Marami ang na-excite nang mapanood ang unang teaser ng bagong GMA-7 primetime series na Temptation of Wife dahil naka-topless dito ang leading man na si Dennis Trillo.
Nang makausap ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang entertainment press si Dennis sa press conference ng Temptation of Wife, aminado ang aktor na seksi talaga ang tema ng karakter na ginagampanan niya.
Kung nakahubad na siya sa teaser, ano pa ang makikita kay Dennis kapag naipalabas na ang kanilang teleserye simula sa October 29?
Paliwanag ng Kapuso actor, “Actually, hindi naman siya erotic na show—sexy siguro at tulad ng original na Koreanovela.
“Ang selling point nitong Temptation of Wife, yung kuwento niya.
“Ang kagandahan ng character, marami siyang character.
“Talagang yung kuwento niya kasi, mahalaga ang bawat character, makulay, at talagang susubaybayan mo.
“Hindi lang siya yung basta inilagay ang character na walang purpose. Talagang pinag-isipan ang bawat character.”
WOMANIZER. Napanood daw ni Dennis ang orihinal na Korean version ng teleserye nila.
Aniya, “Bago kami magsimula, binigyan nila kami ng 'sangkaterbang DVD, pinapanood nila sa amin.”
Natuwa naman siya sa napanood niya?
“Oo, natuwa dahil eto na naman, hindi na naman siya yung typical na leading man.
“Maloko kasi ang character ni Marcel—mayaman siya, babaero, nagtaksil siya sa asawa niya.
“Pero yung character niya, kahit pilyo, babaero, pero yung character niya, hindi mo alam kung komedyante ba siya.
“So, kahit na may kalokohan siya, napapatawad siya dahil sa pagiging ganoon niya.”
Ayon kay Dennis, mahirap ang karakter na ginagampanan niya bilang si Marcel. Nag-research pa nga raw siya para rito.
“Kinailangan kong panoorin ang DVD para ma-master ko ang pagiging babaero. Hindi siya biro,” seryosong sabi niya.
Pero natawa si Dennis nang tanungin namin kung mahirap ba ang maging babaero.
“Kailangan kong mag-research talaga. Magtanung-tanong ako sa mga kaibigan kong babaero,” nangingiting sabi niya.
“Alam ko, cliché na ito, pero maganda, maganda ang kuwento niya talaga kasi buo na siya.”
Paano niya iibahin ang pag-atake sa role sa orihinal na gumanap bilang Marcel?
“Well, hindi ko siguro iibahin masyado para hindi masyadong ma-disappoint ang mga viewers niya.
“Kasi dito, tinanong ako ni Direk Dom [Dominic Zapata] kung gusto ko bang gayahin yun o kung gusto ko ng straight drama.
“Sabi ko, ‘Direk, baka ma-disappoint yung mga totoong fans ng show. Yung mga sumubaybay.’
“So, sabi ko, ayokong ilayo yung acting ko sa ginawa niya.
"So, basically, hindi ko masyadong iibahin, konti lang.”
REALIZATION. Binalikan namin ang sinabi ni Dennis na “mahirap palang maging babaero.”
Kailan niya na-realize ito?
Ngayon lang,” nangingiting sabi ng aktor.
“Ang hirap pala. So, kailangan kong pag-aralan.
“Tinanong ko ang mga barkada ko!” tawa niya.
Dahil isang babaero ang karakter niya sa Temptation of Wife, nasabi ba niya sa sarili na hindi siya magiging babaero?
“Oo,” ngiti niya muli. “Hindi pala maganda ang pagiging babaero.”
Natawa naman si Dennis nang sabihin namin na dapat palang magpasalamat ang girlfriend niyang si Bianca King sa Temptation of Wife.
Nagpapasalamat din daw si Dennis dahil lahat talaga ng ginagawa niya ay palaging bago sa kanya.
“Siyempre, bilang bago sa industriya, lahat ng ginagawa ko, ayoko ng mauulit yung ginawa ko na dati para palagi siyang may bagong aabangan,” sabi niya.
MOVIE PROJECTS. Bukod sa Temptation of Wife, may mga pelikula rin na ginagawa si Dennis ngayon.
Natapos na raw niya ang indie movie na Sapi sa ilalim ng direksiyon ni Brillante Mendoza.
Naka-dalawang araw na rin daw siya para naman sa Shake Rattle & Roll 14 kunsaan si Chito Roño ang direktor niya.
Sabi ni Dennis, “Nakakatuwa naman kasi natutupad yung pangarap ko na makatrabaho ang ibang direktor—si Direk Brillante tapos ngayon naman, si Direk Chito Roño naman.”
BALIK-KAPAMILYA? Tinanong din ng Hot Pinoy Showbiz si Dennis tungkol sa usap-usapang babalik daw siya sa ABS-CBN.

No comments:
Post a Comment