Kinilabutan daw sina Aga Muhlach at Regine Velasquez nang magsimula uli mag-shooting ang pelikula nilang Of All The Things, matapos ng tatlong taong pagkakabinbin nito.
May mga eksena raw kasing hindi nila akalaing magkakaroon ng kaugnayan sa bagong buhay na papasukin—lalo na ni Aga, na papasok sa pulitika sa susunod na eleksyon.
Sabi nga ng aktor, marami sa mga eksenang nakunan na sa pelikula ay ginawa sa Bicol.
At ngayon nga ay tatakbo siya bilang kongresista sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur, isang bayan sa Bicol region.
Lumalabas tuloy na parang may dahilan kung bakit nahinto ang shooting ng pelikula at sa taong ito lang natapos.
Sabi ni Aga, “If we’re talking about, let’s say yung pagpasok ko sa pulitika, parang hindi sinadya.
“Feeling ko naman, local lang yun sa akin, hindi naman kailangan yung pelikula para ipanalo sa akin sa pagtakbo ko.
“Kasi nga, next year pa naman yun [eleksyon].
“Kung may pelikula na kailangan kong i-showing, dapat i-showing ko yun January or February next year.”
Sa March 2013 ang simula ng kampanya para sa May 2013 elections.
Dito na ikinuwento ni Regine ang sinasabing nakakapangilabot na koneksyon ng pelikula sa buhay nila.
“I don’t think na... hindi naman boboto ang tao sa pelikula, e. Hindi naman yun ang basehan," pasimula ng Asia's Songbird.
“Nagkataon lang na yung pelikula namin, nasa world ng pulitika. Nagkataon lang talaga.
“Yung pelikula namin is really talking about politics, laws…
“And there’s this line there, na hindi na namin sasabihin…Sabi niya [Aga] sa akin, ‘Meron ba talaga ‘yan?’
“’Oo,’ sabi ko, ‘it’s really in the script.’
“Tapos tinanong pa namin, ‘Eto bang script na ito dati pa o bago lang?’
“Sabi ni Joyce [Bernal, director], ‘Dati pa. Sira-sira na nga…’
“Sabi ni Aga, ‘My God, kinikilabutan naman ako diyan!’”
Iyon ba ang naging senyales upang pasukin ni Aga ang pulitika?
Sagot ni Aga, “Hindi ko nga alam, at that time.
“Nakakadagdag lakas-loob lang ito ngayon, na parang…You know, I always believe in destiny, e.
“Sabi ko nga, nagkaka-aberya itong movie namin ni Reg.
“This is our third movie, wala namang rason para magkaproblema ito.
“And three years itong tumigil at ngayon pa ito lumabas.
“Hindi namin sinasadya, hindi namin in-insist sa Viva na i-showing na natin this year. Hindi.
“Sila ang nagsabi no’n. Kami naman ni Reg, sige!”
REGINE SUPPORTS AGA. Pagdating naman sa pagpasok ni Aga sa pulitika, nalaman lang daw ni Regine ang tungkol dito, sa balita.
Sabi ni Regine “Hindi ko nga siya tinanong.
“Ibang tao pa ang tinanong ko: ‘Totoo ba na papasok siya?’“Tapos nung nag-usap na kami, sabi ko, 'Basta kung kailangan mo ako, suportahan kita.'"
Pabor si Regine sa pagpasok ni Aga sa pulitika dahil may nakikita raw siyang katangian ang aktor na talaga raw gustong makatulong sa tao.
“Kasi sa akin, meron siyang desire to help people.
“Siguro yun talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya, kaya susuportahan ko siya as my friend.
“At saka kasi itong trabahong ito, ang hirap ng pulitika, kasi you serve the people—that’s your purpose for running.
“If that’s your purpose for running, okay, go!
“It’s not the other way around, hindi yung tao ang nagsi-serve sa iyo. You serve the people.
“Mukhang malinaw ‘yan kay Aga nung nag-usap kami.
“I’m happy for him kaya I will support him a hundred percent.”
Nagpapasalamat naman si Aga sa pangakong suporta ni Regine sa kanyang pagtakbo.
Saad niya, “Sagad-sagad ang pasasalamat ko. Maraming-maraming salamat talaga. It’s just all nice, it’s all good.
“Kami, being nandito sa pag-aartista namin, it’s working for the people also—entertaining them, serving them also in such a way.
“So, I think, hindi naman malayo yun sa pagsisilbi sa tao.”
SECRETARY ROBREDO. Tungkol naman sa pagkamatay ni Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, sinabi ni Aga na nalungkot siya sa nangyari.
Matatandaang isa si Secretary Robredo sa mga sumaksi sa oath taking ni Aga at iba pa, bilang lehitimong miyembro sa partido ng Liberal Party, ilang linggo bago masawi ang government official sa plane crash.
Sabi ng aktor, “It’s a big loss para sa akin, sa partido namin sa Liberal, at sa mga tao rin.
“Nakikita naman nila kung ano yung bait nung tao, kung ano yung pagkatotoo niya sa pagsisilbi sa tao.
“And as a matter of fact, when I entered Liberal, siya ang kumausap sa akin because he’s from legal also.
“And he would always tell me na, ‘O, Aga, pag may problema ka, sabihin mo sa akin. You let me kow. You know if I can be of help anytime.’
“And sinabi ko sa kanya may konti akong ganito na binabalak kong gawin sana. Tinutulungan niya ako kaagad.
“'Etong dapat mong gawin, ganyan-ganyan.'
“Tapos sinabi niya sa akin, ‘Just call me anytime. Mahaba pa ang lalakbayin natin,’ sabi niya. ‘Ako'ng bahala sa iyo, aayusin natin ‘yan.’
“Masakit, hindi lang dahil sa tutulungan niya ako…
“Masakit dahil may isang taong gano’n na kakakilala mo pa lang, parang all-out na tulungan ka.
“Siguro, nakita niya yung hangarin ko is to serve the people talaga.
“Sabi ko nga, hindi 'ko para perahan ang tao. Hindi ko kayang gawin yun.
“Kaming mga artista, ang training namin, maging maayos, maging diretso ang buhay—hindi para magnakaw or magwalanghiya ng tao.
“Plus, I feel sad for the family, the kids. Kahit sinong mawalan ng mahal sa buhay, masakit talaga.
“Plus, hindi maganda yung pagkawala ng kaibigan nating si Secretary Jesse kasi nakita mo naman yung eroplano na nalaglag… masakit, masakit.
“So, I condole with the family. He’s a big loss for us. But then that’s God’s will, I guess. If it’s our time, it’s really our time.”

No comments:
Post a Comment