Noong October 8, Lunes, ay muling pumirma ng three-year exclusive contract sa Kapuso network si Rhian Ramos.
Present sa contract signing ni Rhian ang pinakamatataas na opisyales ng Kapuso network: Atty. Felipe Gozon, chairman and CEO; Mr. Jimmy Duavit, president and COO Jimmy Duavit; at Annette Gozon-Abrogar, GMA Films president.
Sabi ni Rhian sa panayam sa kanya ng Startalk, “I’m happy to still be here because I feel like dito ako nararapat, kasi dito ako nanggaling.
“And iyon na nga, kasi parang second home ko na ito at saka, iyon nga, there’s no place like home.”
Ayon naman kay Atty. Gozon, “Si Rhian ay homegrown dito sa Channel 7 kaya’t tayo’y talagang nagagalak na hindi niya tayo iniwan.
“At kamukha rin ng dati, hindi mauubusan ng project ‘yan. Lalo namang gumagaling, e.”
Ipinakilala si Rhian bilang isa sa mga leading lady nin Richard Gutierrez sa fantaseryeng Captain Barbell noong 2006.
A DARING RHIAN. May mga sarili nang plano si Rhian ngayong muling napagtibay ang pagiging Kapuso niya
“I want to bring something new that people would expect to see.
“For example, nung pumunta yung The Road sa States and stuff like that, and pag nai-study ko yung kung paano ba yung showbiz doon.
“Ang dami nilang different things na nagagawa na, ‘Oh…’ Parang sabi ko, ‘Puwede yun sa Philippines, e. Kasi kaya natin, e.’
“I want to do more movies—puwedeng indie, puwedeng mainstream.
“Handa ako na maging mas daring,” sabay tawa ni Rhian.
“Handa ako na mas daring yung role ko, as long as nakikita sa character na may dahilan.
“To show more skin? I think I’m ready.”
THE NEXT ACTION QUEEN? Bukod sa ready nang magpaka-daring, may isang film genre na nais itong pasukin.
“Action! Oo, dream ko yun.
“I started being more physical, I’m working out and stuff.
“And feeling ko, mas kakayanin ko ngayon, mas magiging believable.”
Sino ang mga nais niyang makapareha?
“Maybe Aljur [Abrenica]... parang feeling ko marami pa kaming kayang gawin together sa isang project."
Nagkasama na sina Rhian at Aljur sa teleseryeng Illumina (2010) at sa pelikulang My Kontrabida Girl (2012).
“At saka ang dami nang mga bagong leading men ngayon sa Kapuso network na hindi ko pa nakakatrabaho.
“Si Benjamin [Alves], si Mikael [Daez]… meron pa, marami pa.
“Si Geoff [Eigenmann] nga hindi ko pa nakakatrabaho, e.”
BIRTHDAY GIRL. Pagkatapos ng kanyang contract signing, sinorpresa rin si Rhian ng mga GMA bosses nang batiin at kantahan ito ng "Happy Birthday."
Nagdiwang kanyang ika-22 kaarawan si Rhian noong October 3.
“This feels like a celebration for me!” bulalas niya.
“Unang-una, gusto kong magpasalamat sa GMA sa pagbigay sa akin ng chance na ito at yung trust na gawin akong network artist ulit.
“Talagang it feels like this is the perfect birthday gift.”

No comments:
Post a Comment