Sa bagong teleserye ni Gerald Anderson na Bukas na Lang Kita Mamahalin ay makakasama niya ang magagaling na aktres katulad nina Maricel Soriano at Dina Bonnevie. Masayang-masaya ang aktor nang malaman niyang gusto rin siyang makatrabaho ng dalawang aktres sa isang proyekto. “Kapag may two great actresses ang may magandang sinabi sa iyo, it’s very overwhelming. Ngayon pa lang kinakabahan na ako kasi panibagong challenge ito. At the same time, alam kong team work lahat at gagawin namin ang best namin,” nakangiting pahayag ni Gerald.
Si Cristine Reyes ang makakatambal ng aktor para sa bagong proyektong ito. Tiyak na hindi magkakaroon ng ugnayan ang dalawa lalo pa’t alam ng mga tao na si Rayver Cruz ang kasintahan ng aktres sa totoong buhay. Hindi rin kailangang pilitin na magkaroon ng kilig ang mga eksena nina Gerald at Cristine dahil iba naman ang tema ng serye nila.
“Which is good. I have to hand it down sa mga bagong love teams like Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, and Enrique Gil. It’s their turn para sa mga ganung klaseng project. Siyempre napagdaanan ko na ’yan. And I wouldn’t be here kundi dahil dun. Siyempre at the age of 23 kailangan mas matured ang roles ko para sa career ko. So ’yung soap na ito mas focused sa acting,” paliwanag ni Gerald. Sinasabing sumusunod na sa mga yapak nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang karera sa pagiging leading man ni Gerald. Ano kaya ang kanyang masasabi tungkol dito?
“That’s very flattering pero hindi ’yun ang motivation ko. My motivation is to take it step by step. Bago ka makarating dun, marami ka pang kailangang patunayan. Ang dami kong gustong matutunan, and this is a great stepping stone,” giit pa ng aktor.

No comments:
Post a Comment