Sunday, October 7, 2012

Louise delos Reyes on doing a kissing scene with a girl

Noong Biyernes, October 5, ang huling episode ng primetime series ng GMA-7 na One True Love na pinagbidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards.

Lahat sa cast ay nagsasabing nalulungkot sila sa pagtatapos ng show. Parang naging magkakapamilya na raw kasi sila habang ginagawa ang nabanggit na drama series.

Si Louise, naging emotional pa raw sa last taping ng One True Love.

“Kasi siyempre, sobrang attached na rin ako sa show," simulang kuwento ni Louise sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 30 sa backstage ng Party Pilipinas.

“Parang hindi ko ma-imagine na hindi ako nagte-taping for One True Love.

“Mami-miss ko kasi yung buong team, yung buong One True Love family.

“And siyempre, ang lagi kong kaeksena, si Alden [Richards], siya ang mami-miss ko nang sobra.

“Pero kahit naman hindi kami magkatrabaho, parang lahat yata ng guesting namin sa iba pang shows, kami pa rin ang magkasama. Kagaya sa Party Pilipinas.

“So, mami-miss ko lang siya bilang Tisoy.” banggit pa ni Louise sa pangalan ng character ni Alden sa One True Love.


REAL BOYFRIEND? Kumpara sa karaniwang nangyayari sa mga magka-loveteam, hindi na-link sina Louise at Alden sa isa’t isa.

Hindi kaya dahil ito sa rumored boyfriend ni Louise na si Enzo Pineda?

“Hindi naman,” nangingiting reaksyon ng Kapuso actress.

“Siguro lang, dahil mas focused kami sa trabaho namin. Wala nang lalabis pa doon sa ngayon.

“And…kami kasi ni Alden, open kami kung anuman ang meron kami sa ngayon.

“At saka yung fans, naiintindihan naman na we’re not really romantically involved with each other sa totoong buhay.”

Ano ang pinakamami-miss niya sa pakikipagtrabaho kay Alden?

“Actually, marami, e. Kasi siya yung sobrang caring. And parang… comfortable ako being with him, sa mga scenes namin. Lalo na sa mga drama scenes.”


LIFE CHANGES. Ano sa palagay niya ang nabago sa kanya ng One True Love?

“Siguro, mas naging open ako sa buhay ng ibang tao. Hindi lang yung sa akin. At sa iba’t ibang klase ng pagmamahal.

“Yung One True Love kasi, nagta-tackle sa iba’t ibang anggulo ng pag-ibig. Kaya parang naiba nang konti yung perspective ko about love.”

Gusto ba niyang si Alden pa rin ang makapareha sa susunod niyang project sa GMA-7?

“Opo. Pero depende pa rin iyon sa management. Kung gusto nilang ipagpatuloy ang loveteam namin.

“Ok din naman sa akin kung maiba ang ipa-partner sa akin.”


VACATION TIME. Ano na ang plano niya ngayong tapos na ang mga taping para sa One True Love?

“Gusto kong magbakasyon! Bakasyon lang naman for a week o kahit for a month.

“Gusto ko lang ma-enjoy yung na-miss ko rin habang ginagawa ko yung One True Love.”

Vacation abroad o out-of-town lang?

“My friends and my family are planning to go abroad naman. 'Tapos… let’s see.

“Gusto ko abroad na… Asia muna. Pero since yung mga kamag-anak ko sa States are inviting also, so, hindi ko alam kung ano.

"Marami rin yung papers na aasikasuhin ko for the States, sakaling matuloy ako doon. Siguro by November o December.”

Kasama kaya niya ang rumored boyfriend niyang si Enzo?

“Ah…meron akong trip with my friends. Baka doon na lang siya sumama,” sabay tawa ulit ni Louise.

“Pero mauuna muna siyempre yung kasama ang family ko.”


WITH ENZO? Trip abroad din ba yung pinaplano niya with Enzo and her friends?

“Hindi ko pa po alam yung details, e. Kasi hindi pa rin natatahi yung mga commitments namin.

“Yung sa akin kasi, yung schedule ko sa showbiz ang mahirap kuhanin. Sa mga friends ko kasi, school lang.

“And… nag-schooling din ako. So, tinatahi-tahi pa namin ang mga schedules namin.”

Nasa anong status na ba ngayon ang matagal nang napapabalitang pagkakamabutihan nila ni Enzo?

“Ganoon pa rin! Steady lang. Ah…we’re just really enjoying each other’s company. And we’d like to keep it private na lang.”

May enough time na siya ngayon para sa kanila ni Enzo dahil pansamantala ay hindi muna siya gaanong busy sa trabaho.

“Time para sa lahat. Siyempre, time muna para sa sarili.”


PLAYING TOMBOY. Tinatapos ngayon ni Louise ang shooting ng indie film na Basement. Isang tomboy na drug addict ang character na ginagampanan niya rito.

“Medyo binago siya ni Direk Topel Lee. Hindi na siya ganoon ka-tomboy. Hindi na siya ganoon ka-drug addict," paglilinaw ni Louise.

“Teenager siya na naliligaw ng landas. Na hindi niya alam kung ano ang purpose niya sa buhay.

“Ok rin lang naman sa akin na gumanap bilang tomboy talaga.

“Gusto ko rin namang mag-venture sa ibang characters. Away from my forte na drama.”

Professional si Louise pagdating sa trabaho. Ok lang ba sa kanya kung tomboy nga ang role niya, 'tapos ay may kissing scene siya sa kapwa babae?

“Hihingin ko muna yung advice ng family ko,” tawa ulit ni Louise.

“Ako naman kasi, if the character calls for it, okey lang siguro.”

No comments:

Post a Comment