Isasabuhay ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang buhay ng ikalawang Pilipinong Santo na si Blessed Pedro Calungsod. Paghikayat ng aktor, panoorin ang naturang television special na kapupulutan ng maraming aral.
Mapapanood ang pagsasadula sa buhay ni Calungsod sa mismong araw ng kanyang kanonisasyon sa Vatican sa darating na Oktubre 21.
Sa pamamagitan ng mga salaysay at panayam sa Church experts at mga deboto, matutunghayan ang television special tungkol kay Calungsod sa GMA News TV Channel 11 sa ganap na 8:40 p.m.
Kwento ni Rocco sa ulat ni Sherrie Ann Torres sa State of the Nation (SONA), marami siyang natutunan sa pagbibigay buhay kay Calungsod na isang katekista nang panahon na siya ay mapaslang sa Guam.
"Na-realize ko, yes, he should be considered as saint, si Pedro Calungsod. At what he would do for the word of God and what he would do for the others... na sana maraming tao na ganun din," paliwanag niya.
Hinikayat din ni Rocco ang mga estudyante at mga kabataan na panoorin ang naturang TV special dahil maraming magagandang aral ang mapupulot dito.
"Marami po kayong matututunan dito lalo na po sa mga bata na nag-aaral ngayon. Sa mga guro, ipa-assignment niyo po sa mga estudyante. Sana po manood dahil marami po silang matututunan dito," paghikayat pa niya.
Ipinanganak si Pedro Calungsod noong 1655 sa Diocese of Cebu, na dating sumasakop sa palibot ng Panay at Mindoro, at pati na sa Pacific island ng Guam.
Pinaslang si Calungsod ng mga katutubong Chamorro nang protektahan niya ang kasamang misyonaryong Jesuit priest Diego Luis de San Vitores.
Ang kanonisasyon ay isang malaking selebrasyon para sa 80 porsiyento na Katoliko sa Pilipinas. Mahigit sa 5,000 na Pinoy ang lilipad patungong Vatican City para saksihan ang makasaysayang tagpo.
Kabilang sa mga Pinoy na sasaksi sa kanonisasyon ay ang GMA News anchor na si Jiggy Manicad na mag-uulat ng live para sa GMA News and Public Affairs.

No comments:
Post a Comment