Tuesday, October 9, 2012

Kz Tandingan pinaayos ang simbahan sa kanilang lugar

Four million pesos at recording contract sa Star Music ang mga premyo na natanggap ni KZ Tandingan, ang first grand winner sa finale night ng The X Factor Philippines na ginanap sa Pagcor Grand Theater noong Linggo.

Napaluha si KZ sa sobrang tuwa, pati na ang kanyang pamilya na lumuwas mula sa Davao, nang i-announce ni KC Concepcion na siya ang grand winner. Napatalon si KZ at sumabay sa pagtalon at pag-iyak niya ang kanyang mentor na si Charice.

Si Gabriel Maturan ang second runner up ni KZ at third placer ang Daddy's Home. Gagamitin ni KZ ang bahagi ng kanyang cash prize sa pagpapaayos ng simbahan nila sa probinsya.

No comments:

Post a Comment