Sinabi ni Judy Ann Santos sa isang recent interview na excited na siya sa nalalapit na teleseryeng Against All Odds kung saan makakasama niya sina KC Concepcion at Sam Milby.
“Exciting siya, actually. Sobrang ibang-iba siya sa mga past soaps ko kasi iba ‘yung character,” simula ng Teleserye Queen. “Iba ‘yung abala sa soap kasi physically, ‘yung nire-require sa kanya na pananakit, dapat physically prepared ka, emotionally prepared ka, kailangan may kurot pa rin siya ng humor. Hindi siya all out drama, [may] action, so mas reyalidad. Mas pwedeng mangyari sa totoong buhay ‘yung ibang eksena.”
Sa mga previous interview ng kanyang mga co-stars na sina Sam Milby, KC Concepcion at pati na rin si Jessy Mendiola, sinabi ng mga ito na may kumpiyansa na tatangkilikin ang kanilang proyekto dahil kasama rito ang Teleserye Queen. Nang hingan ng reaksyon si Juday, ang sagot niya, “Parang ang [laking] pressure naman sa akin. Naniniwala kasi ako ang isang teleserye hindi ‘yan magwo-work kung isa lang ang papanoorin. Siyempre magbi-blend ka sa co-stars mo.”
Nang kinumusta namin siya sa kanyang experience sa pakikipagtrabaho kina Sam at KC sinabi ni Judai, “Nakakatahimik kapag kasama mo ‘yung dalawa kasi ang dalas um-English. Tipong sagad na ba ‘tong usapan natin? Minsan si Sam gusto ko nang tanungin na, ‘Sam, Amerikano ka ba talaga o Bisaya?’ Kasi hindi ko siya maintindihan.”
Halata raw na ninenerbyos si Sam sa tuwing magti-take sila. “Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Wag kang ninenerbyusin.’ Kasi ninenerbyos siya, eh. Kaya nabubulol siya sa pagsasalita.”
Gayunpaman, nakikita raw niya ang effort ni Sam na maka-deliver. “Sa sobrang laki ng effort niya, naaawa na ako sa kanya. [Binibiro ko nga,] ‘Sige mag-English ka na lang, ako na ang magta-Tagalog.’”
Pagpapatuloy pa niya, kung tutuusin ay madaling katrabaho ang aktor. “Si Sam naman ‘di naman mahirap katrabaho. Kung ano ang hinihingi ng director, ibibigay niya. ‘Yun nga lang nahihirapan siya sa pagde-deliver ng dialogue. Talagang gusto niya, ine-effort talaga niya nang bonggang bonggang pagta-Tagalog, sadyang ayaw lang ng dila niya. Sabi ko nga sa kanya, ‘Sam sa Pasko kung pwede lang kitang bigyan ng bagong dila, bibigyan kita.’”
Sobrang excited din si Judai para sa gagampanan ni KC dahil aniya, tila coming-of-age ang role niya rito. “Si KC ganundin, kinakabahan. Sabi ko, nakakatakot ba ako? Pero sobrang bagay kay KC ‘yung role niya. It’s about time na makita siya ng tao in a different light. Sa akin tapos na siya sa pagpapa-cute, woman na siya eh. Bagay sa kanya ang character.”
Paglalarawan pa ni Juday sa role ni KC tila nakakaawang-nakakainis ang karakter ng actress-host sa Against All Odds. “’Yung maganda, sexy. Di mo magawang mabuwisit kasi maganda ang mukha, maganda ang ngiti pero maiinis ka sa karakter niya sa soap.”
Gayunpaman, ipinagmamalaki ng aktres na pinag-isipang mabuti ang kanilang soap opera kabilang ang mga karakter at istorya. “Lahat professional, lahat kalmado lang sa set,” ani Juday.

No comments:
Post a Comment