Nilinaw ng bagong Kapuso na si Rafael Rosell ang usap-usapan na kaya siya umalis sa ABS-CBN dahil pakiramdam daw niya ay walang nangyayari sa kanyang career doon.
“I think that’s what everyone is thinking,” sabi ni Rafael.
Pero kampante siya sa pagsasabing “I don’t think I burned any bridges.”
Kuwento pa ni Rafael, “Nakakausap ko pa rin mga kaibigan ko doon. Tapos yung handler ko, nami-meet ko rin every now and then.
“Siyempre, hindi naman nawawala yung pagmamahal ko doon.
“Pero kumakalat talaga na may iniwan ako na sama ng loob—hindi totoo yun.
“Lumipat ako dahil naghahanap ako ng pagbabago, pagbabago lang sa buhay.”
Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz si Rafael sa presscon ng unang major project niya sa GMA-7, ang Temptation of Wife, noong Lunes, October 22, sa Studio 7 ng GMA Network.
CHANGES. Pero anong klaseng "change" ba ang hinahanap ni Rafael?
Sagot ng Filipino-Norwegian actor, “Environment, environment or change sa buhay.
“Siyempre, sobrang risk yung ginawa ko. Di ba, hindi mo basta puwedeng gawin iyon?
“So, dahil dun, nagkaroon ng excitement sa bagong station, bagong tao.
“Feeling ko talaga, mag-aartista ako ulit.
“Yung feeling ko na na-feel ko sa Norway, na nalaman ko at nakapag-decide ako na pupunta ako sa Pilipinas para mag-artista, yun din yung feeling ko nung lumipat ako sa GMA.”
Kailan niya na-realize na gusto na niyang lumipat?
“One month din akong no communication with anyone para lang maramdaman ko kung ano talaga ang gusto ko sa buhay.
“Nag-one month ako para mag-isip."
Saan siya nagpunta?
“Nag-surf ako. Nag-surf ako nang nag-surf.
“Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko.
“Inisip ko muna na wala ako sa showbiz para lang outside perspective naman, di ba?
“Dahil ever since na dumating ako dito [sa Pilipinas], ang buhay ko, sa loob lang ng ABS, e.
“So for one month, nasa labas talaga ako—out of both network, any network, hindi ako artista.
“Puwede rin. Pero sabi ko, mas gusto kong umarte.”
TAKING A RISK. Sampung taon daw ang inilagi ni Rafael sa bakuran ng ABS-CBN at Star Magic.
“Doon ako nag-start, e,” sambit niya.
“Yun nga, e, nag-lapse yung contract nung Star Magic at nung ABS-CBN, sabi ko, this is a perfect opportunity to do what I want to do.
“Wala akong kontrata, wala akong commitment sa kahit ano.
“I can actually quit showbiz if I want to… pero sabi ko, let’s explore.
“I took a month off, I just explored the adventures, tapos na-realize ko na pagbabago yung hinahanap ko.”
Hindi rin daw puwedeng gawing isyu ang hindi niya pagkakaroon ng project sa ABS-CBN dahil bago siya lumipat sa GMA-7 ay katatapos lang ng huling teleserye niya, ang Dahil Sa Pag-ibig.
Sa ABS-CBN ay madalas siyang naipapareha kay Denise Laurel, kasama na nga ang Dahil Sa Pag-ibig.
Ayon kay Rafael, kinonsulta niya si Denise tungkol sa kanyang planong paglipat ng network.
“Ilang beses ko rin siya nakausap, e.
“Binigyan niya ako ng opinion niya and binigyan niya rin ako ng opinion at side ng iba. I took it into consideration.
“Pero para sa akin kasi, hangga’t hindi ko pa nararanasan, hindi ko rin malalaman ang katotohanan.
“So I tried it out—at hindi totoo yung mga rumors, e.”
THE TRANSFER. Pagkatapos nito ay ikinuwento na ni Rafael kung paano siya napunta sa Kapuso network at sa pangangalaga ni Popoy Caritativo.
“So, nung naghanap na rin ako ng bagong manager, si Popoy ang unang naisip ko dahil si Kris Aquino, nabanggit dati na interesado siya [Popoy] mag-manage sa akin.
“So, nag-meeting kami, naglagay kami ng terms and conditions, nag-agree kami. Okay rapport namin.
“Sabi niya, ‘Sige, tingnan natin kung ano maibibigay sa ‘yo ng GMA.
“So, nung lumapit siya sa GMA, mabilis ang pangyayari.
“Sabi niya, kung gusto ko siya na manager ko, GMA na ang bagong network ko.
“Sabi ko, sige, baguhin na lahat.”
Pero kung hindi nag-offer ang GMA-7, mag-i-stay siya sa ABS-CBN?
“Hindi ko rin alam, e… baka nag-TV5 ako,” sabi ni Rafael.
Ano yung mas mahirap: Magpaalam o lumipat?
“Siyempre yung magpaalam,” sagot ni Rafael.
“Mahirap magpaalam dahil nakakatakot yun dahil baka may maapakan ka.
“Pero para sa akin, hindi ko na inaano na yun… honesty ang atake ko, e.
“Sabi ko, ‘I’ll be honest. I’ll tell what I feel.’
“Naka-ilang meetings pa kami at ilang beses akong umakyat doon [ABS-CBN management] para magsabi na I really want change.”
Pero pinigilan din ba siya ng ABS-CBN noon?
“Oo naman… nag-counter offer.”
Ano ang mas madali: Makipag-break sa girlfriend o lumipat ng network?
“Siguro kung finire [fired] ako ng network, yun, di ko mage-get over.
“Pero yung paglipat ng channel, mas mahirap, kasi mas matagal din ako dito kesa sa mga relationships ko.
“Ang pinakamatagal na relationship ko is three years lang!” natatawa niyang sabi.
Dagdag pa ni Rafael, “Mas matagal pa nga sa network, pero dahil doon, mas mahirap talagang lumipat.”
SINGLE AND AVAILABLE. Wala raw girlfriend si Rafael ngayon.
Ang huli niyang relationship ay sa dati ring Star Magic talent na si Malaya Lewandowski. Nag-break sila noong 2009.
Saad ni Rafael, “First time ko maging single na after ilang years straight.
“At ginawa ko rin yun dahil ipinangako ko kay Mommy na… hahanapin ko muna yung pag-ibig sa sarili ko kesa sa pag-ibig sa ibang tao.
“Pero, di ba, lahat tayo dumedepende sa pag-ibig sa labas?
“Pero paano kaya kung ibigin mo yung sarili mo, I feel pretty safe na hindi ka na mabibigo sa sino mang babae pa, di ba?”
Meron na ba siyang natitipuhan among the Kapuso actresses?
“Meron, madami.”
Sinu-sino?
“Well, sa Party Pilipinas, you have Isabelle Daza, you have Solenn [Heussaff], Lovi Poe…”
Pero nagpauna na si Rafael na ang mga binanggit niyang pangalan ay ilan lamang sa leading ladies sa GMA-7, at hindi yung tipong wife-material na agad.
COMPETITION WITH DENNIS. Ang co-stars ni Rafael sa Temptation of Wife na sina Marian Rivera at Dennis Trillo ay mga “kapatid” niya sa kanilang manager na si Popoy Caritativo.
Tinanong ng Hot Pinoy Showbiz si Rafael kung hindi kaya sila magkaroon ng competition ni Dennis pagdating sa roles dahil pareho silang pang-leading man.
Sagot niya, “Actually, kapag nakasama mo kami sa Luminary family namin, makikita mo yung clear distinction between me and Dennis, e.
"Hindi ko alam kung gaano mo kilala si Dennis, pero ibang-iba siya sa personal, e.
“I think with that quality, nase-segregate pa naman kung ano ang puwede sa bawat isa.
“Siyempre yung role ni Dennis ngayon, I think astig nung role niya dahil ang versatile, e.
“Pero hindi ko pa nagagawa yung super-bait na tao… parang iba naman yun atake namin.”
LIFE AS A KAPUSO. Kumusta naman ang experience niya so far bilang isang Kapuso?
“Very, very good,” sambit ni Rafael.
“Siyempre, most experience ko sa Party Pilipinas.
“Nagsama-sama kami sa dressing room, sama-sama kami sa rehearsal room.
“Ang bilis magkaroon ng bonding kapag lahat matagal mag-rehearse, e.
“Tapos dito sa tech run every Saturday, parang nanonood ka na rin ng show because everybody is trying to perform, everybody is bonding.
“Parang party talaga kapag Sunday dahil well-rested ka, dahil bonding on real time.
“Tapos nakapag-rehearse ka na before, so parang party talaga.”
Tatlong taon ang kontratang pinirmahan ni Rafael sa GMA-7.
Ano pa ang ini-expect niyang mangyayari sa kanya sa bago niyang network?
“In terms of expectations, well, since ito yung unang ibinigay sa akin, I expect more like this.
“More fun dance numbers… medyo mahaba yung exposure ko dun sa Party Pilipinas, e.”
Hindi ba’t halos ganun din yung ginagawa niya dati sa ASAP?
Sumang-ayon si Rafael, pero paliwanag niya, “Kasi sa akin, parang mas mabigat na responsibilidad yung ibinigay sa akin, which is para sa akin, change, maraming steps na aaralin.
“In terms of expectations, hindi naman ako yung tipo ng tao na naglalagay ng sobrang expectations.
“Dahil para sa akin, what I want is to become a leading man, and enjoy whatever offer na meron sa akin.”
COMPARISONS. Saan mas mataas ang talent fee: sa GMA-7 o ABS-CBN?
“Ikaw, ano sa tingin mo?” balik-tanong niya.
“Basta eto lang ang sasabihin ko—ang habol ko, change.
“Since hinabol ko yung change, dumating na rin yung opportunity, dumating na rin yung TF… kasama na lahat."
Nang tanungin kung ano ang mga nakikita niyang pagkakaiba ng ABS-CBN at GMA-7, binanggit ni Rafael ang bilang ng oras sa pagtatrabaho at ang pagkain na isini-serve sa taping.
“Actually, dito, hindi pa ako umaabot ng super-maaga dito, e…
“Mas madalas silang mag-serve ng pagkain… breakfast, lunch, merienda, dinner, merienda.
“Tapos napansin ko rin na parang yung [pagkain] dito, para sa lahat.
“So, hindi ka na rin mahihiya na mag-ano dahil… pati driver puwedeng kumain."
Pagdating naman sa pakikisama ng mga tao?
“In terms of people naman, I think almost the same.
“Yung nararamdaman ko lang… yung level of competition, intensity…
“So lahat [dito sa GMA-7], parang push, ‘Kaya mo ‘yan, bro. Eto pa ang gawin mo kung gusto mong i-try, subukan mo…’ Lahat very supportive.
“I think yung nangyayari sa ABS, the reason kung bakit mas nararamdaman yung competition, dahil sa mga dressing room.
“Halimbawa sa ASAP, yung dressing room doon, dalawa o tatlo—so nagiging grupo-grupo.
“E, dito kasi [sa Party Pilipinas], lahat ng dressing room, siksikan kami lahat diyan sa umaga!
“Kaya bonding talaga, parang party na rin dahil ang gaganda ng outfit ng mga tao, yung iba babalik pa dun para makipag-bonding.”
Sino na ang mga ka-close niya sa Kapuso network?
“Of course, si Dennis, nakaka-hangout ko.
“Si Jay-R, si Kris Lawrence, si Gian Magdangal… si Aljur [Abrenica] nakakakuwentuhan ko.
“Ang dami kong napi-pickup sa kanila ng mga tips sa pagkanta.”
Masaya ba siya sa kanyang naging desisyon na lumipat?
“Opo naman. No regrets at all, e.
“Pero I don’t judge or I don’t look down upon ABS-CBN dahil iniwan ko.
“I’m happy it happened and I’m not sad it happened.
“I’m happy na nangyari ‘yon. I’m also happy with what’s happening….” saad ni Rafael.

No comments:
Post a Comment