Monday, October 22, 2012

Regine Velasquez may kakaibang sakit, matagal bago nadiskubre!

May sakit palang dyslexia si Regine Velasquez-Alcasid. Yup, dyslexia o Developmental Reading Disorder (DRD). Isang uri ng sakit sa pagbabasa.
Ayon sa PubHealth.com, ang dyslexia ay “developmental reading disorder, a reading disability that occurs when the brain does not properly recognize and process certain symbols.”
Matagal na pala itong sakit ni Regine na hindi niya agad na-identify although meron na siyang idea. Pero isang beses habang nanonood siya ng programa ni Oprah sa TV, doon niya na-realize na kumpirmado, may ganito nga siyang pinagdaraanan.
“Alam mo ’yun, ’yung letter B nagiging letter D. Akala noon ng nanay at tatay ko, malabo lang ang mata ko kasi nga bali-baliktad ang mga nakikita nilang sinusulat ko sa notebook,” pag-aalala ni Regine tungkol sa kanyang sakit noong bata ba siya na kung hindi siya nagkakamali ay 10 to 12 years ago lang niya nadiskubre.
“Hindi naman masabi ng tatay at nanay ko na bobo ako kasi ang galing kong mag-memorize. Paano mo sasabihin na bobo kung ganun,” dagdag ni Regine last Saturday night sa isang tsikahan sa kanilang bahay ni Ogie Alcasid kung saan siya ang personal na nagluto ng kaldereta, baked salmon, pasta, at maraming pang iba na nang tanungin namin kung paano niya niluto at pini-prepare ay ’wag na raw itanong dahil experiment niya lang ang lahat nang simulan niyang lutuin ’yun noon.
Grabe pala ang dyslexia. Ayon pa sa Pubhealth.com: “A person with DRD may have trouble rhyming and separating sounds that make up spoken words. These abilities appear to be critical in the process of learning to read. A child’s initial reading skills are based on word recognition, which involves being able to separate out the sounds in words and match them with letters and groups of letters.
“Because people with DRD have difficulty connecting the sounds of language to the letters of words, they may have difficulty understanding sentences.
“True, dyslexia is much broader than simply confusing or transposing letters, for example mistaking ‘b’ and ‘d’.
“In general, symptoms of DRD may include:
“Difficulty determining the meaning (idea content) of a simple sentence.
“Difficulty learning to recognize written words.
“Difficulty rhyming.”
Kaya nga traumatic ang panahon na nag-eskuwela siya dahil sa panlalait ng iba niyang mga kaklase.
“’Di ba ’yung iba, parang happy and memorable ang me­mories nila noong nasa elementary and high school? Ako hindi. Traumatic talaga,” dagdag niya.
Nakaranas pa siya noon ng pambu-bully sa eskuwelahan.
Kasi pati telephone number hindi niya ma-memorize kaya nilalait siya.
Magaling siya sa memorya pero hirap siyang mag-spelling at mag-memorize na dala-dala niya hanggang ngayon.
“Hindi puwedeng babasahin ko ang question sa guest kasi hindi ko agad mababasa,” sabi pa ni Songbird.
Ang ilan sa ka-level niya sa ganitong sakit, ayon sa dyslexia.com, ay sina
Albert Einstein, Leonardo da Vinci, George Clooney, Orlando Bloom, Tom Cruise, Whoopi Goldberg, Jay Leno, Keanu Reeves, Muhammad Ali, Steven Spielberg, at marami pang iba.
At hindi lang dyslexia ang sakit ni Regine. Ibang klase pala ang kanyang migraine. Umabot pala siya sa puntong kailangan na siyang turukan ng steroids dahil hindi na niya kaya ang sakit sa ulo.
“Kung napapansin ninyo, minsan parang ang payat ko, ’tapos bigla akong tumataba. Kasi nga tinuturukan ako ng steroids kasi talagang hindi ko na kaya. Ito, namamaga ito (sabay turo sa kanyang sintido). Natatakot nga ang doctor ko kasi puwedeng maging dahilan ’yun ng aneurysm o baka atakihin ako kasi naha-high blood na ako,” sabi niya.
Hormonal imbalance and stress ang dahilan ng kanyang grabeng migraine. Kaya nga ’pag nakakaramdam na siya ng sakit o nagsisimula nang kumirot ang isang part ng kanyang ulo, umiinom na siya ng gamot para hindi na lumala.
Meron din pala siyang cut off sa taping dahil hindi na nga niya kakayanin at puwedeng atakihin siya ng migraine ’pag hindi siya nakapahinga.
Anyway, bukod sa kanyang kakaibang sakit na ngayon lang napag-usapan, napagkuwentuhan din ang naudlot niyang pagbibida sa Miss Saigon noon dahil nga kasalukuyang naghahanap ang grupo ni Cameron Mackintosh ng bagong gaganap sa role na nagpasikat noon kay Lea Salonga na muntik nang siya ang maging bida.
Ang kuwento pala, sa New York, USA pa noon nag-audition si Regine kasama sina Dulce and Jaime Rivera. Kumanta at naramdaman niyang bumilib naman ang grupo ni Mackintosh. After the audition, wala siyang narinig na feedback. But after a month, nakatanggap siya ng telegram at sinasabing kailangan niyang mag-training sa London, England. Imbes na ma-excite, natakot siya dahil hindi makakasama ang kanyang Papa Gerry na kasa-kasama na niya sa simula ng kanyang career.
Bata pa noon si Regine kaya hindi siya naglakas loob na gawin ang Miss Saigon at mag-training sa London.
“Hinahanapan na pala ako ng partner noon kasi may mga nakasama na ako. Pero hindi eh,” sabi niya.
And the rest is history. Napunta kay Lea ang pagbibida sa Miss Saigon.
Bukod sa Miss Saigon, marami pang ibang nakilala si Regine sa Amerika noon na kung sineryoso at kinarir niya lang ay baka nagkaroon siya ng bonggang career doon. “Pero hindi na uli ako nakipagkita sa kanila,” sabay tawa ni Mrs. Alcasid tungkol sa mga ginawa niya noon.
Pero walang nararamdamang pagsisisi ang singer-actress-TV host dahil ’asan nga naman siya ngayon? Matagal nang walang Miss Saigon at magkakaroon na nga ng comeback pero ang career niya bongga pa rin. May anak pa siya. Sabi nga, baka hindi ’yun ang destiny niya.
Sa kasalukuyan ay tatlo ang show ni Regine, Sarap Diva (napapanood eve­ry­­ Saturday (9:45 a.m.), Party Pilipinas, and HOT TV.
At ito nga todo na ang ginagawa niyang paghahanda para sa kanyang 25th anniversary concert, Silver, na gaganapin sa Nov. 16 sa SM Mall of Asia Arena.
Higanteng shows ang inihahanda ni Regine dahil itotodo na niya bilang silver anniversary na niya sa pagiging singer.
Orchestra ang kasama niya at magiging guest din sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, and Lani Misalucha.
Nasa listahan ng mga original guest sina Martin Nievera and Gary Valenciano pero parehong hindi puwede ang dalawa. Ididirek ang Silver ni Rowell Santiago.
Dapat ay TV special lang ang gagawin niya for her anniversary sa GMA7 pero nag-co-prod sila para maging malaki itong concert. “Kinakarir ko ang concert na ito,” pahabol ni Regine na pumayat na nang halos 30 lbs. pagkatapos niyang manganak kay Nate.
Updated ang magiging presentation as in may pagka-modern.
“Alam mo naman ang mga tao, pintasero, baka naman sabihin nila wala na bang iba? Kaya updated, modern ang presentation,” sabi ni Ms. Cacai na younger sis ni Regine pero hindi naman daw ito nalalayo sa mga concert ng ate niya kung saan ang mga kanta ng Songbird ang hinahabol ng audience.
Co-presentors ng concert ang Belo Medical Group and Bench at major sponsors ang Sunlife Philippines, Smart, Victoria Court, and Pacific Blue Shades.

No comments:

Post a Comment