga yung direktor ko saka yung aming writer. Saka si Bea matiyaga.

Tugon naman ni Bea, “Naku, ikaw nga yung matiyaga diyan!”



RONALDO VALDEZ. Isa sa mga naging hamon para kay Bea sa The Mistress ay ang mga romantic scenes niya kasama ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Saad ni Bea, “Of course, mahirap siya. Iba siya sa...

“Pero the moment I said yes to doing this character, kalakip siya nun, e…

“Sobrang hirap naman kabahan or sobrang hirap naman magreklamo kung isang magaling na aktor yung katrabaho mo, na alam mong hindi magte-take advantage sa scene.”

Katulad ni Bea, namangha rin si John Lloyd sa beteranong aktor.

“Dumadali yung mga eksena pag si Ronaldo Valdez yung kaeksena mo.

“Blessing na siya yung gumanap, na siya yung kaeksena mo.

"Yung trabaho na napakahirap kung iisipin, ang laki ng idinali dahil siya yung kasama namin.”



LOVETEAM. Nang tanungin kung nagturuan o nagbigayan ba sila ng tips bago kunan ang mga eksena, sinabi ni John Lloyd, “Hindi naman kailangan ni Bea ng tips!”

Natatawang bulalas ni Bea, “Whatever! Naku, John Lloyd!”

Dagdag pa ng aktor, “Ang maganda sa amin, we allow each other to… we allow ourselves to feel each other.

“Yung talagang … para madala kayo sa kung ano yung dapat niyong puntahan, emotionally.

“I guess isa yun sa pinakamagandang katangian ng team-up namin.”



ACHIEVE. Kabado sina John Lloyd at Bea bago nagsimula ang screening. Nag-alala ang dalawa kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao.

“Sobra kasi napaka-pensive nung mood!” sabi ni John Lloyd.

Para kay Bea naman, “Alam mo, sobrang unreadable nga, e. Parang… "Magugustuhan ba nila?' Alam mo yung ganun?

“Yung nakabukas talaga yung tenga mo the whole time. 'Nag-react ba sila dun sa tamang pagre-reakan na mga eksena?'

Matapos panoorin, tila nabawasan naman ang kaba ni Bea. Nagkaroon siya ng kumpiyansa sa pelikula.

Sabi ng young actress, “Whatever happens, we have a good movie and yun naman.

“Ako, I’m so blessed... we’re so blessed that we’ve worked with a great director like Inang.”

"Inang" ang tawag ng dalawa sa direktor nilang si Olivia Lamasan.

Patuloy ni Bea, “And whatever happens, yun na yung pinakamalaking blessing na nakuha namin.”

Wika ni John Lloyd, “Oo naman. Saka nakita niyo naman, kagaya nung sinasabi namin, na iba talaga itong pelikulang ito.

"I guess na-deliver naman kung ano yung ipinangako namin.”

DIFFERENT. Sa hiwalay na interview ng PEP kay John Lloyd, sinabi ng aktor kung ano ang ikinasaya niya sa proyektong The Mistress.

“Ang maganda kasi dito, puwede palang iba.

"Meron ibang paraan—yung Olivia Lamasan na paglalahad ng kuwento, especially yung ganitong klase ng kuwento.

“Ang ganda nung anggulo, doon ako natutuwa because nakasama ka sa naging proseso.

“Nakasama ka dun sa project na alam mong bihira, e.

“It’s not every day na makakatanggap ka ng ganitong klase ng project.”

Para kay John Lloyd, nagawa ng pelikula ang nilayon nito. Satisfied daw ang aktor.

Wika pa nito, “It takes a mature appreciation, a mature moviegoer to appreciate that movie.

“Iba yung kumpas, iba yung bigay ng… palitan ng mga linya.

“Ako, sa tingin ko lang ha, na-achieve ni Inang yung kung ano yung gusto niyang ma-achieve.”

Nahigitan ba nila ni Bea ang mga nakaraang pelikula nila?

Sagot ni John Lloyd, “You think so? Kasi ako, hindi ko alam. But it’s one of the most memorable ones.”

MOVIE WITH SARAH GERONIMO. Tuloy na tuloy na rin ba ang pangatlong pelikula nina John Lloyd at Sarah Geronimo?

Noong Linggo, September 9, nag-guest si John Lloyd sa programa ni Sarah na Sarah G. Live, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang magkausap muli matapos ang isang mahabang panahong hindi nagkatrabaho.

Saad ni John Lloyd, “Masayang-masaya kami. Lumabas naman yun sa episode.

“Nag-enjoy lang kami kasi parang dun lang kami nabigyan ng chance na mag-catch up, magbalitaan sa isa’t isa, magkamustahan.

“So, okay siya. Naging maganda yung experience.”

Sinabi ni John Lloyd na hindi pa nila nasisimulang i-shoot ang pelikula.

“Pero naka-schedule siya mga last quarter of the year until early next year.

"Ayoko lang muna isipin. Parang I want to give myself a break muna…

"Alam niyo namang may ginagawa rin kaming teleserye ni Bea.”

Bukod pa sa The Mistress, tampok din sa teleseryeng A Beautiful Affair ang tambalang John Lloyd at Bea. Ang ilan sa mga eksena rito ay kinunan sa Vienna, Austria noong Marso ng taong ito.

Samantala, excited si John Lloyd sa nalalapit na paglipad nila ni Bea sa France sa Setyembre 15.

Magkakaroon ng international screening ang The Mistress sa Acropolis sa Nice, France; gayundin sa Hawaii, Las Vegas, Seattle, New Jersey, California, New Zealand, Dubai, Qatar, Bahrain, at Abu Dhabi.

No comments:

Post a Comment