Tuesday, October 9, 2012

Jericho Rosales inamin na hindi pa niya kaya humawak ng malaking Concerts

Isang masayang Jericho Rosales ang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong October 2 sa isang pizza house sa may Tomas Morato, Quezon City, para sa presscon ng kanyang bagong album na may titulong Korona.

Unang inusisa ng media kay Echo ay kung bakit Korona ang titulo ng kanyang second solo album mula sa Star Records.

Paliwanag ni Echo, “Nung nag-shoot  kami ni Xander Angeles that day, nandun kami sa bahay ko and we were thinking  of a title para sa album.”

Si Xander Angeles ay isang kilalang photographer na nakapag-shoot na ng iba’t ibang celebrities para sa malalaking magazine titles, katulad ng FHM, Cosmopolitan, at YES! Magazine.

Isa raw sa mga litrato ni Xander ang nakakuha ng atensyon niya at nakita ang isang “koronang tubig.” Doon na raw niya naisip na “koronang tubig” o “Korona” na ang magiging titulo ng kanyang album.

“And then they asked why koronang tubig o korona, and I said, everything  you do in this world, and if you think…this is my own…prinsipyo ko lang ‘to, ha…

“Lahat ng bagay na gagawin ko dito sa mundo ay parang, feeling ko, dahil sa sarili kong kagagawan. So kung ano man ang maibubunga nito, ikayayabang ko or ikaha-humble ko, so, parang kokoranahan ko yung sarili ko ng ganun.

“So, I said everything that I do, it’s for the Lord. This CD  should be an offering. Especially, the song ‘Halaga,’ sabi ko, ito na yung offering ko sa Kanya.

“Kumbaga ito na yung korona ko sa Kanya. Si Jesus Christ naman talaga yung totoong hari, e. So, para sa kanya ‘to.”

Second solo album na ito ni Jericho, pero dati ay may nagawa na rin siyang album kasama ang kanyang bandang Jeans. Kumusta na nga pala ang banda niya?

“My band kasi, hindi na kami natuloy. Na-disband four years ago…five years ago. Because nag-concentrate ako ulit sa acting.

“Nung nag-acting na ako kailangan namin ng gigs, di ba, to survive?

“Yung isa, nag-tour sa Europe. Yung isa, nasa China. Yung dalawa, nag-Singapore. Pero, once in a while nagdya-jam pa rin kami.

“I’m trying to form a new band after this album. We’ll see,” pahayag ni Jericho.ACTING OR SINGING? So, ano na kaya ang priority niya sa ngayon: singing or acting?

Pag-amin ni Jericho, “For me kasi acting is number one at the moment.”

Pero saan kaya siya mas masaya?

Sagot niya, “Yung honest talaga? Singing.

“Well, singing kasi is nasa pamilya talaga, e. Yung nanay ko, kung maririnig n’yo lang, araw-araw kumakanta, ginigising ako sa umaga, ng mga kundiman niya ‘tsaka yung mga kantang Bisaya at kantang Bicolana.

“When I’m onstage po, dun ko lang naramdaman yung spontaneity, especially, nakikita ko yung reactions ng mga tao, nakikita ko yung mga nabubuo yung konsepto  namin. Nakikita ko yun in two hours. In two hours na concert and then the adrenalin is there.

“Number two is making movies. But unfortunately, you know I’m still building my reputation as a movie star. I would honestly say na parang iniipon ko pa yun.

“With TV naman, siguro kumportable na ako dun sa mga soap opera.

“But number one is music, number 2 is acting in movies, and in TV.”

Hindi na rin matawaran ang mga papuring natanggap ni Echo sa pag-arte, sa telebisyon man o sa pelikula.

Pero sa isa pang mahalagang bahagi ng kanyang karera ay ang pagkanta.

Nararamdaman kaya niyang pinahahalagahan na siya at nirerespeto as a singer?

Nag-isip muna ng malalim si Jericho bago sumagot, “Ah, I still accept criticisms. My management taught me how to be open.

“My friends taught me how to be, kumbaga, relax ka lang kung kini-criticize ka talaga.”

“But I do felt more accepted with PMPC’s supporting my first song na ni-launch ko dun sa unang album, ang ‘Pusong Ligaw,’ being Song of the Year.So, I said from being booed, binabato ng tubig, sinasabing kung anu-ano sa mga mga events, minsan  bina-bad sign, sabi ko nga, I’ve been accepted. Siguro in-accept na ako.”

Pinili ring Album of the Year ng Philippine Movie Press Club o PMPC sa kanilang 2nd Star Awards for Music nung October 10, 2010, ang Pusong Ligaw album ni Jericho.

“And then, last year ba yun? Star Cinema used two of my songs, for their movies.

“The one with Angel Locsin, sa In the Name of Love, ginamit nila yung ‘Pusong Ligaw’ and then yung ‘Naalala Ka.’

“So, kami ni Gab Valenciano…si Gab yung producer ko, e, dun sa album.

“Parang mangiyak-ngiyak kami, kasi narinig namin yung dalawang songs namin.

“So, that was the first time I got paid as a songwriter. So, I was  like, ‘Oh, thank you, Lord. And then Jonathan Manalo [album producer] again asked me just a couple of months ago, ‘Can you write a song for a movie that Star Cinema is doing?’

“So, I said, ‘Oh my, may bago na akong career.’ Immediately, I wrote something and I presented it to him and he said, ‘Okay. Who do you plan to sing the song?’

“Ayun na! So, I felt I was accepted na.”


THE NEXT BIG CONCERT PERFORMER? Sa palagay niya, kaya na ba niyang mag-concert sa malalaking venues?

Tugon ni Echo, “Well, honestly at the moment, I am gaining my reputation as a singer and a songwriter, though ito muna, albums and stuff. I, honestly, am not very confident at the moment to sell tickets sa concert.

“My concerts were successful like Kinse, And I Love Her… but I’m scared pa at the moment na gumawa ng malaking concert.”

Sa Teatrino sa Greenhills, San Juan, ginawa ang Valentine concert ni Jericho na And I Love Her nung February 2011, habang sa Ampitheater ng Marikina Riverbanks naman ginawa ang Kinse concert niya nung December ng nakaraan ding taon.

“Performance, I still have to do a lot of things, e. Like bamanagement wants me to enroll sa voice lessons pa rin.“For this month, di ba, parang they want me to progress? Kasi yung quality ng voice ko is for band recording, e. For rock and roll.

“So, they want me to be more sharper pagdating sa ballads, pagdating sa some finer kind of ano… Ayaw nila na ma-stuck ako sa rock and roll na mga ganun, pop. They want me to be able to perform well…"

Si Jericho ay mina-manage ng Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. ni Angeli Pangilinan-Valenciano. Kabilang sa mga kasama niyang talents dito ay ang mag-aamang Valenciano na sina Gary, Gab, at Paolo, Zsa Zsa Padilla, Donita Rose, at Kuh Ledesma.

“Number two, the soap operas always getting in the way, gets in the away sa music scene.

“It’s hard talaga. To produce lang ng album sobrang thankful na ako.”

Marami naman ang nagsasabing total performer na rin daw si Jericho pagdating sa stage.

“I will always incorporate acting in my singing. ‘Yan ang frustration ko, e. Yung stage. Hindi ako makapag-stage dahil sa acting works.”

Pero pangako niya, hindi rin naman magtatagal ay gagawa rin siya ng malakihang concert.

“I need more time to prepare, kasi I want to give people what they deserve parang ganun.

“Small intimate concert, yun yung specialty ko, e.”

No comments:

Post a Comment