Saturday, October 20, 2012

Eat Bulaga! sa Malaysia, magkakaron na

Dahil sa malaking tagumpay na nakamit ng Eat Bulaga! franchise sa Indonesia, ipinagdarasal ng mga dabarkads na sumunod na ring kukuha ng prangkisa nito ang katabing bansa na Malaysia.

Inihayag ito ni Mr. Antonio “Tony" Tuviera, president and CEO ng TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!, nang makapanayam matapos tanggapin ang Galing Pinoy Franchise excellence award mula sa Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI).

Ang pagkilala ay ibinigay kay Tuviera dahil sa pagproduce ng Pinoy show na sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng prangkisa sa ibang bansa.

Sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute nitong Biyernes, sinabing kasama ni Mr. Tuviera na tumanggap ng award si Ms. Malou Choa-Fagar, vice president at COO ng TAPE.


Masayang ibinalita ni Tuviera na tatlong buwan matapos umere sa telebisyon ang EB! sa Indonesia, ngayon ay nangunguna na ito sa ratings sa telebisyon.

“Right now, yung Eat Bulaga! Indonesia is number one already in Indonesia. Pati yung kanyang primetime show sa SCTV sa Indonesia ay tinalo na nung Eat Bulaga Indonesia," kwento ni Mr Tuviera.

Tungkol sa posibilidad na magkaroon pa ng franchise ang Eat Bulaga! sa ibang bansa, sinabi ni Tuviera na ipinaalam sa kanila na binabantayan umano ng Malaysia ang anumang nangyayari sa Indonesia.

“Sinabi sa amin ng Indonesia na kung anuman ang nangyayari sa Indonesia, parang ang Malaysia ay nakabantay. Kaya kumbaga nagdadasal kami talaga ngayon na sana sumunod ang Malaysia," pahayag ng boss TAPE

No comments:

Post a Comment