Nakapanayam ng Hot Pinoy Showbiz si Rocco Nacino sa pocket presscon ng Yesterday’s Bride noong Huwebes, October 11, sa 17th floor ng GMA Network Center.
Muling makakapareha ni Rocco sa GMA-7 afternoon drama na ito si Lovi Poe. Una silang nagkatrabaho sa Love Bug Presents: Hearts Don’t Lie noong 2010.
Dahil romantic comedy ang tema ng una nilang proyekto ay magaan lang ang trabaho nila noon, samantalang ang bago nilang pagsasamahan ay isang heavy drama.
Kuwento ni Rocco, “Kahapon, first day namin sa taping.
"So, the nervousness was there, pero excited. Pero, nangangapa pa ‘ko.
“Pero I’m going out of my way to set na maganda yung chemistry namin.
"Since yung una naming project two years ago, siyempre ngayon lang kami nagkatrabaho ulit.
“Ngayon, para ma-establish yung chemistry namin, para puwedeng walang ilangan… make her laugh, para at least she’s happy.
“Para pagdating sa eksena, very smooth, very natural…”
LOVI’S LEADING MAN. Ano nga ba ang pakiramdam na maipareha ulit kay Lovi at, sa pagkakataong ito, sa isang drama series tulad ng Yesterday’s Bride?
Sagot ni Rocco, “I feel very honored to be part of this project, very honored to play her leading man.
“Kasi, sino ba ako? Bago lang ako sa industriya na ‘to. Si Lovi matagal na, andami nang awards.
“Nung sinabi sa 'kin na mape-pair ka sa kanya, kinabahan ako.
"‘Kaya ko ba to?’ Parang kailangan kong tapatan ‘tong royalty na sa industry.
“So, it’s a big challenge for me, this project. I have to up my A game for this project.”
MATURE ROLE. Ano naman ang masasabi niyang kaibahan ng role niya sa Yesterday's Bride sa mga role na nagampanan niya noon?
Sabi ng StarStruck alumnus, “Nag-mature, e. Kasi manganganak si Lovi, magkakaroon kaming baby. So, magiging parents kami.
“So it’s something new that I’m gonna venture into.
"So I’m doing my research. Workshops, I’m very open to workshops.
“Saka I’m asking a lot of questions sa director namin tsaka sa production, kung anong puwede kong itulong at saka kung anong kailangan nila sa 'kin.
“Sa role na ‘to, I have a lot of preparing to do. I have to do my homework.
"Kasi nga, this is a big role, this is a big project.
“Kakaiba yung story kasi the writers and yung gumawa nung story, they put their extra efforts into this project.”
Magkakaroon ba sila ni Lovi ng mga intimate scenes dito sa Yesterday’s Bride?
“I read the script, yes. A little, yes.
"Because, yun nga, couple kami at very much in love, so ipo-portray namin, ipapakita namin yun sa mga audience,” sagot niya.
Una raw nagkaroon ng intimate scene si Rocco nang makapareha niya si Jennylyn Mercado sa Gumapang Ka Sa Lusak. Talaga raw kinabahan siya nang gawin ang nasabing eksena.
Sa pagkakataong ito, sabi ni Rocco, “So dito ko malalaman kung mawawala na yung mga qualms ko pagdating sa mga ganyang scenes.
“Kahit na sinasabi nila na sexy ako, I have a sexy image, kinakabahan pa rin ako pagdating sa ganitong klaseng scenes.
“Syempre, kailangang-kailangan ko ring respetuhin yung babae, respetuhin yung audience, yung story, and not to be too overboard.”
Paano ang gagawin niyang paghahanda?
Sagot niya, “I think the whole process of establishing good rapport with Lovi and pagtanggal ng ilang sa isa’t isa, I think that’s good enough para magawa nang maayos yung eksena.
“Kasi, I think, yun ang magiging barrier pagdating sa ganung eksena.
"Siyempre, pag di niyo gamay yung isa’t isa, nagkakailangan… talagang makakakita talaga ng di comfortable sa isa’t isa.”
ACTION-DRAMA ACTOR. Nang tanungin kung ano pa ang mga pangarap niyang papel na gampanan, wika ni Rocco, “I hope one day I can play a title role of a film or a show…
“Play a cop, a policeman, mapakita yung not just… yung lower than average life sa Pilipinas at soldier.
"Mabuhay [ang mga] action movies na medyo may modern touch na.”
Ayon kay Rocco, gusto niyang makilala bilang “action-dramatic actor.”
Dagdag niya, “Pero of course, I want to be versatile.
“Kung ano yung... halimbawa, I accepted a film na gumanap akong isang bading, parang ano lang, maka-unwind.”
Kung meron naman siyang action films na gustong i-remake, sagot ni Rocco: “Follower ako ng Bourne series, Mission: Imposssible, Taken.”
Kalalabas lamang ng sequel na Taken 2 sa mga sinehan noong nakaraang linggo. Gusto ba niyang mag ala-Liam Neeson?
May excitement na sagot ni Rocco, “Ang ganda e, 'no? Sobrang… that’s very deep.
"Para sa ‘kin, napakalalim gawin yung mga characters na yun, mahirap gawin yun.
“Yung challenge physically, yun yung habol ko,” sabi niya.
Kinunan din ng reaksyon si Gerald sa umano’y pagpapatanggal ni Mommy Divine ng makeup artist na si Jing Monis at stylist na si Eric Pe Benito na mga nag-aayos kay Sarah Geronimo for many years dahil maka-Gerald umano ang mga ito. “Ayoko na hong pag-usapan ‘yon,” iwas ni Gerald. “Kasi ayun lumabas naman, kumbaga nasa inyo ho ‘yon, sa mga nakabasa no’n. Kumbaga 'wag na nating pahabain pa. Tama na ho. Tama na.”
Hiniritan pa si Gerald kung closed book na ba ang isyu nila ni Sarah. “Ayoko na hong pag-usapan pa. Ayoko nang pag-usapan … kumbaga wala kaming ano... there’s no reason para pag-usapan na ‘yon, like I said before sana respeto at privacy ibigay natin.”
Dinugtungan pa ito ng isa pang tanong kung hindi ba niya ipagtatanggol si Mommy Divine na ngayon ay siyang itinuturong dahilan sa pagkakatanggal ng mga dating nag-aayos kay Sarah. “Ang sinabi ko dati pa, dating-dati pa bigyan natin ng privacy, ng respeto. Eh ‘yun nga, eh hindi pa ho binibigay eh,” sagot ni Gerald.
Nagkibit-balikat lang ang aktor nang tanungin siya kung may katotohanang tinatago lamang nila ni Sarah ang kanilang relasyon.
Nang tanungin naman si Sarah hinggil sa kanila ni Gerald, umiwas din ang dalaga. “Basta ok po ang lahat. Ayoko na pong ano… sana pag-usapan pa.”

No comments:
Post a Comment