Nagdiwang ng kanyang 20th birthday noong July 9 ang Kapuso star na si Jake Vargas sa pamamagitan ng isang celebration sa programang Walang Tulugan With The Master Showman.
Masayang-masaya si Jake dahil kasama sa well-wishers niya ang kanyang ka-loveteam na si Bea Binene.
Kahit busy si Bea noong araw na iyon, gumawa siya ng paraan para makarating at mapasaya ang kanyang ka-loveteam.
Pero sa susunod na project ni Bea na Luna Blanca, kunsaan siya ang gaganap na dalagang Luna, hindi na si Jake ang kanyang ka-partner kundi si Kristoffer Martin.
Inamin ni Jake na nalungkot siya nang malaman niyang hindi muna sila magtatambal ni Bea sa TV series na ito ng GMA-7.
Nakasanayan na raw kasi niyang si Bea ang lagi niyang nakakatambal sa pinagsamahan nilang series sa GMA-7: First Time, Ilumina, Captain Barbell, Pahiram Ng Isang Ina, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, at Reel Love Presents Tween Hearts kunsaan nabuo ang loveteam nilang JaBea.
Nagtambal din sila sa mga pelikulang Tween Academy: Class of 2012 at My Kontrabida Girl.
Ayon kay Jake, “Siyempre, nalungkot ako nang malaman ko na hindi ako ang kinuhang partner ni Bea.
“Sobrang sanay na kaming dalawa sa isa’t isa. Yung lagi kaming magkasama sa tapings at sa mga mall shows.
“Pero okey lang naman dahil sa Kristoffer naman ang makakasama niya. Nasabi ko naman kay Kris na alagaan niya nang mabuti si Bea.
“Buo pa rin naman ang JaBea. Hindi naman mawawala ang team-up namin. Magkakasama pa rin kami sa mga regional shows ng GMA-7.
“’Tsaka may project naman daw kaming gagawin together kaya nandiyan pa rin ang JaBea.”
NEW LOOK. Malaki ang ipinagbago ng hitsura ngayon ni Jake. Ipinangako kasi niya pagkatapos ng Tween Hearts na babaguhin niya ang kanyang look na nakasanayan na ng maraming fans niya.
Binago niya ang kanyang hairstyle at nagpapalaki na rin ng katawan si Jake.
“Kung dati ang buhok ko parating pababa, ngayon nakataas na siya lahat!” sabay tawa niya.“Kailangan ko lang ng bagong look. Matagal na rin kasi na gano’n ang buhok ko. Gusto naman daw nilang makita ang buong mukha ko.
“Kaya heto, nakataas lahat ng buhok ko. Mas presko nga naman.”
Hindi raw masyadong magpapalaki ng katawan si Jake. Yung tamang-tama lang daw para mabigyan naman daw siya ng ibang roles.
“Masyado raw maliit ang katawan ko at kailangan ko raw magkalaman ng konti.
“Konting muscle lang naman para magkaroon ng korte sa dibdib ko at sa mga braso ko.
“Hindi naman daw ako puwedeng maging maskulado at magmumukha raw akong lalong maliit. Yung tamang-tama lang para bumagay ako sa ibang roles.
“Tapos na kasi ang Tween Hearts at kailangan mga mature roles na ang gawin natin,” saad niya.
MISSING HIS MOM. Kahit nakangiti si Jake sa kanyang birthday celebration, makikita sa kanyang mga mata na may lungkot siyang nararamdaman.
Ito kasi ang unang birthday niya na hindi niya kapiling ang kanyang ina na si Magdalena Vargas, na sumakabilang-buhay noong November 26, 2011 dahil sa sakit na colon cancer.
Naiyak nga si Jake nang maalala niya ang mga nagdaang kaarawan niya na nandoon ang kanyang ina at pinaghahanda siya nito sa kanilang bahay sa Olongapo City.
“Nami-miss ko yung niluluto niyang spaghetti,” maluha-luhang sabi ni Jake.
“Masarap kasi magluto ng spaghetti si Mama at iyon ang lagi kong hinihiling sa kanya na ihanda niya tuwing birthday ko.
“Kahit yun na nga lang ang handa, masaya na ako kasi alam kong pinagpagurang gawin iyon ni Mama para sa birthday ko.
“Ngayon kasi... nakakapanibago lang kasi si Mama ang unang bumabati sa akin on my birthday.
“Parang ang buong araw na ‘yon, special para sa kanya, at sa gabi maghahanda na ‘yan para sa mga darating na mga bisita namin.“Hindi lang naman ako ang malungkot kundi pati ang mga kapatid ko. Lahat kami may kanya-kanyang mga magagandang alaala kay Mama.
“Iba lang ngayon kasi nga birthday ko, wala na siya.
“Nakakapanibago lang pero alam kong happy si Mama sa heaven. Doon, wala na siyang sakit at alam ko na parati niya kaming ginagabayan.
“Kaya panay naman ang dasal naming magkakapatid na huwag niya kaming pabayaan.
“Hindi man namin siya nakikita, nararamdaman pa rin namin ang pagmamahal niya para sa aming lahat.”

No comments:
Post a Comment