Sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, ginagampanan ni Lovi Poe ang papel ni Sonia, isang normal na babae na makikipaglaban sa mga aswang.
Katulong ni Lovi dito si Makoy, na gagampanan ni Dingdong Dantes bilang leading man niya sa pelikula.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi, ikinumpara ng aktres ang role niya dito sa Tiktik sa dati niyang roles.
Esplika niya, “Malaki yung difference dahil hindi ko kailangan umarte nang animalistic... in an animalistic way.
“So basically that’s it naman and yung mga acting, more on the acting side lang.
“Iba kasi yung nananakot ka, iba yung motivation mo dun, e.”
Alin ang mas gusto niya?
“Parehas kong gusto, e. Masaya rin naman ako na nagampanan ko ang pagiging aswang.
“Masarap yung feeling, ha? Nalalabas mo yung galit mo sa mga sigaw mo, sa mga paghugot ng mga bituka... yung ganun!” natatawang sabi ni Lovi.
Dagdag niya, “But then dito naman kasi more on takot yung napi-feel mo, so it’s a challenge din.”
Alin ang mas challenging?
“Yung pagiging aswang, I think... oo. Kasi yun nga kailangan mo imadyinin mo yung sarili mo, as if you’re like an animal.”
Tatlong beses na raw gumanap si Lovi na buntis…
“So, hindi na ako nanibago.”
Sa Tiktik: The Aswang Chronicles, buntis si Lovi na namamaril at nakikipaglaban sa mga aswang.
“Oo, maganda nga siya kasi nakikita mo yung power ng isang babae, ang strength ng isang babae.”
HORROR PRINCESS. Ano ang nararamdaman ni Lovi kapag tinatawag siyang "Horror Princess"?
“Sa akin, okay naman, 'coz I can’t deny the fact na this year I’ve done a lot of horror films.
“But then basically, in time naman, I’ll be doing a lot of different things naman.
“At least, ako, happy dahil nakasama pa ako ako sa Tiktik—it’s something na hindi nangyayari all the time.”
FIRST WITH DINGDONG DANTES. First time ni Lovi na makatrabaho si Dingdong, sa pelikula man o sa telebisyon.
Kumusta katrabaho si Dingdong?
“Sobrang galing niya as an actor and also mabait siya, so magaan talaga sa set.
“Masarap kasi kapag yung kaeksena mo, nadadala ka, e... so iyon.”
Ayon sa panayam noon kay Dingdong, ginagawa pa lang ang script ng Tiktik ay si Lovi na ang nasa isip nila para sa role na Sonia.
“Oh, talaga?" reaksiyon ni Lovi.
"Thankful naman ako because sa ganitong klase pang pelikula.
“I mean, dream naman ng lahat na makapareha si Dingdong, but then makasama pa ako dito sa Tiktik is something else for me.”
Isa rin si Dingdong sa producers ng Tiktik: The Aswang Chronicles. Kasama ng AgostoDos Pictures ni Dingdong ang Reality Entertainment, GMA Films, Post Manila, at Mothership Production.
Kumusta si Dingdong bilang producer?
Sabi ni Lovi, “As a producer, doon ko nga masasabi na they took the risk and I’m very happy someone has to do it first.
Kumbaga, you have to set the standard and I think that’s what they did here so…”
Halos ang kabuuan ng Tiktik ay ginamitan ng green screen na first time ginawa sa Pilipinas.
Dahil sa bagong film technology na ito, marami ang umaasang kikita ang pelikula.
Sabi ni Lovi, “Oo, but aside from the fact, hindi naman iyon basically ang iniisip nila but just to set that standard for us here sa local movie industry.”
POLITICAL CELEBRITIES. Sa eleksyon next year ay tatakbong senador si MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares, ang half-sitser ni Lovi.
Kung kukunin siya ni Grace na magkampanya, papayag ba si Lovi?
Sagot ng aktres, “There’s no problem with it naman. Parang, it’s automatic whether she asks me or not... parang I’ll be here naman to support her.”
Bilang anak ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., wala bang plano si Lovi na pasukin din ang pulitika?
Ang yumaong ama ni Lovi ay tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2002 ngunit natalo.
“I don’t see myself kasi doing that because I believe kasi that I can do other things naman in different ways—it’s not my turf talaga, e.”
INSPIRATION. Kumusta naman ang personal life ni Lovi?
“Personal life is good naman... I’m actually very happy, it’s actually personal!” sabay tawa ni Lovi.
“I’m very inspired actually sa work ko, yung ibinibigay kasi nila sa akin...
“Pag binibigyan nila ako ng tiwala, parang mas lalo akong nai- inspire na gawin yung best ko talaga.”
Sa tao, kanino siya kumukuha ng inspirasyon?
“Sa tao? A lot of... marami kasing tao na puwedeng paghugutan ng inspirasyon.
“Kasi kahit na yung... of course family, friends—automatic na yun.
“Pero kahit yung masasamang elemento sa paligid or mga aswang sa paligid...
“Puwede mong gawing inspirasyon because mas parang nagiging motivated ka sa mga bagay-bagay.”
CLOSE FRIEND. Kaibigan ni Lovi si Heart Evangelista at kailan lamang ay naging open na sa publiko ang relasyon nito kay Senator Chiz Escudero.
Noon pa ba alam ni Lovi ang tungkol sa relasyon ng kanyang kaibigan?
“I don’t wanna talk about that. Basta sa akin, kung saan masaya si Heart, I will always be here naman for her.”
Humingi ba ng advice si Heart sa kanya?
“Basta we talk a lot!” at tumawa si Lovi.

No comments:
Post a Comment