Isang lalaki na nagngangalang Daniel Magtira ang nagsabing asawa niya ang TV host-actress na si Kris Aquino.
Si Magtira, 52 taong gulang, ay nagpasa ng kanyang Certificate of Candidacy noong Oktubre 2 sa Commission on Elections.
Tatakbong senador si Magtira sa 2013 elections.
Sa kanyang COC ay isinulat ni Magtira ang pangalan ni Kris Aquino bilang kanyang "spouse."
Pero sa panayam ng ABS-CBN News kay Magtira, na lumabas noong Oktubre 3, nag-iba ang pahayag nito at sinabing nililigawan pa lamang niya ang TV host-actress.
Dagdag pa nito, si Kris din daw ang tutulong sa kanya na maabot ang pangarap niyang maging recording artist.
KRIS REACTS. Sa October 3 episode ng Kris TV, ang daily morning show ni Kris sa ABS-CBN, ay nabanggit niya na may kailangan pa siyang ayusin na mga papeles kaugnay sa annulment ng kasal nila ng basketball player na si James Yap.
Matapos sabihin iyon ni Kris ay isiningit ng co-host niyang si Senator Chiz Escudero ang tungkol kay Daniel Magtira.
“You know nagulat talaga ako. Baliw talaga siya!” bulalas ni Kris, habang natatawa naman ang kanyang co-host.
“My God… ang weird lang talaga!
“Mali ‘yan, kasi meron pa pala akong isang papeles na kulang. Pinaalala ng mga lawyers ko sa 'kin.
“Kasi hindi pa tapos ang total na hatian namin ng property,” pagtukoy ni Kris sa joint properties nila ni James.
Sinabi ni Kris na malabong mangyari ang sinasabi ni Magtira dahil hindi pa niya nakukuha ang papeles sa National Statistics Office (NSO) na magpapatunay “that I’m really single.”
Biro pa nga ni Kris tungkol sa nakatatandang kapatid na si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III: “Yeah, I have my annulment but I feel ayaw ibigay.
“Siguro sinabi ni PNoy, 'Wag n'yo ibigay para ‘wag na ikasal ulit!’”
Gayunman, sinabi ni Kris na totoong hindi pa maibigay sa kanya ang papeles na “single” na siya dahil mayroon pa silang dapat i-settle ng kanyang dating asawa.“Pero totoo, wala pa talaga 'yon.
“Kasi mayroon pa kaming tatlong property ni James, dalawa doon sa kanya, isa sa akin.
“At mayroon pa kasi akong kailangang i-settle ‘yon.
“Isa do’n Filinvest, so thank you, Filinvest, tinutulungan nila ako na maayos ‘yon.”

No comments:
Post a Comment