Mapapanood na simula sa Lunes, Oktubre 29, ang inaabangang Pinoy version ng hit Koreanovelang Temptation of Wife na pagbibidahan nina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Dennis Trillo, at Rafael Rosell.
Sina Marian at Glaiza, hindi raw biro ang naging preparasyon sa kani-kanilang mga papel dahil sa bigat ng kanilang karakter na gagampanan.
"Unang-una kasi, ito yata ‘yong Koreanovela na talagang nag-rate at nakatatlong ulit pa yata ito sa GMA, nag-telebabad, nag-panghapon, pero nagra-rate pa rin siya," panimula ni Marian.
"So para sa amin may pressure rin kahit papaano. Pero ang importante niyan, nabibigyan ng mas makahulugan at may Pinoy version tayo na mas madamdamin, ‘yong mas sensitive, mas may puso," dagdag nito.
Ipinagtapat naman ng dalawang Kapuso actress na pinanood nila ang orihinal na bersyon ng Temptation of Wife para lubos daw nilang maunawaan ang kanilang papel na ginagampanan.
"Pinanood namin ‘yong original na Temptation of Wife [‘yong Korean] kasi gusto rin namin malaman kung ano talaga yong pinagmulan ng eksena tapos character study na rin para sa amin," paliwanag ni Glaiza.
Ang inapi at mang-aapi
Gaganap si Marian bilang si Angeline na aapihin ni Glaiza, na gaganap naman sa karakter ni Heidi.
"Walang maliit na role dito, eh. Lahat talaga malaki at kinakailangan talaga sa soap na ‘yon. So medyo pinaghahandaan talaga namin. Hindi ito bara-bara lang kasi malalim siya," ayon kay Marian.
Marami-rami na rin umano ang eksena na nakunan nila, at biro ni Marian, sa simula pa lamang ay inaapi na siya.
Hindi naman daw sila nanibago sa Glaiza sa isa’t isa dahil nagkatrabaho na rin naman sila sa dating epic-seryeng Amaya.
Glaiza bilang Heidi
Tiwalang-tiwala din si Marian sa galing ni Glaiza kaya kumbinsido siyang magagampanan ng kaibigan ang papel bilang si Heidi – isang malandi at pursigidong babae.
Aminado naman si Glaiza na hindi rin niya naiwasan na kabahan sa mga unang araw ng kanilang taping.
"Hanggang ngayon ini-embrace ko pa rin ‘yong character ko, ganon eh. Honestly doon sa mga taping days namin na kinakabahan pa rin ako... Pero ang maganda doon, ‘yong suporta ng mga co-actor, tapos ‘yong director ko, so unti-unti papunta na doon," aniya.
Nagpasalamat din ang dalawa sa kanilang mga tagasuporta at pati na rin sa mga nag-aabang sa nalalapit nilang primetime series.

No comments:
Post a Comment