Sa nakaraang presscon ng This Guy’s In Love With You Mare ay paulit-ulit na nilinaw ni Luis Manzano na walang katotohanan ang mga lumabas na balita na “on the rocks” o nagkakalabuan na ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado. (CLICK HERE to read related story.)
Ngunit sa kabila ng pagbibigay-linaw na ito ng aktor, may bulung-bulungan pa ring lumalabas na totoo raw talagang nakakalabuan ang magkasintahan.
Sa interview ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis sa trade launch ng ABS-CBN na ginanap sa NBC Tent, The Fort nung nakaraang Miyerkules, October 3, muling nagbigay ng kanyang reaksyon ang TV host-actor hinggil sa patuloy na pinag-uusapang issue tungkol sa kanila ng kasintahan.
“Baka naman yung gumagawa ng issue ang nagkakalabuan sa dyowa nila? Parang sa amin nila nilalagay ang problema nila,” palagay ni Luis.
“Kami walang problema, baka yung mga gumagawa ng issue, sila ang namumroblema sa kani-kanilang buhay.
“Ok kami, walang kaproble-problema at all.”
Sinabi rin ng PEP kay Luis ang kumakalat na may hula pang isa sa mga araw na ito ay gugulantang na lang ang balitang hiwalay na nga sila ni Jen.
Ipinagkikibit-balikat at pinagtatawanan na lang daw ito ni Luis.
“It’s something, like, idiotic na magkaroon ng ganung prediksyon. Dahil some relationships are meant to last, some are not. Fifty-fifty lang ‘yan, e.
“Parang sinabi nating uulan tonight… Puwedeng magtatagal kayo o hindi, yun lang naman yun.
“Ngayon, kung bibigyan ng eksaktong date, kung, pati kung ano ang isusuot namin pag nag-break kami, at kung ano ang kinain ko nung umagang yun…di ako bibilib.”
Wala raw epekto sa kanila ni Jen ang mga masasamang rumors tungkol sa kanilang relationship.
“The mere fact na di kami nagpaapekto, mas mukhang naapektuhan pa ang gumagawa ng issue. Siguro nainis na di kami nasira.”
CYBERCRIME LAW. Halos lahat ay may kani-kanyang opinyon tungkol sa pinag-uusapang Cybercrime Law.
Pero para kay Luis, aminado siyang kailangan niya munang basahing maigi ang nilalaman ng bagong aprubadong batas, bago siya makapagbigay ng reaksyon at opinyon.
“I believe in certain revisions, sabi nga nila may isang pumanchline. But I have to clarify na mas mabigat pa ang parusa ng Cybercrime…yung libel case kaysa sa rape.
“Yung rape puwedeng five years lang, pero yung libel na Cybercrime, 12 years.
“Kumbaga I have to sit down and read it.
“Sabi ko nga, base ko lang sa mga narinig ko, for something to be a law, siyempre you have to go through it.
“Mahirap yung sasali ka lang sa opinion not knowing kung ano talaga ang nilalaman,” pahayag ni Luis.
PRESSURE OF MOVIE. Kasama sina Vice Ganda at Toni Gonzaga sa pelikulang This Guy’s In Love With You Mare ng Star Cinema na ipapalabas sa darating na October 12.
May pressure ba silang nararamdaman na kailangang kumita ang pelikula nila ngayon, dahil pare-pareho silang galing sa mga pelikulang malalaki ang kinita sa takilya?
Ngunit bago nagbigay ng kanyang sagot, humingi muna ng paumanhin si Luis sa hindi niya pagdalo sa presscon para sa mga bloggers na ginawa ilang araw pa lang ang nakalipas.
“Pasensiya sa mga bloggers, mayroon akong prior commitment that day.”
Sa pressure ng kailangang pagpatok sa takilya ng kanilang pelikula ngayon, sagot naman ni Luis: “Kasama naman yun. But we know we gave our best, we trust the material, we trust each other and higit sa lahat we trust Direk Wenn.
“We all have our fingers crossed,” sabi pa ni Luis.

No comments:
Post a Comment