Tuesday, October 9, 2012

Regine Velasquez dream na ma Guest si Miriam Defensor sa bago niyang show na Sarap Diva

May dream guest si Regine Velasquez sa bago niyang cooking/talk show na sa Sarap Diva.

“Ang dream guest ko sana dito si [Senator] Miriam Santiago.

“Wala lang, kasi why not? Bakit hindi e kasi mommy siya.

“Nanay siya, ang tagal na nilang mag-asawa. So, feeling ko, ang dami niyang...I’m sure, nagluluto siya sa bahay, ang dami niyang tips na puwedeng ibigay sa akin.

“We don’t have to talk about politics if she doesn’t want to.

“That’s her job naman, e. That’s her work, e. We can just talk about her being a mom, her being a wife.

“So, iyon sana yung dream guest ko, na sana mapaunlakan niya,” pahayag ni Regine.

Inimbitahan na raw nila si Senator Miriam.

“We tried pero parang hindi yata siya pumuwede. So, sana sa susunod na mga episodes, makuha namin siya.”

Magsisimula na sa October 6, ang Sarap Diva ay sa direksyon ni Treb Monteras II at mapapanood tuwing Sabado, 10:45 am bago ang Eat Bulaga!

Kakanta rin ang Asia’s Songbird tuwing ending ng show kasama ang brother-in-law niyang si Raul Mitra.

Mapapanood din sa Sarap Diva ang partisipasyon ni Nathaniel James Alcasid or Baby Nate at ang pet dog ni Regine na si George.


HOW’S MANG GERRY? Samantala, kinumusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine ang ama niyang si Mang Gerry Velasquez.

In an episode kasi ng Party Pilipinas, napaiyak si Regine habang kinakanta ang paboritong kanta ng ama niya, ang “You’ll Never Know.”“He’s good, he’s doing very well. He’s good,” sagot ni Regine.

“He’s been sick. So, medyo siyempre, tatay ko yun, so, mahirap panoorin yung tatay mo na nagkakasakit, lalo na’t hindi naman siya laging nagkakasakit.

“But he’s a lot better,” pahayag pa ng Songbird tungkol sa kanyang 75-year-old father.


OGIE IN 2013? Since nalalapit na ang eleksyon, napadako naman ang usapan tungkol sa pulitika; hindi ba tatakbo ang mister niyang si Ogie Alcasid sa 2013 elections?

“Saan, saan tatakbo? Baka sa [Quezon City] Circle tumakbo,” pagbibiro ni Regine.

“You know, I keep asking him kung if he’s interested.

“Right now, he keeps telling me na it’s not in his plan, right now.


“It can change. People change, people, you know, will suddenly have that desire.”

Kaya ba niyang maging politician’s wife?

“Kahit hindi kaya, kakayanin, asawa ko yun, e. Ayoko namang pigilan ko siya, parang ang pangit naman nun.

“Hindi ko siya pipigilan.”


NO GOVERNMENT POSITION NEEDED. Pero sa tingin ni Regine, hindi na kailangan ng posisyon sa gobyerno para makatulong sa kapwa.

“Hindi. Sa ngayon, iyon yung sinasabi niya sa akin sa ngayon, ‘I can help people without being a politician, I’m a public servant,’ which I actually like.

“But like I said, it can change, he can suddenly have the urge or the calling, the inspiration, to run for office.I don’t know, but right now, it seems na wala naman. So, I’m happy.

“Pero if one day mag-decide siya na he wants to run for office, I will support him one hundred percent. I will not stop him.”

Paano kung si Regine ang alukin na tumakbo?

“Pagkakakitaan ko ba ‘yan?” at tumawa si Regine. “Huwag na.

“No, because the way I see it being a public servant—and ganyan din yung asawa ko, e—you serve the people. It’s not the other way around.

“Now kung iyan ang alituntunin mo sa buhay mo, go ahead and run for office.

“Pero if you’re thinking is to earn money, I’m sorry hindi mo ikayayaman ang pulitika.

“Unless maging basura ka. E ayaw na natin yun, e. May utak na ang mga  tao, hindi na sila bumoboto ng basura.”

 Pero sabi ng PEP sa kanya, meron pa ring mga taong bumoboto ng basurang pulitiko.

“Siguro hindi lang natin ma-avoid,” sabay-tawa muli ng Songbird.

“Hindi lang ma-avoid. Pero lately, parang nararamdaman ko naman na medyo mas umo-ok tayo dun sa mga hindi masyadong…

“Meron pa ding nakakalusot pa rin, pero sana nga one day, dumating yung panahon na talagang mag-isip na lang yung tao.

“Pero alam mo, after the EDSA Revolution, the first one, makikita mo naman na meron na, e.

“Na we want change, meron na tayong initiative na we want the right choice, the right people to be there. Although once in a while, sumisilat pa rin tayo.

“Pero at least meron na nun. Start yun.Ginagaya na nga tayo ng ibang bansa, di ba? Yung pagpi-People Power.”


GMA-7 PURCHASE. Kinuha ng PEP ang reaksyon ni Regine nang narinig niya ang isyu ng bilihan sa pagitan ng GMA at TV5.

“Hindi ko alam, hindi ko alam. Kung ako yung may-ari ng GMA, matutuwa ako,” at muling natawa ang Songbird.

“Kaya lang hindi naman ako involved. Artista lang ako.

“Hindi ko masabing sana kasi parang ang salbahe ko naman bilang yung mga bosses namin ay napakabait naman sa akin.

“So, kung ano sa feeling nila na makakabuti sa network, doon din kami siyempre. Wala naman kaming say diyan bilang artista lang kami ditto,” pagtatapos na ni Regine.

No comments:

Post a Comment